Dinisenyo ang sensory toy for babies para ma-stimulate ang five senses ng bata. Karaniwan, mayroon itong iba’t-ibang textures, sounds, at matitingkad na kulay. Ginawa ang mga ito para ma-develop ang senses ng kids sa pamamagitan ng paglalaro.
Additionally, makatutulong ang sensory toys for kids with autism. Common sa mga batang may autism ang pagkakaroon ng sensory issues. Kung may anak kang dumaranas ng sensory issues, helpful ang pagbili ng sensory toys para sa kanya.
Benefits ng paglalaro ng sensory toy for babies
Mula birth to early childhood, ginagamit ng bata ang kaniyang senses para mag-explore at maintindihan ang mundo sa kaniyang paligid. Ang pagbibigay ng pagkakataon kay baby to actively use their senses ay crucial sa brain development.
Narito ang mga benepisyo ng paglalaro ng sensory toys for babies:
- Makatutulong ito sa development ng curiosity ng bata. Mahihikayat nito na mag-explore, mag-investigate, at mag-observe si baby.
- Matuturuan siya nitong i-block out ang unnecessary noises sa paligid at mag-focus sa paglalaro.
- Helpful ito sa development ng motor skills ng bata.
- It encourages scientific thinking at problem solving.
- Made-develop ang trust at understanding ng iyong anak sa iba’t-ibang texture sa paligid. Essential ito to build positive pathways sa brain para maintindihan ng bata kung safe o hindi ang isang bagay.
- Makatutulong ang sensory toys para ma-relax, makapag-focus, at kumalma si baby lalo na kung siya ay may autism.
Sensory toy for autism: mga dapat malaman
Ayon sa American Psychiatric Association, isa ang sensory sensitivities sa list ng mga sintomas ng autism. May dalawang uri ng sensory issues na maaaring makaapekto sa batang may autism. Ito ay ang hypersensitivity o over-responsiveness at hyposensitivity o under-responsiveness. Pareho ang mga ito na nakaaapekto sa kung paano i-process at mag-react ng bata sa iba’t ibang types of stimuli.
According to Autism Speaks Organization, mahalagang maunawaan at i-accommodate ang sensory issues. Importante ito to ease discomfort at mabigyan ng oportunidad ang batang may autism na matuto, makipag-socialize, at makiisa sa komunidad.
Halimbawa ng accommodations for hypersensitivity:
- Paggamit ng light covers, sunglasses, or hat kapag nasa lugar na masyadong maliwanag.
- Pagsusuot ng ear plugs o headphones sa maiingay na lugar.
- Pag-iwas sa paggamit ng produktong may matatapang na amoy.
- Pagsusuot ng soft at comfortable na damit.
Halimbawa ng accommodations for hyposensitivity:
- Pagkain ng food na may strong flavor at mixed texture.
- Visual support para sa mga nahihirapang mag process ng spoken information.
- Arranging furniture para magkaroon ng safe at open spaces.
- Gumamit ng mabibigat na kumot, lap pads, o clothing na makapagbibigay ng deep pressure.
- Use push pop bubble, sensory fidget toy, o chewies at iba pang sensory tool.
Kung ikaw ay parent ng batang may autism, maaari mong ipaliwanag ang sensory accommodations sa kaniyang school. With this, matutulungan mo ang iyong anak sa paghandle ng kaniyang sensory issues. However, tandaan din na hindi replacement ang paglalaro ng sensory toys sa formal at evidence-based treatment for autism. In the end, ginawa ang sensory toy for babies upang maunawaan ng bata ang kaniyang senses in a fun way.
Things to consider sa pagpili ng best sensory toy for babies
Hindi basta-basta ang pagpili ng mga gamit o laruan ng baby. Maraming dapat isaalang-alang para matiyak na para sa ikabubuti ng bata ang mapipili. Narito ang mga dapat i-consider sa pagbili ng sensory toys.
- Safety – top priority ang kaligtasan ng bata sa anumang bagay na bibilhin para sa kaniya. Tiyaking gawa sa safe at non-toxic material ang pipiliing sensory toy for babies. Lalo na at common sa babies ang pagsubo ng mga bagay sa paligid. Make sure din na walang matutulis na kanto na maaaring makasugat sa kanila.
- Developmental benefits – alamin kung anong senses ang mai-stimulate ng bibilhing sensory toy. Mahalagang malaman kung anong maitutulong nito sa development ng iyong anak.
- Design and feature – maraming iba’t-ibang design at feature ang toys. Ang ilan ay may lights at sound effects para sa visual at auditory development. Magandang piliin ang disensyo na sa palagay mo ay interesante at makakakuha ng atensyon ng iyong anak.
- Price – Mahalaga man ang sensory toys, maraming iba pang importanteng bagay ang dapat paglaanan ng pera ng parents. Kaya tandaan na pumili lamang ng sensory toy na ang presyo ay angkop sa inyong budget.
Sensory toy for babies: best picks para sa iyong anak
Struggle ba ang pagpili ng sensory toys para sa iyong anak? Narito ang choices namin ng best sensory toys for babies.
|
Brand |
Category |
Infantino Giant Sensory Discovery Mat |
Best overall |
Hello Kimi Push Pop Bubble |
Best on-the-go toy |
Face-Change Octopus Fidget Spinner |
Best stress reliever |
Huanger Colorful Textured Balls |
Best for tactile development |
Hello Kimi Soft Baby Cloth Books |
Best for learning audio recognition |
Sensory toys for babies
| Infantino Giant Sensory Discovery Mat Best overall | | View Details | Buy From Lazada |
| Hello Kimi Push Pop Bubble Best on-the-go toy | | View Details | Buy From Lazada |
| Face-Change Octopus Fidget Spinner Best stress reliever | | View Details | Buy From Lazada |
| Huanger Colorful Textured Balls Best for tactile development | | View Details | Buy From Lazada |
| Hello Kimi Soft Baby Cloth Books Best for learning audio recognition | | View Details | Buy From Lazada |
Best overall
Tiyak na mae-enjoy ng iyong anak ang tummy time sa Infantino Giant Sensory Discovery Mat. Maraming activities ang pwedeng gawin dito na makatutulong sa sensory development ng iyong anak.
Ang multi-textured fabric ng playmat na ito ay makatutulong sa tactile exploration ni baby. Not only that, mayroon itong high contrast colors, detachable self-discovery mirror, at peek-a-boo flaps na helpful sa visual development.
Best of all, malambot ang playmat na ito for babies. Non-foam at non-plastic kaya hindi irritating sa delicate skin ng bata. May sukat na 20 square feet ang Infantino Giant Sensory Discovery Mat. Tiyak na may sapat na espasyo for your baby to roll, crawl, sit and play!
Mga nagustuhan namin:
- Recommended for kids age 0 and above.
- Soft padded mat.
- Introduces different patterns and shapes.
- Colorful and entertaining.
Best on-the-go toy
Madaling bitbitin kahit saan pumunta ang Hello Kimi Push Pop Bubble. Makatutulong ang push pop bubble sensory fidget toy para kumalma ang baby. Effective stress reliever para sa mga bata ang sensory toy for babies na ito.
Mayroong quiet side at loud side ang Hello Kimi Push Pop Bubble. Ang tunog ng popping at pushing ay helpful to relieve muscle tension. Ideal sensory fidget toy ito hindi lang para sa mga bata kundi pati na rin sa adults. Makatutulong ito to release stress at anxiety, at maging kalmado at focus si baby. In addition, beneficial ito sa stimulation ng kaniyang tactile senses.
Portable at lightweight ang push pop bubble ng Hello Kimi kaya perfect for on-the-go. Best of all, gawa ito sa high grade silicone na safe para sa bata. Ito ay BPA-free, non-toxic, odorless, soft, at wear resistant.
Mga nagustuhan namin:
- Recommended for ages 3 years old and above.
- Durable, reusable, at washable.
- Resistant to falling, abrasion, at extrusion.
Best stress reliever
Isa sa mga best sensory toys for autism ang fidget spinner. It can relieve pressure para sa mga may attention deficit disorder, autism, at obsessive compulsive disorder. Ang pag press at pag-ikot ng sensory toy for babies na ito ay makatutulong para ma-relieve ang stress ng bata.
In addition, makulay ang Face-Change Octopus Fidget Spinner na helpful sa visual development ng kids. Tiyak na ma-eenjoy ng iyong anak ang pagpapalit ng expression ng octopus sa tuwing iikutin ito. Not only that, mayroon ding push pop bubble ang sensory fidget toy na ito sa mga galamay ng octopus. It can help sa concentration at focus ng bata.
Best of all, beneficial din ang Face-Change Octopus Fidget Spinner sa development ng hand-eye coordination skills. Ito ay ang kakayahan ng mata na gabayan ang kamay sa paggalaw.
Mga nagustuhan namin:
- Suitable for all ages.
- Gawa sa BPA-free non-toxic plastic at food grade silicone.
- With bright colors na attractive sa kids.
Best for tactile development
Maganda ang Huanger Colorful Textured Balls para sa mga teething baby. Mayroong 10 iba’t-ibang klase ng bola ang sensory toy for babies na ito. Makulay ang balls na makatutulong sa visual development ng bata.
In addition, mayroong different shapes at textures ang Huanger Colorful Texture Balls na beneficial sa tactile development ng iyong anak. Not only that, gawa ito sa silicone material na safe for kids. That is why, tiyak na ligtas para sa oral exploration ng bata ang laruang ito. Iba’t-iba rin ang sukat ng bawat bola at ito ay malambot. Pwedeng gamitin habang naliligo bilang bath toys. At maaari ring gawing teether para ma-massage ang gums ng teething baby.
Mga nagustuhan namin:
- Recommended for 6-months-old to 4-years old children.
- Multi-colored and multi-textured balls.
Best for learning audio recognition
Kung educational na sensory toy for babies ang hanap mo, best choice ang Hello Kimi Soft Baby Cloth Books. Isa itong early educational tool na makatutulong na ma-stimulate ang language ability, sensory skills, at imagination ng bata.
Tiyak na magiging engaging ang early learning experience ng iyong anak sa Hello Kimi Soft Baby Cloth Books. Mae-encourage si baby sa colorful pages nito na makiisa sa interactive play with parents. Ang textured animal tails sa story book ay makatutulong para sa tactile development ng bata.
The best din ang crinkle feature on both cover pages at ang squeaker sound nito. Helpful ito sa development ng audio recognition skills ni baby. Best of all, gawa ito sa BPA-free polyester material na safe sa bata. Washable at skin-friendly ang soft cloth book na ito. Mayroon din itong velcro designed hanging strap na pwedeng isabit sa baby stroller, baby fences, o crib.
Mga nagustuhan namin:
- Suitable for all ages.
- Hand-made cloth book.
- Non-toxic and no sharp edges.
- 3D animal characters.
Price Comparison
Challenging ba ang pagpili ng sensory toys na angkop sa budget? Narito ang pricelist ng best sensory toy for babies na available online.
|
Product |
Price |
Infantino Giant Sensory Discovery Mat |
Php3,899.00 |
Hello Kimi Push Pop Bubble |
Php 405.00 |
Face-Change Octopus Fidget Spinner |
Php 79.00 |
Huanger Colorful Textured Balls |
Php 495.00 |
Hello Kimi Soft Baby Cloth Books |
Php 211.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
May mga baby toys din upang mapagana ang five senses ng iyong baby. Basahin: Best Sensory Toys for Babies to Stimulate their Five Senses