Senior high school voucher: Steps para makapag-apply
Narito ang mga hakbang kung paano makakuha ang isang mag-aaral ng SHS voucher program o financial assistance para sa mga Grade 11 at 12.
Senior High School Voucher Program, ano ito at ano ang benepisyong naibibigay nito sa mga senior high school students.
SHS Voucher o Senior High School Voucher Program
Ang Senior High School Voucher Program ay ginawa para humalina sa K-12 program.
Ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 11, series of 2015 (DO 11 s. 2015) para makapagbigay ng financial assistance sa mga qualified Grade 10 students na nagnanais ipapagpatuloy ang kanilang pag-aaral hanggang sa Grade 12.
Ang programa ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng DepEd sa PEAC o Private Education Assistance Committee (PEAC). Ang PEAC ang tumatayong trustee Fund for Assistance to Private Education o FAPE, ang perpetual fund na nagpro-provide ng assistance sa private education sa bansa.
Sino ang qualified na mag-apply sa programa?
Para magamit ang benepisyo ng voucher program ay kailangan munang mag-apply ng Grade 10 completer sa programa.
Ang mga Grade 10 completers na maaring mag-apply sa programa ay ang mga nagnanais mag-aral sa mga private high schools at colleges, state universities and colleges (SUCs), at local universities and colleges (LUCs) na nag-o-offer ng senior high school program.
Makakatanggap ng hanggang 80% voucher value ang mga SHS students na mag-aaral sa private schools. Samantalang hanggang 50% voucher value naman ang matatanggap ng mga mag-aaral sa SUCs at LUCs.
Hindi naman na kailangan pang mag-enroll sa programa ang mga nag-aaral sa public schools’ o DepEd SHS. Dahil awtomatikong na silang nakakatanggap ng 100% voucher value at wala ng tuition fee na babayaran. Ganoon din ang mga Grade 10 completers na ESC o Education Service Contracting grantees.
Ang halaga ng SHS voucher ay nakadepende sa lugar na pag-eenrollan ng mag-aaral.
Para sa NCR, ang 100% value ng SHS voucher ay P22,500, 80% ay P18,000 at ang 20% naman ay P11,500.
Sa mga Non-NCR highly urbanized cities o HUCs ang 100% value ng voucher ay P20,000, P16,000 ang 80% at P10,000 ang 50%.
Ang mga cities na kabilang sa Non-NCR HUCs ay ang sumusunod: Angeles, Bacolod, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu City, Davao City, General Santos, Iligan, Iloilo City, Lapu-lapu, Lucena, Mandaue, Olongapo, Puerto Prinsesa, Tacloban at Zamboaga City.
Habang sa ibang cities at municipalities ay makakatanggap naman ng P17,500 na 100% voucher value, P14,000 sa 80%; and P8,750 sa 50%.
Paano mag-apply ang mga SHS students na gustong makakuha ng benepisyo ng programa?
Para sa mga Grade 10 completers na gustong mag-avail ng Senior High School Voucher Program ay maari silang mag-apply sa pamamagitan ng online at manual na paraan.
Sa online application ay maaaring bisitahin at magfill-out ng form sa Online Voucher Application Portal.
Kailangan ring ihanda ang scanned copy ng mga supporting documents na i-a-attach at i-su-submit sa online application.
Para sa manual application ay maaring mag-download ng form sa Online Voucher Application Portal o kumuha mula sa mismong school na papasukan o kaya naman ay sa DepEd District Office na nakakasakop sa eskwelahang pag-eenrollan.
Pagkatapos mafill-out ang form ay saka naman i-submit ito kasama ang mga supporting documents ng personal sa PEAC National Secretariat na makikita sa 5th floor, Salamin Building, 197 Salcedo St., Makati City.
Ang mga supporting documents na kinakailang ng mag-aaral na mag-aapply sa Senior High School Voucher Program ay ang sumusunod:
- 2 copies ng 2×2 ID photo
- PSA Certified Birth Certificate
- Photocopy ng latest Grade 10 report card
- Certificate of Employment ng magulang o guardian na nagtratrabaho
- Latest Income Tax Return ng magulang o legal guardian o kaya naman ay Certificate of Tax Exemption o Municipal Certification of Unemployment
- Certification of Financial Assistance
Ang resulta ng application sa programa ay makikita sa Online Voucher Application Portal o ovap.peac.org.ph.
Kung ma-qualify sa programa ay dapat i-print ang OVR certificate na magmumula parin sa OVAP. Ito ang ipinapakita sa enrollment bilang patunay ng pagkakabilang sa SHS voucher program at para magamit ang benepisyo nito.
Ang Senior High School Voucher Program ay binuo upang matulungan ang mga Grade 10 completers na makumpleto ang kinakailangan ng k-12 curriculum, maturing na graduate at maipapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo o ganap ng makapagtrabaho.
Source: DepEd, PEAC, Official Gazette Of the Philippines