14 Valentine's Day deals ng mga restaurants at hotels

lead image

Mapa-staycation, buffet, o dinner with a view, narito ang 14 hotels at restaurants kung saan magandang mag-date sa darating na Valentine's Day.

Malapit na ang Araw ng mga Puso, kaya gumawa kami ng listahan ng hotels at restaurants kung saan magandang mag-date. Mahilig man kayong mag-staycation, mag-buffet, o mag-dinner na may magandang view, tiyak na may mapipili kayong swak sa inyong panlasa.

1. The Peninsula Manila

Corner of Makati and Ayala Avenues, Makati City

Mula February 11 hanggang 28, 2019, maaaring mag-overnight stay sa halagang PHP11,000*. Kasama rito ang mga sumusunod:

  • Dining credit na PHP3,000 kada araw, na maaaring gamiting sa The Lobby, Spices, Escolta, Old Manila, In-Room Dining, Salon de Ning,The Bar and Pool Snack Bar. (Kung naka-check in ng February 14 t- 17, ang dining credit ay puwede lamang sa In-Room Dining)
  • Complimentary bottle of wine
  • Buffet breakfast for two sa Escolta
  • Special Valentine welcome amenity
  • Matatanggap din ang standard room amenities na wi-fi access, unlimited city phone calls, access sa Fitness Center at outdoor pool, at complimentary parking para sa isang sasakyan.

*Plus 10% service charge at 12.6% tax.
*Ang restaurant credit ay non-cumulative at dapat magamit sa takdang araw.

 

2. Edsa Shangri-La Manila

 1 Garden Way, Ortigas Centre, Mandaluyong City

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Edsa Shangri-La, Manila (@edsashangrila) on

Sa halagang PHP4,700, mayroon ng dinner for two sa Lobby Lounge na may kasamang plated main course, at buffet selection para sa soup, salad, cheese, seafood on ice, at grand dessert display.

Mayroon ding two glasses ng champagne. Kung mag-uupgrade sa unlimited red wine, white wine, at moscato, ito at magiging PHP5,200. Makinig sa live entertainment 7 p.m. hanggang hatinggabi.

Mayroon ding iba’t ibang offers at set menus sa lahat ng restaurants ng hotel tulad ng Heat, Senju, Summer Palace, at Pool Bar (Feb.14-15).

Magpa-reserve sa 633-8888.

 

3. The Bellevue Manila

North Bridgeway, Filinvest City, Alabang, Muntinlupa

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by The Bellevue Manila (@bellevuemanila) on

Sa halagang P2,500 per head, puwede nang mag-dinner buffet kasama ang one complimentary drink, at makinig ng live entertainment mula kay Alex Arias, Judith Banal, at The Power Play band. Ang mga babae ay makatatanggap ng rose at box of pralines bilang regalo.

Magpa-reserve sa 771-8181 o bumili ng tickets online sa events.thebellevue.com/valentines-2019/.

 

4. Blackbird at the Nielson Tower

 6752, 1229 Makati Avenue, Makati City

Sa halagang P3,980* kada tao, kumain ng special four-course meal na may kasamang glass of champagne. Kabilang sa menu ang foie gras for appetizer, potato gnocchi para sa pasta course, pagpipilian ang wagyu strip loin o Chilean sea bass para sa main course, at malted milk panna cotta with salted caramel popcorn para sa dessert.

*Plus 10% service charge
**Walang a la carte service sa February 14.

Tumawag sa 828-4888 / 0927-8892782 para sa reservations.

 

5. Antonio's

Purok 138, Brgy. Neogan, Tagaytay City

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Antonio's Tagaytay (@antoniostagaytay) on


Sa mga gabi ng February 14 at 15, mayroong live entertainment at special set menu composed ng salad, main course, at dessert. May kasama na itong kape o tsaa, at isang glass ng wine. Ang presyo ay PHP8,000 pataas kada tao.

 *Fully booked na ang February 14, at February 15 na lamang ang maaaring ipa-reserve.

Tumawag sa 0917-8992866 o 0918-8992866 para sa karagdagang info at reservations.

6. Lemuria

5 Julieta Circle, Horseshoe Village, Quezon City


Ang restaurant ay may exclusive tasting menu sa halagang PHP3,100* kada tao. Kasama rito ang oyster amuse bouche, salmon appetizer, spiced cauliflower soup, grouper at squid para sa seafood course, sorbet, Cape Grim tenderloin para sa steak course, at strawberry mousse and choco-lychee sorbet para sa dessert.

*plus 10% service charge. May reservation fee na PHP750 kada tao, deductible sa inyong bill.                             
**Walang a la carte service sa mga gabi ng February 13-15.

Buong menu at guidelines dito: Tumawag sa 724-5211 / 722-2185 para sa reservations.

 

7. Raffles Makati

 1 Raffles Drive, Makati Avenue, Makati City

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Raffles Makati (@rafflesmakatihotel) on

Ang restaurant na Mirèio sa Raffles ay mayroong magandang view ng city skyline, at sa PHP5,910* per person, puwede itong ma-enjoy habang kumakain ng specially curated five-course menu.

Kabilang dito ang homemade cured salmon, black truffle at sweet onion cappuccino kasama ang iberico toast, pan-seared cod fish, grilled black angus tenderloin, at coconut curd na may fresh raspberry at raspberry soup. Ang mga babae ay makatatanggap ng special set of products mula sa L’Occitane. Magdagdag ng PHP1,350 para sa his & hers wine pairing upgrade.

*plus service charge.

Narito ang buong menu. Tumawag sa 795-0777 para sa reservations.

 

8. Okada Manila

New Seaside Drive, Parañaque City

Mag-dinner sa ilalim ng mga bituin at sa harap The Fountain ng Okada Manila. Ang isang table for two ay nagkakahalaga ng PHP9,888++, at may kasama itong four-course Italian dinner at free-flowing wine.

Tumawag sa 555-5799 upang magpa-reserve.

 

9. Las Casas Filipinas de Acuzar Quezon City

 134 Roosevelt Avenue, San Francisco del Monte, Quezon City

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Las Casas Quezon City (@lascasasqc) on

Makinig sa South Border habang ini-enjoy ang special sit-down dinner sa halagang PHP2,000 kada tao. Magsisimula ang live entertainment ng 8 p.m.

Para sa reservations, tumawag sa 0917-7113714 o 756.1435.

 

10. Mulberry Door

 26th Street, Forbestown, Burgos Circle, Bonifacio Global City, Taguig

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Mulberry Door (@mulberrydoor) on

Mula February 10 hanggang 16, maaaring i-avail ang kanilang exclusive three-course menu sa halagang PHP1920 kada tao. Para sa first course, mamili sa carrot soup topped with crisp pancetta o caesar salad with poached egg and caviar. Sa main course, mamili sa prawn risotto mushroom, pan-seared miso-glazed sea bass with couscous, o ribeye with bearnaise at whipped mashed potatoes. Para naman sa dessert, mamili kung chocolate mousse o lemon tart. May kasamang complimentary house wine.

Magpa-reserve sa 810-5427.

 

11. Cafe Ysabel

 175 M. Paterno Street, San Juan

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

We have a very special menu for Valentine's day! And as always, Chef Gene will be having his yearly chef's table in our new alfresco area. Limited slots left for our reservations and we will also be having a few walk-ins for Valentine's day. . . Book your events & special occasions with Cafe Ysabel. We offer both in-house and location catering for small & big events like weddings, family events and even corporate celebrations. Call Cafe Ysabel today at ‭(0995) 590 5515‬ /(02)7255089. Or email [email protected] to receive our special buffet and sit down menus! ?? #cateringph #eventsph #weddingph #restaurant #filipino #philippines #cafeysabel #filipinocafe

A post shared by Cafe Ysabel Philippines (@cafeysabel_official) on

Mayroong dalawang set menus na pagpipilian sa Valentine’s Day. Ang PHP1998 per head na menu ay may kasamang four cheese pizza, smoked tomato soup, choice sa grilled Argentine cut fillet of beef o pan-roasted halibut gratin sa main course, at flourless chocolate cake sa dessert.

Ang PHP2898 per head set menu naman ay mayroong barbecued squash of hot cappuccino at cold tomato soup, seared goose liver, choice sa pan-roasted halibut o grilled Argentine roasted bone marrow, Japanese cheesecake with toppings at brown butter ice cream.

Tumawag at magpa-reserve sa ‭0995-5905515‬ / 725-5089.

 

12. Nobu Hotel Manila

City of Dreams Manila, Oceana Blvd. corner Macapagal Ave., Parañaque City

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Nobu Hotel Manila (@nobuhotelmanila) on

Ang Nobu restaurant ay mayroong Valentine Omakase sa halagang PHP10,000 (nett) para sa dalawang tao. Kasama nito ang isang five-course menu kabilang na ang hot at cold courses, soup, at dessert. Mayroon ding libreng drinks for two, at surprise Valentine gift. Makakakuha rin ng discount card para sa kanilang Sunday brunch.

*Kailangan ng PHP1,000 reservation fee, na deductible sa inyong bill.

Maaari ring magpa-reserve ng kwarto sa Nobu Hotel sa ilalim ng kanilang Dream Celebration Package. Sa halagang PHP22,088 (nett), mag-overnight sa Nobu Suite, ang pinakamalaking kuwarto na may sukat na 119 square meters. Mayroon itong guaranteed king-sized bed, bath tub, at Japanese toilet. Ang package ay mayroon ding free breakfast for two, PHP5,000 dining credits at additional 25 percent discount na valid sa lahat ng City of Dreams food and beverage outlets, 20 percent discount sa DreamPlay at KGolf, at 10 percent discount VR Zone at Dream Shop.

Sa PHP17,088 (nett) naman, parehong package ang makukuha, ngunit ang kwarto ay Executive Room na may sukat na 46 square meters.

**Ang rates ay maaaring magbago nang walang pasabi.

Magpa-reserve sa 800-8080.

 

13. Hyatt Regency Manila

Belle Avenue, Parañaque City

Sa mga  mahilig mag-buffet, ang The Cafe ay may rate na PHP2,799 (nett) kada tao para sa February 14, at kung magbayad ng fifty percent ng amount bago mag-February 8 ay makakakuha ng 20 percent discount sa total bill.

Sa buong buwan naman ng Pebrero (maliban sa February 14), ang BDO cardholders ay makakakuha ng 40 percent discount sa buffet rates ng The Cafe.

Tumawag sa 691-1234 upang magpa-reserve.

 

14. Discovery Suites

 25 ADB Avenue, Ortigas Center, Pasig City

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Discovery Suites Manila, PH (@discoverysuites) on

Mag-staycation sa one-bedroom suite ng Discovery Suites sa halagang PHP6,550 (nett). May kasama na itong breakfast for two sa Restaurant 5, special Valentine's turndown, at dalawang tickets sa V-Day Special: An Intimate Night with Margie Holmes (February 13 at 15). 

Sa kanilang 22 Prime steakhouse naman, mayroong Valentine's Duo Package, isang special four-course his and her menus sa halagang PHP6,500.

Ang his menu ay salmon fritter appetizer, sweet corn velouté soup, oven-braised USDA beef short ribs, at vanilla pana cotta. Ang her menu naman ay  octopus salad, purple yam soup, Chilean sea bass, at red velvet cheesecake. May kasama rin itong two glasses of wine, at bouquet para sa mga babae. Sa window side din ang table, para may view ng Ortigas Business Cistrict.

Maaari ring piliin ang set menus lamang, na PHP2,500 kada tao. Available ang Valentine's Duo menu mula February 11 to 17, 2019.

Tumawag at magpa-reserve sa 719-8888.

 

Tiyak na maraming naghahanap kung saan magandang mag-date sa darating na Valentine's Day, kaya mas mabuting magplano at magpa-reserve na ngayon pa lang para makasigurong suwabe at romantic ang gabing iyon para sa iyong magsing-irog.

 

Basahin: Saan nga ba magandang magpunta ngayong Valentine's Day?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

Romy Peña Cruz

app info
get app banner