STUDY: Mga napapabayaang bata mas malaki ang chance magkaroon ng ADHD at mababang IQ

Disorders such as ADHD and autism have been attributed to neglect from the findings of this study.

Napag-alaman ng bagong pag-aaral na sanhi ng adhd at mababang IQ sa bata ang pagpapabaya at deprivation. Sila rin ay tumanda na mas maliit ang mga utak.

Anu-ano ang sanhi ng adhd at mababang IQ sa bata?

Ang bagong pag-aaral, na pinublish sa Proceedings of the National Academy of Sciences, ay isinagawa ng mga mananaliksik ng King’s College London.

Kanilang inimbestigahan ang impact ng maagang pagpapabaya at kakulangan ng institusyon sa kanilang brain structure. Kanilang sinuri ang mga ampunan sa Romania kasunod ng katapusan ng Nicolae Ceaușescu era nuong 1989. Dito ay kung saan maraming bata ang kinupkop sa tinatawag ng namuno ng pag-aaral na si Professor Edmund Sonuga-Barke ng King’s College London, bilang “hellholes”.

Ang 67 Romanian na ulila na nakaranas ng pagpapabaya sa mga institusyon na ito sa pagitan ng 3 at 41 na buwan ay ikinumpara sa 21 ulila na hindi nakaranas ng pagpapabaya sa mga unang bahagi ng kanilang buhay.

Napag-alaman ng pag-aaral na ang mga pinabayaang bata ay mas maliit ng 8.6% ang utak. Ito ay kumpara sa mga bata na lumaki sa mga maayos na kapaligiran.

Natuklasan din ng pag-aaral na ang mga pinabayaan ay nagpakita ng senyales ng autism, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), pati kakulangan ng takot sa mga hindi kakilala pagtanda nila.

Si Professor Mitul Mehta, isa sa mga mananaliksik ng pag-aaral, ay nag sabi sa BBC, “Nakatuklas kami ng pinag-kaiba sa istruktura sa pagitan ng 2 grupo sa tatlong bahagi ng utak.

Ang mga bahagi na ito ay nauugnay sa mga functions tulad ng organisasyon, motibasyon, pagsasama ng impormasyon at memorya.”

Minungkahi ng mga mananaliksik na ang mga natuklasan na ito ay nagbibigay ng ugnayan sa pagitan ng pagpapabaya sa pagkabata at mababang IQ at mataaas na rates ng ADHD sa mga matatanda.

5 tips sa pagbuo ng mapagmahal at maawain na kapaligiran para sa mga bata

Ang full-time na pag-aalaga sa bata ay nakakapagod kaya maraming magulang ang humihiling ng masmaraming me-time. At kahit ang pagkakaroon ng oras sa sarili ay pinapayo, hindi dapat ito makasama sa kabuohan ng iyong anak.

Ang matagal na pag-iwan sa iyong anak ay nakakasama sa kanilang development. Maaaring magdulot ito ng mababang kumpiyansa sa sarili, kawalan ng kakayahan magparating ng emosyon, at walang kasiguraduhan sa pag-abot ng buong potensyal.

Ang pagbibigay ng oras para ipakita na pag-aalala at pagpapahalaga sa mga bata ay madaling remedyo sa mga epekto ng pagpapabaya sa development ng bata.

Ito ang limang simpleng tips sa pagbuo ng mapagmahal na kapaligiran kung saan hindi papabayaan ang iyong anak.

1. Sabihan silang mahal mo sila

Image source: iStock

Siguraduhing ipaalam sa iyong mga anak na mahal mo sila sa old-fashioned na paraan—ang pagsabi sa kanila.

Ang pinakamagaanda dito ay hindi mo kailangan ng kahit anong context para sabihin ito. Sa paghatid sa paaralan, habang naghahain ng hapunan, o habang pinapatulog, maaaring magbigay ng simpleng “I love you”!

2. Kilalanin ang kanilang mga nararamdaman

Image source: iStock

Mahirap para sa mga bata ang mag-open up ng kanilang mga nararamdaman.

Kaya kapag sinabi ng iyong anak ang kanyang nararamdaman, huminga ng malalim bago sumagot.

Okay na kilalanin ang kanuang mga nararamdaman. Marami sa atin ang walang katuturan na dinidismiss sila dahil matatanda na tayo at mas marami nang naranasan.

Ngunit gusto mong turuan ang bata na okay magbahagi ng kanilang nararamdaman. Iwasan na patahimikin sila bago magawang sabihin ang nangyayari. Matuturuan sila nito na magawang masmakaya ang mga emosyon sa hinaharap.

3. Turuan silang mahalin ang sarili

Image source: iStock

Hindi maganda dati ang tinging sa pagmamahal sa sarili. Hindi ibig sabihin nito na turuan ang bata na maging narcissistic.

Subalit, sa iyo tumitingin para makakuha ng approval sa lahat ng bagay. Pati ang iyong pagmamahal.

Maaaring masama dito ang pagkakaroon ng di magandang kaugalian para makuha ang iyong papuri.

Sa halip, gabayan sila na tanggapin ang sarili sa kung sino siya. Bawat bata ay unique at kakaiba at ang mga pagkaka-ibang ito ay dapat ipagdiwang, hindi ikahiya.

Kung masmababa ang kanyang grado kumpara sa kaibigan, gamitin itong learning opportunity para purihin siya para sa effort at isipin kung paano magpapabuti.

Magkakaroon siya ng pagkakaintindi na okay lang hindi maging lahat ng bagay sa lahat ng tao. Nahahayaan nito ang anak mo na mapalakas lalo ang kanyang strengths sa hinaharap.

4. Ibaba ang gadgets

Image source: iStock

Maraming pag-aaral ang sumusuri sa mga epekto ng screen time sa mga bata. Kasama dito ang underdeveoped language, skills at addiction.

Subalit, ang matatanda ay may kasinlaki rin na problema! Sa totoo, halos pareho lang ang tagal nilang nakatitig sa telepono at kasama ang kanilang mga anak!

Kung kausap ang iyong anak o nagbibigay ng oras sa kanila, iwasan na mahati ang focus sa pamamagitan ng pagbaba ng phone at pagbibigay ng buong atensyon.

Mapapansin at ikakatuwa ng anak mo na binibigay mo ang buong atensyon mo sa kanya at pinapatibay ang relasyon.

5. Magtalaga ng oras para sa pamilya (dinner time, reading time, fun nights)

Image source: iStock

Marami ang nakakaramdam na hindi sapat ang oras ng pamilya. Ngunit, handa silang pakawalan ang panunuod ng Netflix para makabawi dito.

Simulang magtalaga ng oras na may gagawing magkakasama ang buong pamilya. Ibig sabihin nito ay hapunan o board game nights.

Siguraduhin laang may tiyak na oras na magkakasama para hindi maramdamang hindi kayo magkakakilala na nakatira sa iisang bahay!

 

Sources: BBC