Newborn na-ospital dahil sa secondhand smoke
Importanteng maging maingat ang mga magulang sa hangin na nalalanghap ng kanilang mga anak dahil hindi mabuti ang makalanghap sila ng secondhand smoke.
Hindi biro ang panganib na dala ng paninigarilyo sa ating kalusugan, lalong-lalo na ang epekto ng secondhand smoke. At pagdating sa mga sanggol, ay mas matindi ang epekto nito, dahil sa kanilang sensitibong pangangatawan.
Kaya’t nagtungo sa social media ang isang ina upang magbahagi ng kaniyang kuwento kung saan na-ospital ang kaniyang sanggol dahil sa secondhand smoke.
Secondhand smoke, naging dahilan para ma-ospital ang isang sanggol
Nangyari ang insidente sa Malaysia, at ayon sa ina ng sanggol, nagdulot raw ng matinding pinsala ang usok sa kaniyang anak.
Aniya, nagsimula raw ang lahat nang magsuka ng dugo ang kaniyang sanggol. Dahil sa pag-aalala, agad nilang dinala ang sanggol sa doktor. Ginawa raw emergency case ang karamdaman ng kaniyang anak dahil 2 buwan at 15 days lang ang edad nito.
Nagkaroon raw ng swelling o pamamaga ang internal organs ng sanggol, at umabot rin daw ito pati sa bituka. Nang magsagawa ng xray ang mga doktor ay nakitang mayroong infection ang lungs ng sanggol na dahil raw sa secondhand smoke.
Ayon sa ina, wala raw sa kanila ang naninigarilyo, at kinailangan pang i-confine sa ospital ng 2-3 linggo ang kaniyang baby.
Ang naisip lang raw na dahilan ay baka nakalanghap ng usok ang sanggol habang sila ay nasa labas. Kasalukyan pa rin daw nanghihina ang kaniyang sanggol, ngunit umaasa siyang makaka-recover rin ang baby pagtagal.
Dahil dito, inuudyok ng ina na maging considerate sana ang mga naninigarilyo, at kung maaari ay umiwas sa ganitong masamang bisyo.
Paano makakaiwas sa usok ng sigarilyo?
Para sa mga magulang, importanteng masigurado na malinis at sariwa ang hangin na nalalanghap ng kanilang mga anak. Heto ang ilang tips pagdating dito:
- Tumigil sa paninigarilyo
- Panatilihin ang smoke free na bahay at sasakyan
- Kung naexpose sa usok ng sigarilyo, magpalit ng damit o maglinis ng katawan bago humawak o lumapit sa isang sanggol o bata.
- Iiwas ang iyong anak sa mga naninigarilyo at iexpose siya sa lugar na maari siyang makalanghap ng fresh at malinis na hangin.
- Newborn's death due to second-hand smoking is a grim warning to all parents
- STUDY: Baby na nasa tiyan ni mommy, mataas ang tiyansang magka-asthma paglaki kapag naninigarilyo si daddy
- My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism
- Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”