LOOK: Ritz Azul ikinasal sa kaniyang first and last boyfriend

Congratulations Ritz and Allan!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Ritz Azul, ikinasal na, alamin ang mga detalye sa kaniyang kasal dito!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ritz Azul at Allan Guy wedding
  • Love story nina Ritz Azul at Allan Guy

Ritz Azul at Allan Guy wedding

Ikinasal na ang aktres na si Ritz Azul sa kaniyang first and last boyfriend na si Allan Guy nito lang Sabado, November 20, 2021. Nangyari ang wedding ceremony sa Alphaland Baguio Mountain Lodges.

Sa Facebook page ni Ritz, ibinahagi niya ang ilang photos at videos sa kaniyang kasal. Sa isang post, ang sabi sa caption ay:

Ritz Azul at Allan Guy Wedding, Kuha ni Paolo Nierves ng Metrophoto. | Larawan mula sa Instagram account ni Ritz Asul.

“A journey full of love with you. #theGUYforRitz

Everyone, meet my husband, @allan_guwi

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

From ‘bubustedin na’ to this, From ‘hindi magaasawa’ to this, From being ‘manhid’ to being so in love. Life is full of surprises.”

Kuha ni Paolo Nierves
at Metrophoto. | Larawan mula sa Instagram account ni Ritz Asul.

Sa ipinost naman niyang video, ibinahagi ng aktres kung gaano ka-importante sa kaniya ang kaniyang surname. Mula sa Ms. Azul hanggang sa pagiging Mrs. Guy. Ito ay may caption na:

“A Letter to future Mrs. Guy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

- from ms. Alzul

Exactly 5 years ago (Oct. 10, 2016) nagmeet kami ni Allan Guy. Ngayon, konti na lang magsasabi na kami ng vow namin sa isa’t isa sa harap ng pamilya namin. Bago 'yon, gusto ko ring iremind ang sarili ko sa vow ko sa future mrs. Guy.

Shinoot namin ito nung March 2021 pa at parehas pa rin ang feeling ko. Ilang beses kong pinaulit ulit yung voice over ko dito para mawala 'yong nginig ng boses ko dahil sa iyak pero di kaya. Emotional talaga ako sa ganitong bagay lalo pag tungkol sa family name ko.”

Idinesenyo ni Mak Tumang ang wedding gown ni Ritz. Samantala, ang make-up artist naman niya ay si Jason Delos Reyes at ang hairstylist ay si Mark Anthony Rosales na ibinahagi sa kaniyang instagram account ang ilang litrato ng aktres.

Kabilang naman ang aktres na si Miles Ocampo sa bridesmaids. Ang dalawang aktres ay nagkasama sa horror movie na The Missing na kasama sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuha ni Paolo Nierves
at Metrophoto. | Larawan mula sa Instagram account ni Ritz Asul.

Love story nina Ritz Azul at Allan Guy

No Boyfriend Since Birth (NBSB) si Ritz Azul. Si Allan Guy ang first boyfriend niya hanggang sa ma-engage at ikasal na sila ngayon.

Unang ibinunyag ni Ritz Azul sa press conference ng pelikulang Pepe Herrera noong 2018 ang kaniyang lovelife. Ayon sa kaniya, ang lalaking ito ay hindi nakakaabala sa kaniyang trabaho at sinusuportahan siya sa kaniyang ginagawa.

"Ngayon, may ini-entertain na ako, dating, and he’s not from showbiz. Saka nung time na yun, naghihintay ako ng guy na hindi makakaabala sa ginagawa ko, kumbaga, susuporta pa rin. So far, iyong guy na ito, sumusuporta siya."

June 2020, inanunsiyo ng aktres sa kaniyang instagram na siya ay engaged na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK! Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kasal na!

REAL STORIES: It took us 12 years bago kami nag-decide na magpakasal

Halos 50% ng parents ay agree na mas okay ang live-in muna bago ang kasal

Ritz Azul: “He’s the one”

Sa live stream naman ni Ritz Azul noong July 2020. Sinagot niya ang ilang katanungan mula sa fans. Ang isa sa mga tanong dito ay ‘How did you know that he’s the one?’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sagot ni Ritz ay kasama sa prayer niya si the one at ang pakikinig sa mga advices ng magulang kaya nag-workout ang relasyon nila ni Allan.

“Siguro dahil din sa time, sa pagpapakilala niya. Siyempre nag-pray ako, syempre kasama ‘yon. Tapos sa advices ng parents ko nakinig ako.

Lahat-lahat ng nangyayari sa buhay ko, lahat ng advices ng parents ko and sa teachings na naririnig ko, perfect lahat na nasa kaniya. I think doon ko nalaman na he’s the one.”

Natanggap din ika niya ang negative side ng boyfriend na importante sa isang relasyon.

“And syempre noong nagkakilala kami sa years na magkasama kami at nagkakakilanlan, siyempre nakilala ko siya ng buo at nakita ko ‘yong mga ugali niya and paano siya mag-cope sa problems.

Larawan mula sa Instagram account ni Ritz Asul

Nakita ko na halos same kami mag-isip at nakita ko rin ‘yong negative na ugali niya syempre pero mild lang at kaya ko siyang tanggapin.

Tingin ko ‘yon. Isang malaking reason din na matanggap mo ‘yong negative side niya. And hindi naman kasi perfect lahat ng tao talaga.

Dagdag pa niya, may respeto sa kaniya at kaniyang pamilya kaya nasabi niyang ‘he’s the one’

“At ang pinaka-perfect talaga kaya ko naisip na he’s the one kasi he respects me and he respects my family, my parents and my sister.

Number 1 ‘yon. Also ‘yong family ko na kasama ni lolo, lola, tito, tita at mga pinsan. Mahal na mahal siya ng buong pamilya ko at mahal niya ang pamilya ko.”

Love is full of surprises. Congratulations Mr. and Mrs. Guy!

Source:

YouTube, Facebook 

Written by

Kyla Zarate