X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bakit nagkakaroon ng sakang na paa ang bata?

8 min read
Bakit nagkakaroon ng sakang na paa ang bata?Bakit nagkakaroon ng sakang na paa ang bata?

Nababahala ka ba sa sakang na paa ng baby mo? Alamin dito kung bakit nga ba ito nangyayari at kung may lunas ba para dito.

Lima’t kalahating buwang gulang na ang anak kong babae. Mula nang ipanganak siya, hindi matawaran ang sigla niya. Parating kumakawag-kawag ang mga paa niya.

Mabilis din siyang natutong umikot sa kama. Sa murang edad, gusto na niyang sumubok na tumayo nang may gabay! Siya na ata ang pinakamalikot na baby na nakita ko.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang sanhi ng pagka-sakang?
  • Kailan dapat mabahala?

Dahil panganay, tuwang-tuwa kami sa lahat nang gawin niya at hinahayaan siyang gawin ang mga hilig niya. Subalit isang araw, napansin namin na mayroon siyang sakang na paa. Nakakita na ako ng mga batang sakang kaya nag-worry kami na baka maging ganito rin siya.

Sa sumunod na check-up sa pediatrician ni baby, tinanong namin kung bakit nagkakaganito ang mga binti ng anak namin. Siniguro sa amin ng doktor na normal na nagkakaroon ng sakang na paa ang mga sanggol. Sapagkat umano ito sa masikip na lugar na kanilang ginagalawan habang nasa sinapupunan pa sila.

Talaan ng Nilalaman

  • Ano ang sanhi ng sakang na paa?
  • Mga sakit o dahilan kung bakit may sakang na paa
  • Kapag parating kinakarga ang baby masasakang o mapipike iyong paa nila?
  • Kailan dapat mabahala?

Ano ang sanhi ng sakang na paa?

sakang na paa

Ano ang sanhi ng pagkakaroong ng sakang na paa?

Naranasan mo rin ba ito sa iyong supling? Malamang nabahala ka rin sa pagka-sakang ng iyong anak. Kaya naman minabuti namin na magsaliksik tungkol dito—kung paano ito nangyayari, at paano ito maisasaayos.

Sa mga pag-aaral, sinasabi na habang nagde-develop ang baby sa loob ng sinapupunan, nakatupi ang mga binti nito at tila niyayakap ang sarili.

Ito ang tinatawag na fetal position. Kapag pinanganak sila, gusto pa rin nila ang posisyon na ito na nakasanayan nila sa loob ng tiyan ni mommy ng 9 na buwan. Kaya nga’t gustung-gusto nila na naka-swaddle pa rin sila.

Sa mga unang buwan, hindi kapansin-pansin ang pagkakaroon ng sakang na paa o bow legs ng bata dahil hindi pa mabigat ang baby at hindi pa nito ginagamit ang mga hita. Nagsisimula pa lamang mag-develop ang mga buto niya.

Hindi tulad ng buto ng matanda na nalalagyan ng calcium—tinatawag na ossification ng buto—ang buto ng baby ay hindi lubos na ossified. Dahil rito, hindi gaanong matibay ang buto ng bata.

Kaya naman madaling kumurba ang buto kapag may constant pressure. Sa madaling salita, kumukurba ang buto sa binti dahil sa bigat ng bata na kailangan nitong suportahan.

Nangyayari ito kapag nagsisimula nang tumayo, maglakad, at kinalaunan ay tumakbo ang bata. Normal ito na nangyayari at tinatawag itong genu varum. Nawawala naman ang pagka-sakang paglaki ng bata.

Paano malalaman kung normal ang pagka-sakang ng bata? Narito ang ilang characteristics ng normal na bow legs:

  • Pantay ang kurba ng mga binti
  • Hindi mukhang mas mahaba ang isang binti
  • Nawawala ang pagka-sakang kapag bandang 3 taong gulang na ang bata.

Ano ang puwedeng mangyari kapang mayroong sakang na paa?

sakang na paa

Normal, sakang, at piki. | Photo: Shutterstock

Pagsapit ng tatlong taon, nagsisimula nang bumalik ang buto sa normal na posisyon nito. Nawawala na ang sakang na paa ng bata, kung mayroon man siya nito.

Subalit, sa ibang pagkakataon nagiging piki naman ang bata o ang tinatawag na knocked-knees, kung saan nagiging baligtad ang kurba ng mga buto.

Kagaya ng pagkasakang, normal rin ang pagka-piki ng bata sa edad na tatlo hanggang limang taong gulang. Ang pagka-piki ay tinatawag na genu valgum at karaniwang nawawala pagdating ng walong taong gulang.

BASAHIN:

Signs na may delay sa development ang bata

Ang mga dapat mong malaman at asahan sa development ng iyong anak

Naghihilik ang iyong anak? Alamin kung ano ang sanhi ng paghilik ng bata

Mga sakit o dahilan kung bakit may sakang na paa

Sa karamihan ng kaso, normal ang pagkakaroon ng sakang na paa, ngunit may pagkakataon ding dapat kumonsulta na agad sa doktor dahil baka sintomas na ito ng karamdaman. Ang pinakakaraniwang sakit ay ang Rickets at Blount’s disease.

Blount’s Disease

Ang sakit na ito ay sanhi na abnormal na tubo ng buto sa binti, ang tibia. Hindi pa alam kung paano nagkakaroon ng ganitong sakit ngunit pinagaalala na may kinalaman ito sa genetics (namamana).

May kinalaman din umano ito sa childhood obesity at maagang paglalakad. Puwedeng tamaan ang isa o parehong binti at magkaroon ng sakang na paa.

Kapag bata pa, hindi pa puwedeng makilala kung normal na pagkasakang lamang o Blount’s disease na. Mas mada-diagnose lamang ito ng tama kapag tatlo o apat na taon na ang bata at sakang pa rin.

May dalawang uri ang Blount’s Disease, ito ay ang mga sumusunod:

Partner Stories
Spanx’s Distressed Denim Leggings Are Giving Your Skinny Jeans  A Run For Their Money
Spanx’s Distressed Denim Leggings Are Giving Your Skinny Jeans A Run For Their Money
Disinfect to Protect: Lysol donates P36M to Philippine Red Cross to combat COVID-19
Disinfect to Protect: Lysol donates P36M to Philippine Red Cross to combat COVID-19
Smart starts pre-order for Samsung Galaxy S20 Series  and Samsung Galaxy Z-Flip with Signature Plans
Smart starts pre-order for Samsung Galaxy S20 Series and Samsung Galaxy Z-Flip with Signature Plans
World Down Syndrome Day: A Collab in Chrome Launch
World Down Syndrome Day: A Collab in Chrome Launch

Infantile Blount’s Disease

Isa itong uri ng bowed legs o pagka-sakang binti na normal na makikita sa mga batang 2 taong gulang pababa. Ito rin ay lumalala o mas nakikita ang pagka-sakang katagalan.

  • Nangyayari ito sa mga batang bagong silang hanggang 3 taong gulang.
  • Madalas na nangyayari sa parehong binti. (Bilateral).
  • Nagkakaroon ng deformity sa tibia (shin bone) .
  • Mas common ito kaysa sa mga adolescent type.

Adolescent Blount’s Disease

Samantala ang uri naman na ito ng Blount’s Disease ay karaniwang nararanasan ng mga batang nasa 10 taong gulang pataas.

Karaniwan din isang side lang ng binti ito nararanasan o unilateral. Ang deformity ay nangyayari sa parehong thigh bone o femer at tibia.

Nada-diagnose ang Blount’s Disease sa pamamagitan ng isang physical exam at pagsasagawa ng x-ray. Makikita sa x-ray ang deformity sa buto ng bata at makikita rin dito ang abnormalidad sa pagtubo ng plate ng buto.

sakang na paa

Sakang na bata sa mga bata. | Larawan mula sa iStock

Rickets

Ang Rickets naman ay dulot ng kakulangan ng Vitamin D na nakukuha sa exposure sa araw. Mahalaga ang bitamina na ito sa calcium metabolism na nagbibigay ng calcium sa mga buto at ngipin. Kaya naman kapag kulang sa bitaminang ito, naaapektuhan ang pagiging matibay ng buto ng bata kaya naman nagiging sakang ito.

Karaniwang naaapektuhan ng Rickets ang mga breastfed babies at mga bata na may ganitong katangian:

  • Kayumanggi ang balat
  • Hindi gaano nakakalabas sa araw
  • May sakit na nakaka-apekto sa pag-produce ng Vitamin D
  • May coeliac disease na humahadlang sa vitamin D metabolism

Kapag parating kinakarga ang baby masasakang o mapipike iyong paa nila?

Ito ang isa sa mga madalas na sabi-sabi ng mga matatandang patungkol pagkasakang ng paa ng isang bata. Pero ayon sa isang doktor na si Dr. Jennifer Tiglao, isang pediatrician sa Makati Medical Center wala umanong relasyon ang pagkarga sa bata sa pagiging sakang ng paa nila.

“No relation at all. Kasi iyong leg ng bata may stages iyan. Sa umpisa parang medyo sakang then later on madederetso iyan. May time akala mo pike pero kapag nag-7 years old madederetso rin iyan.

There’s a growth pattern din kasi sa bone sa legs. So kahit anong gawin mo hindi mababago noon iyong growth development ng bata as long as the baby is healthy.”

Payo pa ni doktora, ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain na may taglay na calcium at vitamin D para sa buto ay makakatulong para sa kaniyang development.

“Eating food with a lot of nutrients like calcium and vitamin D for the bones. it would become normal parin paglaki niya.”

Kailan dapat mabahala?

Para sa isang bagong magulang, nakakabahala na makita ang sakang na paa sa sanggol. Para makasiguro na hindi siya magkaroon ng ganitong kundisyon, siguraduhing huwag siyang madaliin na maglakad!

Bukod pa dito, siguraduhin na:

  • Napapaarawan parati ang bata
  • Healthy ang kinakain
  • Bantayan ang timbang ng baby at tignan kung nagiging overweight na ito

Ang mga red flags na kailangan nang ipatingin sa espesyalista ang bata:

  • Kapag nakakasagabal na sa paglalakad ang pagkasakang
  • Kung sakang pa rin kapag tatlong taong gulang na
  • Kapag hindi makatayo ng maayos dahil sa sakit
  • Kung isang binti lang ang apektado ng pagkasakang
  • Kapag maliit ang bata para sa edad niya

Kung hindi makitaan ng red flags ang bata, huwag nang mag-alala mga mommies at daddies. Normal lang ang sakang na paa sa mga bata at malalampasan niya rin ito. Ngunit kung talagang lubos na nababahala dahil dito, huwag mag-atubili na kumonsulta sa duktor.

Source:

Ortho Info, Kids Health, Hospital for Special Surgery

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anay Bhalerao

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Bakit nagkakaroon ng sakang na paa ang bata?
Share:
  • Pamamanas ng buntis: Sanhi, sintomas at mga puwedeng gawin para mawala ito

    Pamamanas ng buntis: Sanhi, sintomas at mga puwedeng gawin para mawala ito

  • Parasitic twin removed from baby born with two sets of arms and legs

    Parasitic twin removed from baby born with two sets of arms and legs

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • Pamamanas ng buntis: Sanhi, sintomas at mga puwedeng gawin para mawala ito

    Pamamanas ng buntis: Sanhi, sintomas at mga puwedeng gawin para mawala ito

  • Parasitic twin removed from baby born with two sets of arms and legs

    Parasitic twin removed from baby born with two sets of arms and legs

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.