Saab Magalona ibinalita sa kanyang Instagram na magiging kuya na si Pancho

lead image

Muling nagdadalang-tao ang blogger/influencer na si Saab Magalona!

Ipinahayag ni Saab ang kanyang excitement sa kanyang Instagram account, sambit nito, "Kuya Pancho can't hide his excitement!"

Nage-expect muli ng isa pang anak sina Saab Magalona at ang asawa nitong si Jim Bacarro matapos ang isang taon ng pag-welcome ng mga ito sa kanilang anak na si Pancho at ang nawala nilang anak na si Luna, ang kambal ni Pancho.

Masayang pagbati ng ilang mga celebrities at malalapit na kaibigan nila Saab

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

 

Masayang binati ng ilang mga celebrities si Saab Magalona at ang pamilya nito sa kanyang Instagram post at ipinahayag din ang excitement nila para sa mag-asawa.

Ang magkapatid na sina Megan at Lauren Young na close friends ni Saab ang ilan sa mga unang nagkomento sa kanyang Instagram post.

Nagagalak na komento ni Megan, "I love you!!!! So happy for you guys!!!!"

Sa kabilang banda, saad naman ni Lauren, "Kuyaaaa kuy kuy!!!!!!!!!!!!! (na may tatlong pusong emojis pa na nakakabit sa komento nito)" at pahabol niyang komento, "YASSSSSSSSS (apat na pusong emojis naman ang nakakabit dito)."

Nag-komento rin ang fellow celebrity mom na si Iya Villania na kamakailan rin ay nagsilang sa kanyang baby no. 2, "Kuya Pancho!!! (tatlong pusong emojis pagkatapos)."

Nagkomento rin ang kapwa social media influencer na si Dani Barretto, "Congratulations Saab!!!! (tatlong pusong emojis pagkatapos)."

Isang negatibong komento

Sa kabila ng masasayang pagbati sa kanya ng kanyang mga followers at ilang mga malalapit na kaibigan at kapwa public figures, may isang tweet ang nakapukaw sa atensyon ni Saab at ibinahagi nito ang reaksyon niya sa kanyang Twitter account, "Can you imagine being such a negative person to tweet me this: 'Is it just me who’s not so happy that Pancho’s gonna be a kuya? He’s too young, di nya mae-enjoy pagiging mag-isa muna.'"

Dagdag pa ni Saab sa kanyang tweet na sagot sa negative comment na kanyang natanggap, "He is a twin. He was never supposed to be alone. Thank you to everyone except that guy!"

 

Source: Saab Magalona's IG, Saab Magalona's Twitter

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!