LOOK: Rochelle Pangilinan's dance-inspired maternity shoot

lead image

Rochelle Pangilinan pinatunayang isa siyang dancing queen sa isang dance inspired maternity shoot.

Ipinakita ni sexy mommy Rochelle Pangilinan ang kaniyang baby bump sa isang dance inspired maternity shoot na kuha ng Nice Print Photography ilang linggo bago siya manganak.

Rochelle Pangilinan pinakita ang kaniyang sexy baby bump

Photo: Nice Print Photography

Sa isang post niya nga sa Instagram ay ipinakita ni Rochelle Pangilinan na kahit buntis na ay sexy at hot parin siya at tunay na muse sa kaniyang passion na pagsasayaw, pag-arte at next na ay ang pagiging certified Momma!

Sa caption nga ng kaniyang post ay sinabi niyang..

rochellepangilinan

I’m a dancer, actor and wife,now soon to be Mom … Psalm 139:13-17 TLB says, “You made all the delicate, inner parts of my body, and knit them together in my mother’s womb. Thank you for making me so wonderfully complete! It is amazing to think about. Your workmanship is marvelous.”

Excited man sa paglabas ng kaniyang baby ay kita namang enjoy na enjoy si Rochelle sa kaniyang pagbubuntis lalo na sa mga little movements na ginagawa ng baby niya sa loob ng tiyan niya na ibinahagi niya rin sa isa pang Instagram post na kung saan sinabi niya na,

rochellepangilinan

There’s no better feeling than movement of life inside of you. ❤️#babykicks #9months #happiness

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

There’s no better feeling than movement of life inside of you. ❤️#babykicks #9months #happiness

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Kahit nga 9 months pregnant na at malaki na ang tiyan ay nakuha paring mag-pose ng mga sexy dance movements ni Rochelle sa kaniyang maternity photoshoot. In-encourage niya rin ang iba pang buntis na i-embrace ang mga pagbabago sa kanilang katawan na dala ng pagdadalang-tao.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Embrace your changing body 🙂

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Maliban nga sa dance inspired maternity photoshoot niya ay nagsagawa sina Rochelle Pangilinan at asawang si Arthur Solinap ng isang baby shower kamakailan lang na may theme ng musical fantasy film na “Into the Woods” sa Quezon City bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang first baby.

Ang naturang baby shower ay double celebration na rin ng 39th birthday ni Arthur Solinap.

Si Rochelle ay nakatakdang magsilang sa isang baby girl na ayon sa kaniyang ultrasound ay sa pagitan ng February 22 to March 1.

Matatandaang ni-reveal ng mag-asawa ang gender ng kanilang baby noong November 2018 sa pamamagitan ng isang video na kinunan sa bakasyon nila sa Tokyo, Japan.

Sa video ay makikitang tumawid ang mag-asawa sa sikat na Shibuya Crossing na kinalaunan ay kasama na ang kanilang pamilya sa isang building. Mula doon ay naghihintay silang ma-ireveal ang gender ng kanilang baby sa pamamagitan ng isang babae na tatawid sa crossing na may hawak na placard at hihinto upang itaas ang placard na may sulat ng mga salitang “It’s a girl.”

Tuwang-tuwa naman ang mga kamag-anak at kaibigan nila Rochelle na una ng hinulaan na babae nga ang magiging anak nito dahil sa kakaibang glow na dulot ng pagbubuntis sa kaniya.

Panoorin ang video dito:

Rochelle Pangilinan sa kaniyang pagbubuntis

Kahit nga malaki na ang tiyan ay patuloy parin sa pagtratrabaho si Rochelle at pagpunta sa taping ng kaniyang show sa GMA. Ayon naman daw sa kaniyang doktor hanggat hindi naman daw siya nag-bebleed ay safe paring magpunta sa mga tapings at trabaho niya.

Sa isang interview nga ng Pep.ph ay sinabi niyang ready na ang kaniyang labor bag in case na manganak siya anytime soon.

Sa ngayon ay hindi parin nakakapili ng pangalan ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa magiging baby nila. Pero ayon kay Rochelle ay gusto daw ng kaniyang asawang si Arthur ang pangalang Shiloh dahil sa meaning nito na “his gift” mula sa Bible. Samantalang gusto niya naman ang pangalang Elisha o Bliss dahil nagbigay daw ng perfect joy ang pagdating ng baby niya sa kanila.

Ang pagbubuntis ni Rochelle ay inanunsiyo ng mag-asawa sa Instagram isang taon matapos ang kanilang wedding noong August 8, 2017.

 

Sources: ABS-CBN News, Inquirer, PEP.ph, Inquirer

Basahin: Check out Jolina’s amazing nature-themed maternity shoot!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner