Sylvia Sanchez masaya sa pagbubuntis ng anak niyang si Ria Atayde: “Excited for the arrival of our little Marudo.”
Ria Atayde blooming buntis sa huling trip niya bago tuluyang maging ina.
Sylvia Sanchez on Ria Atayde pregnancy, excited na sa pagdating ng kaniyang apo na magiging little boss daw ng aktres.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Sylvia Sanchez on Ria Atayde pregnancy.
- Paghahanda ni Zanjoe at Ria sa pagiging magulang.
Sylvia Sanchez on Ria Atayde pregnancy
![zanjoe marudo and ria atayde pregnancy](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2024/07/zanjoe-marudo-and-ria-atayde-pregnancy.jpg?width=450&quality=10)
Larawan mula sa Instagram
Nitong Hunyo ay masayang ibinahagi ng aktres na si Ria Atayde na siya ay buntis na sa unang anak nila ng aktor na si Zanjoe Marudo. Ang announcement idinaan siya sa pamamagitan ng pagbati sa mister na si Zanjoe nitong nagdaang Father’s day sa Instagram.
“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you 🤍 Happy first Father’s Day! ✨”
Ito ang naging pagbati ni Ria kay Zanjoe na revelation narin ng kaniyang pagbubuntis.
Sa bagong chapter nga ng buhay na ito ni Zanjoe at Ria, nangunguna sa napakasaya ay ang ina ni Ria na si Sylvia Sanchez. Base nga sa isa sa kaniyang latest Instagram post na huling trip daw ni Ria bago makapanganak ay sinabi ni Sylvia na very excited na siya na makita ang kaniyang apo.
“Excited for the arrival of our little Marudo 🙏❤️
Final trip for Mommy @ria before she embarks on motherhood full time 🍼🍼🍼.”
![sylvia sanchez on ria atayde pregnancy](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2024/07/sylvia-sanchez-on-ria-atayde-pregnancy.jpg?width=450&quality=10)
Larawan mula sa Instagram
Paghahanda ni Zanjoe at Ria sa pagiging magulang
View this post on Instagram
Ang aktres nagbahagi rin ng paghahandang ginagawa ni Ria at Zanjoe bilang mga first time parents. Sa isang IG video ay pinakita ni Sylvia kung paano nagprapraktis si Zanjoe sa pagkarga ng isang baby gamit ang kanilang alagang aso.
“Malamang hindi ka na aalis ng bahay niyo ni @ria pagwala kang trabaho, pag lumabas na si little boss ko 😃😀😀
Ramdam ko ang kasiyahan niyong mag asawa ❤️.”
Ito ang sabi pa ni Sylvia tungkol sa pagbubuntis ng anak niyang si Ria Atayde.
Congratulations Ria at Zanjoe!
![ria atayde pregnancy](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2024/07/ria-atayde-pregnancy-1.jpg?width=450&quality=10)
Larawan mula sa Instagram
- Anne Curtis sa anak na si Dahlia: “I prayed long and hard while she was in my tummy she would NOT take after my voice. ?”
- Ballet, classical music concert, fun run at fiesta! 7 Family-friendly events ngayong July
- Kryz Uy ipinanganak na ang 3rd baby nila ni Slater Young: “Welcome to the world, our baby Saxon Kent”