Paano ba nagkakaroon ng an-an, at ano ang lunas para dito?

lead image

Ating alamin kung paano nagkakaroon ng an-an at kung anu-ano ang mga mainam na gamot para gamutin at para makaiwas sa ganitong kondisyon.

Ang an-an, o tinea versicolor ay isang fungal infection ng balat. Sanhi ito ng isang uri ng  fungus: ang Malassezia. Ito ay isang uri ng yeast na namamahay sa balat na kapag naging aktibo ay, lumalabas at nakikita sa balat—at ito ang tinatawag na an-an. Isang tingin lang ng doctor ay malalaman nang ito ay an-an, dahil sa patche-patcheng marka na minsan ay maputi at minsan ay maitim.

Bakit nagkakaroon ng an-an?

May mga kondisyon sa kapaligiran na sanhi ng an-an at nakakapagpalala nito. Kapag ikaw ay may oily skin, mainit ang panahon at pawisin, at may mahinang immune system, mas mataas ang posibilidad na magkaron ng an-an. Hindi ito nakakahawa dahil nasa loob ng balat ang yeast. Hindi rin ito namimili ng kulay ng balat—maitim, maputi, kayumanggi, maaarting magkaron ng an-an. Bagamat kadalasan ay mga teenagers at young adults ang nagkakaron ng skin condition na ito, lalo kapag nagpupunta sa mga lugar na tropikal o mainit ang panahon.

May gamot ba rito?

Kung sensitibo ang iyon balat at kabuuang kalusugan, o di kaya ay malala ang nakikitang an-an sa katawan, mas mabuting kumunsulta sa dermatologist para makahingi mas partikular na gamot para dito.

Para sa karaniwang kaso ng an-an, may mga nabibiling over-the-counter antifungal lotion, cream, ointment, sabon o shampoo na pinapahid sa balat. Bago gumamit ng anumang lotion, ointment o topical cream, hugasan munang mabuti ang balat at siguraduhing malinis ito. Basahing mabuti ang direksiyon sa kung paano at gaano kadalas itong dapat gamitin. Kung walang pagbabagong nakikita, mabuting kumunsulta sa doktor. Baka kailangan na ng prescription-strength na gamot.

Ilang karaniwang gamot ay: Ketoconazole (Ketoconazole, Nizoral), Ciclopirox (Loprox, Penlac), na may cream, gel o shampoo variants; Fluconazole (Diflucan), Itraconazole (Onmel, Sporanox) na nasa tablet, capsule o oral solution, at Selenium sulfide (Selsun), na lotion or shampoo.

Home remedies para sa an an

Kung walang budget para sa mamahaling ointment o lotion, may mga alternatibong paggamot para sa an-an na pwedeng subukan. Mga bagay ito na karaniwang nasa kusina lang, at dahil natural ito, walang panganib o posibleng problema.

  • Honey, bawang at sibuyas. Ang mga ito ay may antifungal properties na mabisang panlaban sa fungus. Ipahid lang sa mga lugar sa balat na may an-an, hanggang 3 beses araw-araw, at makikita ang resulta.
  • Essential oils ng eucalyptus, turmeric, luya, at tea tree ay mabisa din para maibsan ang sintomas. Bago gumamit ng mga essential oil, subukin muna ito sa maliit na bahagi ng balat para makita kung may allergic reactions. Haluan din ng kaunting tubig ang oil, turmeric at luya kung ito ang gagamitin.

Hindi kaagad bumabalik ang natural na kulay ng balat, pero dapat ay makikita ang unti-unting pagkawala ng an-an. Tandaan lang na posibleng bumalik ang kondisyong ito, lalo kapag mainit at humid ang panahon. Siguraduhing may sapat na tulog, ehersisyo at kumakain ng masustansiyang pagkain para mawaksi ang an-an. Uminom din ng maraming tubig, at kapag mainit ang panahon, “keep cool” para hindi mahikayat ang pesteng an-an.

 

SOURCES: MayoClinic, Healthline

Basahin: 10 Pinoy herbal remedies that can boost your family’s health!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!