Mukha Mang Legit, Scam Pa Rin: Mga Text at Viber Message na Dapat Mong Iwasan

undefined

Mukha mang galing sa Globe, SHEIN, o Lazada, scam pa rin. Alamin ang mga common na scam messages at paano ito iwasan gamit ang simple pero epektibong tips.

Advertisement

Minsan parang totoo, may Globe points ka raw, may job offer ka sa SHEIN, o kaya naman may part-time work na ₱5,000 kada araw. Pero ingat! Dumadami na ngayon ang mga scam messages na mukha talagang legit. Ginagamit pa ang pangalan ng kilalang brands para makuha ang tiwala mo. At ang masaklap, kahit mga wais na nanay o tatay, puwedeng mabiktima.

Sa article na ito, pag-uusapan natin ang mga common scams na umiikot ngayon at kung paano mo maiiwasang maloko.

Scam Messages Na Dapat Iwasan

1. “Globe Rewards” Spoofed SMS

Text na nagsasabing may na-earn kang Globe points? Kasama pa ang suspicious na link tulad ng globe-rewards.xyz?

Mukhang legit, pero hindi. Ayon sa Globe, hindi sila nagpapadala ng SMS na may link. Ang mga totoong rewards ay makikita at maire-redeem lang sa GlobeOne app. Minsan pa, ginagaya rin ang sender name para magmukhang totoo, pero spoofed lang ‘yon.

Tip: Kung may link, lalo na kung hindi mo inaasahan ang reward, huwag i-click.

2. “SHEIN HR” Viber Scam

May nag-message sa Viber at nagpakilalang taga-SHEIN daw? Ina-assign kang mag-like ng product at padalhan ng screenshot kapalit ng ₱3,000 daily?

Madalas ito ay phishing scam. Ginagamit ang pangalan ng kilalang brands para maengganyo kang magbigay ng personal info o sumunod sa suspicious na instructions.

Tandaan: Hindi basta-basta nagpapadala ng job offer ang mga brand sa messaging apps gaya ng Viber. SHEIN, in particular, does not recruit random users via chat.

3. “Lazada Part-Time Job” Scam

Makakatanggap ka ng Viber message na may job offer daw from Lazada, may daily pay na ₱5,000, at limited slots. Kapag nag-reply ka, bibigyan ka ng “task,” pero bago ka raw makapagsimula, kailangan mong magbayad ng activation fee via GCash.

Legit ba? Hindi. Walang bayad ang pag-aapply sa Lazada, at hindi rin sila nagpapadala ng job offers sa random numbers sa Viber.

Kung may bayad bago ka kumita, scam agad ‘yan.

Mga Red Flag na Dapat Mong Bantayan

scam messages

Mukha Mang Legit, Scam Pa Rin: Mga Text at Viber Message na Dapat Mong Iwasan

Para hindi mabiktima, bantayan ang mga sumusunod na warning signs:

  • May link na hindi mo kilala o suspicious ang domain (e.g., .xyz, hindi official site)

  • Sobrang laki ng ipinapangakong kita o reward (₱3,000–₱5,000 kada araw agad-agad?)

  • Humihingi ng GCash transfer, activation fee, o screenshots ng activity mo

  • Galing sa unknown number o walang verified account/badge

Kapag medyo duda ka na sa simula pa lang, huwag mo nang ituloy.

Paano Iwasan ang Scam Messages

Narito ang ilang praktikal na tips para makaiwas sa panloloko online:

  1. Huwag basta mag-click ng links sa text o chat messages lalo na kung hindi mo inaasahan.

  2. I-double check ang URL—ang mga scam sites kadalasan ay may kakaibang spelling o domain (e.g., .xyz, .info, etc.).

  3. Gamitin lang ang official apps o websites ng brand kapag magche-check ng rewards, promos, o job openings.

  4. Mag-report ng scam messages sa telco provider mo (e.g., i-forward ang spam sa 7726).

  5. Iwasang magbigay ng personal info, lalo na kapag hindi ka sigurado kung sino ang kausap mo.

  6. Turuan ang buong pamilya—lalo na ang matatanda at teens kung paano makaiwas sa digital scams.

Wais, Mapanuri, Protektado

Hindi lang teknolohiya ang kailangan para makaiwas sa scam. Kailangan din ng pagiging mapanuri at maingat sa bawat click at reply. Sa dami ng style ng panloloko ngayon, dapat mas maging maalam at alerto tayo. Ito ay para mailayo ang sarili at pamilya sa abala, stress, at posibleng pagkawala ng pera.

Tandaan na kahit mukha itong legit, scam pa rin ‘yan kung may red flags. Ugaliing i-check, magtanong, at i-report kung kinakailangan. Sa panahon ngayon, ang pagiging wais ay sandata laban sa panlilinlang.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!