Anu-ano ang mga karapatan ng isang illegitimate child?

ALAMIN: Ano ang Illegitimate Child? Anu-ano ang rights ng isang illegitimate child dito sa Philippines? Mahalagang malaman ito!
Mahirap ang isang maging single mom. Kailangan mong itaguyod ang iyong anak at punan lahat ng iyong responsibilidad bilang ina. Sa panahon ngayon, marami sa atin ang gustong malaman ang rights ng illegitimate child. Ano nga ba ito at anu-ano ang mga karapatan ng isang illegitimate child?
Legitimate at Illegitimate Child. Ano ang ibig sabihin nito?

Photo from Unsplash
Matatawag na Legitimate Child ang bata kapag kinasal ang mga magulang nito at siya ay isinilang.
Kapag naman hindi ikinasal ang mga magulang mo at ikaw ay pinanganak, ikaw ay matatawag na Illegitimate Child.
Ayon sa ating batas, mananatili pa ring illegitimate ang isang bata kahit na dala-dala nito ang apelyido ng kanyang tatay kahit na hindi kasal ang kanyang mga magulang. Tandaan na ang tanging kasal lang ng mga magulang ang nagbibigay ng katibayan sa dalawang ito.
Ang ganitong scenario ay pangkaraniwang misconception ng mga magulang tungkol sa kanilang anak. Hindi legal na rason ang paggamit ng apelyido ng tatay o pagkilala bilang tatay para masasabi bang legimate o illegitimate ang isang bata.
Ang batang inampon naman ay may katulad na karapatang sa isang legitimate child. Katulad na lang ang paggamit ng apelyido ng nag-ampon, magmana at makatanggap ng supporta sa mga kamag-anak.
Rights of Illegitimate Child Philippines

Photo from Unsplash
Ayon sa batas, ang isang illegitimate child ay dapat sundan ang apelyido ng kaniyang ina. Pero may pagkakataon din naman silang isunod ito sa apelyido ng tatay kung gugustuhin nila at lalo na kung ang tatay mismo ang pumirma sa likuran ng birth certificate. Kailangan itong maayos bago tuluyang mapunta sa Local Civil Registrar at ng NSO.
Kung sakaling mahuli sa pagpapalit ng apelyido, at napangalan na ng tuluyan sa nanay, maaari naman itong maayos sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang birth record ng kanilang anak. Ang kailangan lang gawin ay mag file ng Affidavit to Use Surname of the Father (AUSF)
Kung walang expressed recognition ay makakapagpalit pa rin ng apelyido ang bata. Ipakita lang ang mga dokumentong ito na magpapatunay na anak niya ang bata tulad ng:
- Insurance
- Income Tax return
- Statement of assets anf liability
- Employment records
- Certificate of membership in any organization
- Social Security System/Government Service Insurance System records
Pagsapit ng 18 taong gulang ng bata ay maaari na siyang magdesisyong kung kaninong apelyido ang kaniyang gagamitin. Kadalasang pinapaboran ng korte ang kagustuhan ng isang bata.
Sa usaping mana naman, ayon sa Artikulo 887 ng New Civil Code of the Philippines, itinuturing ang isang illegitimate child na Compulsory Heir. May karapatan ka sa mana ng iyong tatay kung ikaw ay compulsory heir, kung saan legal kang kinikilala ng tatay mo bilang anak.

Photo from Unsplash
Ang isang Adopted Child naman ay may kasing-pareho lang ng karapatan ng Legitimate Child. May karapatan din itong magmana ng pag-aari ng mga umapon sa kanya at maisunod ang apelyido sa kanyang pangalan.
Sources:
BASAHIN:
Solo parent’s guide: Your rights and privileges
Common-law marriage: Rights of live-in partners
Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon