Riding-in-tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae

lead image

Riding-in-tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae sa may Payatas. Nakuhanan ng video ang pagsaklolo ng biktima sa mga pulis. Panoorin dito. | Photo: Screengrab mula sa Radyo Pilipinas

Rumesponde ang Batasan Police sa isang tip na mayroon daw riding in tandem nag-kidnap ng isang babae sa may bandang Payatas area. Agad na pinuntahan ng kapulisan ang lugar na itinuturong pinangyarihan at binaybay ang kahabaan ng Payatas road upang hulihin ang mga kriminal. Nagulat ang mga pulis nang may isang babae na tumakbo sa gitna ng daan na halos wala ng saplot at humihingi ng saklolo.

Maririnig sa video na kuha ng mga pulis na umiiyak ang babae at sumisigaw ng, "Tulong! Tulong!"

Matapos makuha ng pulis ang mga babae. Maririnig ang ilang putok ng baril. Dito nagsimula ang engkwentro sa pagitan ng mga pulis at diumanoy mga kriminal.

Ayon sa biktima

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/08/40355691 564184030664362 1469404489164259328 n.png Riding in tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae

Ayon sa biktima, pauwi na sana siya nang bandang alas dose ng gabi mula sa isang party dahil ipinagdiriwang niya ang birthday niya. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng dalawang di kilalang lalaki na naka-motorsiklo. Dito ay tinutukan siya ng baril. Akala ng babaeng biktima na ho-hold-up-in siya ngunit pinilit siyang isakay ng mga ito sa kanilang motor.

Salaysay ng biktima sa Radyo Pilipinas, "Nakikiusap na ako doon sa dalawang lalaki na, 'Wala po akong pera.' Sabi niya, 'Pakialam ko, hindi naman pera 'yong habol ko sa 'yo, e.' Sabi ko, 'Hala, Kuya, wag naman po ganiyan.'"

Habang nakasakay sa motor, may nakitang lalaki na naglalakad ang biktima at sinenyasan niya ito para ipahiwatig na humihingi siya ng tulong.

"May nakita po akong isang binatilyo na lalaki. Nagkakaway po ako sa kaniya. Nag-sign po ako na humingi ng tulong."

Maya-maya pa ay nakarating na ang biktima at ang mga suspek sa liblib na lugar na may talahiban. Patuloy nagmamakaawa ang biktima sa mga lalaki ngunit hindi siya nila pinakinggan. Dito sinimulan siyang pagsamantalahan.

"Pinunit niya 'yong damit ko," aniya. "Tinanggal niya 'yong shorts ko. Tapos 'yong dibdib ko, hinimas-himas niya po..."

Pagsaklolo

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/08/40348255 316331775599123 6017746233966198784 n.png Riding in tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae

Umaksyon agad ang binatilyong hiningan ng biktima ng tulong at isinumbong sa mga pulis na may babaeng kinidnap ng riding in tandem at patungo ang mga ito sa direksyon na pa-Montalban.

Habang nagaganap ang pagsasamantala, may narinig ang biktima at mga lalaki na babaeng umiiyak. Naglabas ang mga suspek ng baril para tignan kung ano 'yong ingay.

"May narinig po ako na nagputukan na baril. E, di natakot na po ako. Inayos ko na po 'yong damit ko na nasira. Hanggang sa nakit ako 'yong mobil ng pulis. Nagkakaway na ako."

Namatay ang dalawang suspek sa palitan ng putok. Iniimbestigahan pa ang pagkakakilanlan ng mga ito at kung sangkot din ba sila sa iba pang krimen sa lugar.