Scarlet Snow Belo, naglabas ng libro tungkol sa pagdadasal

lead image

Bukod sa endorsements, mayron na ring sariling libro si Scarlet Snow Belo, ang anak ni Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. Pinagatan itong "My First Prayer Book."

Handog ni Scarlet Snow Belo, ang nakakatuwang anak nina Hayden Kho at Vicki Belo, ang “My First Prayer Book,” isang bagong collection ng mga dasal at kuwento mula sa ABS-CBN Publishing para sa mga batang nagsisimula sa kanilang spiritual journey.

“Scarlet Snow’s My First Prayer Book is simply a read-along guide to help parents start their kids’ prayer lives. Allowing them to talk to God at an early age will help them develop a good relationship with Him,” pagbabahagi nina Hayden at Vicki sa foreword ng libro.

Scarlet Snow Belo

“My First Prayer Book” ni Scarlet Snow Belo

My First Prayer Book ni Scarlet Snow Belo

Mayroon itong 10 easy-to-follow prayers at mga life lessons na itinuro ng mga magulang ni Scarlet sa kaniya.

“Sabi ni Daddy pag nag-thank you ako kay God para sa gifts niya, pinapasaya nito ang puso Niya,” ayon kay Scarlet tungkol sa Prayer to Give Thanks ng libro. 

May mga dasal ring nakapaloob dito para sa benepisyo ng ibang tao— ang “Prayer for Somebody Mean to You” at “Prayer for Mom/Dad When They’re Not Feeling Well.”

Maganda ring ituro sa mga bata ang “Prayer When You Did Something Naughty” at “Prayer When You Really, Really Want Something” upang matutunan nilang humingi ng tawad at lumapit sa Diyos para sa kanilang mga kahilingan.

Tampok rin sa My First Prayer Book ang mga dasal pagkagising ng bata, bago kumain, bago pumasok sa school, bago maglakbay, at bago matulog.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

It’s lunch time. Don’t forget to pray before you eat! And don’t forget to get a copy of My First Prayer Book too, ok! It’s now available in Lazada for P285.

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on

Bukod sa prayers, makikita rin sa libro ang mga cute na larawan ni Scarlet, pati na rin ang ilang kuwento tungkol sa kaniyang araw-araw na karanasan.

Mabibili na ang “My First Prayer Book” sa leading bookstores nationwide sa halagang P285.

 

Basahin: Alamin kung paano ang pagpapalaki ni Dra. Vicki Belo kay Scarlet Snow!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!