Mahahalagang safety tips para sa bagyo!

lead image

Heto ang ilang mga kailangang tandaang safety tips sa bagyo upang manatiling ligtas at malayo sa pahamak ang iyong pamilya tuwing may bagyo.

Hindi na bago sa Pilipinas ang pagdaan ng mga bagyo. Ngunit kahit sanay na ang mga Pilipino sa bagyo, importante pa ring paghandaan ito. Dito papasok ang iba't-ibang safety tips sa bagyo.

Mahalagang masigurado mong ligtas ikaw at ang iyong pamilya, kaya't heto ang ilang mga mahahalagang bagay na kailangan mong tandaan!

Safety tips sa bagyo

Ang mga boy scout ay mayroong kasabihan na "laging handa". Isa itong magandang pilosopiya na hindi lamang para sa mga boy scout, ngunit para na rin sa ating lahat.

Ang pagiging laging handa ay isang mabuting paraan upang makaiwas sa sakuna at para sa mga magulang, upang panatilihing ligtas ang kanilang pamilya.

At kung inyong titingan ang video na ito, makikita niyo na malapit nang tumama ang bagyo sa ating bansa.

Kaya mabuting sundin ang mga tips na ito bago pa humagupit ang buong lakas ng bagyong Mangkhut:

1. Subaybayan ang balita tungkol sa bagyo

Ang pagkakaroon ng impormasyon ay isa sa pinakamabisang paraan upang siguraduhing ligtas ang iyong pamilya. Puwede kang makialam sa internet, manood ng TV, o kaya ay makinig sa radyo tungkol sa paparating na bagyo.

Sa pamamagitan nito, ikaw ay makapaghahanda at makakapagplano para sa bagyo.

2. Huwag nang lumabas kapag hindi kailangan

Kapag kasagsagan ng bagyo, mabuting manatili sa inyong tahanan o sa isang ligtas na lugar. Huwag nang lumakad pa, o kaya ay bumili pa ng kung anu-anong hindi naman kinakailangan.

Mas mabuting manatili sa loob at iwasan ang hagupit ng bagyo.

3. Alamin kung saan puwede lumikas

Kung madalas bahain ang inyong lugar, mabuting makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at alamin kung saan kayo puwedeng lumikas.

Siguraduhin din niyong nakaayos ang gamit sa loob ng bahay, at nakakandado ang mga pinto, gate, bintana, atbp. upang makaiwas sa mga magnanakaw.

Huwag kalimutang sundin ang payo ng lokal na pamahalaan pagdating sa evacuation. Kahit na tingin mo ay hindi pa mataas ang baha sa lugar niyo, mabuting mag-evacuate na agad basta sinabi ng pamahalaan.

4. Ihanda ang mga sumusunod

Narito ang ilang mga mahahalagang bagay na kailangan mong ihanda kapag mayroong parating na bagyo:

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/Emergency Lifeline Kit 03.png Mahahalagang safety tips para sa bagyo! src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/Emergency Lifeline Kit 04.png Mahahalagang safety tips para sa bagyo! src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/Emergency Lifeline Kit 05.png Mahahalagang safety tips para sa bagyo! src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/Emergency Lifeline Kit 06.png Mahahalagang safety tips para sa bagyo! src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/Emergency Lifeline Kit 07.png Mahahalagang safety tips para sa bagyo! src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/Emergency Lifeline Kit 08.png Mahahalagang safety tips para sa bagyo!

Source: ABS-CBN

 

Basahin: Bride kinasal sa gitna ng bagyo at baha

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!