Sabay na pag-masturbate ng mag-asawa makakatulong sa sex life

Sabay na pag-masturbate ng mag-asawa makakatulong sa sex life

Kung hindi mo pa nasubukan, siguro nakakahiya itong gawin, pero ang sabay na masturbation ay siguradong gagawing mas exciting ang inyong mga gabi.

Kapag napag-usapan ang masturbation, madalas ay isa itong bagay na ginagawa mo kung ikaw ay mag-isa. Kaya't pagdating sa sabay na masturbation kasama ang iyong asawa, maraming tao ang nagdadalawang isip, o kaya nahihiya dito.

Ngunit posibleng makatulong ito sa sex life ninyong mag-asawa. Nagiging mas exciting ang sex kapag nakikita mo ang iyong asawa na nagma-masturbate, dahil nakikita mong nasasarapan ang iyong asawa.

Bukod dito, malalaman mo din kung paano niya gustong hawakan, kung saan ang mga paborito niyang lugar, at kung paano gagawawing mas masarap ang sex ninyong dalawa.

Sabay na masturbation, nakakabuti sa pagsasama

Maraming mabuting naidudulot sa pagsasama ang pagmamasturbate ng sabay. Heto ang ilan sa mga benefits na ito:

  • Nagiging mas intimate ang inyong pagsasama
  • Nagagawa nitong mas exciting ang inyong sex life, lalo na kung paulit-ulit ang inyong ginagawa
  • Malalaman mo kung anong uri ng stimulation ang gusto ng iyong asawa
  • Mas nawawalan kayo ng inhibitions at hiya sa isa't-isa
  • Puwede itong gawin para makapag quickie

Magandang isama ang pag masturbate ng sabay sa inyong sexual routine upang magdagdag ng kakaibang twist sa mga madalas ninyong ginagawa. Puwede rin itong gawin habang kayo ay nagfo-foreplay ng iyong asawa, at magandang paraan para maging mas masarap ang sex.

Paano kung nahihiya pa rin ako?

Hindi lahat ng tao ay agad-agad na magiging komportable sa ideya ng pagma-masturbate sa harap ng kanilang partner. Siyempre, ang masturbation ay isang pribadong bagay na ating ginagawa, at kahit asawa mo pa, nakakahiya pa rin ito gawin.

Kung gusto ninyo itong subukan, pero kayo ay nahihiya, heto ang ilang mga tips na makakatulong:

  • Puwede ninyong gawin ng dahan-dahan, at sabay muna para hindi lang ikaw ang gagawa.
  • Subukan ang mutual masturbation kung saan ikaw ang magmasturbate sa iyong partner, at gayun din ang gagawin niya sa iyo.
  • Gawin ito bilang foreplay, upang ma-set ang mood bago kayo mag-sex.
  • Huwag mong masyadong isipin ang iyong ginagawa. Tandaan mo lamang na nagbibigay ka rin ng kaligayahan sa iyong partner, at siguradong natutuwa siya habang ikaw ay pinapanood.
  • Puwede rin kayong gumamit ng mga sex toys kung nahihirapan kang mag masturbate na wala ang mga ito.
  • Tingnan ang mata ng iyong partner, at iparamdam sa kaniya ang intimacy ninyong dalawa.
  • Maganda rin itong gawin habang kayo ay magkatabi, o kaya ay magkaharap.

Sa pamamagitan ng mga tips na ito, ay sana maging mas masaya at exciting ang sex life ninyong mag-asawa.

Source: Men's Health

Basahin: 5 Reasons why married couples should still masturbate

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner