20 Signs na ang iyong anak ay “Gifted”

lead image

Lahat ng bata ay unique at may kaniya-kaniyang katangian na kakaiba kumpara sa ibang bata. Pero kailan nga ba maituturing na gifted child ang isang bata?

Walang eksaktong batayan ng “giftedness”. May mga IQ tests at ibang assessments para malaman kung maituturing ngnang gifted ang bata, ngunit may mga senyales at katangian na makikita ng pamilya, mga guro at kaibigan sa pamamagitan lamang ng pagmamasid sa kilos at habit ng isang bata para malamang siya nga ay angat sa iba.

gifted child 1 20 Signs na ang iyong anak ay “Gifted”

Ano nga ba ang gifted child?

Maraming nalilito at may iba-ibang deskripsiyon o pakahulugan sa salitang “giftedness”.  Iba-iba na rin ang gamit nito sa mga eskwelahan, organisasyon, at kultura sa buong mundo.

Sa isang banda, sinasabing ito ay para lamang sa mga taong may above-average intelligence kapag sinukat sa kumbensiyonal na IQ score. Ang ibang institusyon naman ay may mas malawak na range of criteria kaysa dito.

Ang National Association for Gifted Children (NAGC) ay may mas definitive description para sa isang gifted child:

“Ang isang gifted individuals ay isang taong nagpapakita ng kakaiba at outstanding levels of aptitude (o exceptional ability sa pagkatuto at pagintindi, at pagbibigay ng paliwanag tungkol sa isang aralin) o competence (dokumentadong kakayahan o abilidad at achievement sa top 10 percent o mas mataas pa) sa isa o mas maraming domains.

Ang domains na ito ay kasama ang kahit anong structured area of activity na may sariling symbol system (e.g., mathematics, music, language) at/o set ng sensorimotor skills (e.g., painting, dance, sports).”

“Giftedness” at ang gifted child

Walang iasang depinisyon ng “giftedness.” May mga IQ tests at ibang assessments para mawari kung gifted ang isang bata. Pero ang unang makakapansin at makakakita nito ay ang kaniyang pamilya, mga guro at kaibigan.

Ang Austega Information Services, isang online assessor, ay may detalyadong checklist ng ilang characteristic traits ng isang gifted child. Tandaan: Hindi lahat ito ay makikita sa isang gifted child.

gifted child 2 20 Signs na ang iyong anak ay “Gifted”

Narito ang 20 signs ng isang gifted child.

  • Madali at mabilis matuto ng mga bagong bagay.
  • May malawak at malalim na bokabularyo para sa kaniyang edad.
  • May kakaibang reasoning power at logic.
  • Kahanga-hanga at matibay ang memory, pero madaling mabagot sa gawaing may memorisation at recitation.
  • Hindi gaanong kailangan ng outside control — kayang disiplinahin ang sarili, kahit batang bata pa.
  • Metikuloso sa structure, order, at consistency.
  • Flexible ang thinking patterns nito. Kaya niyang gumawa ng kakaibang associations kahit parang malalayo ang mga paksa o ideas.
  • Malalim ang curiosity at mahilig tumukas ng mga bagay, sitwasyon, o pangyayari. Kayang magtanong ng mga provocative at detalyadong tanong.
  • Matataas ang mga marka sa iba’t ibang subjects o asignatura.
  • May power of concentration, at may intense attention sa isang aralin o paksa.
  • Kayang sumagot ng mabilis at alerto, rapid sa mga mahihirap man na tanong.
  • Resourceful, at kayang magbigay ng solusyon sa mga problems gamit ang mga ingenious methods.
  • May malalim na interes sa science o literature.
  • Orihinal ang mga ideya sa oral at written expression.
  • May angking kakayahan sa abstraction, conceptualisation at synthesis.
  • Siya ay emotionally secure.
  • Madalas ay dominante sa kaniyang mga kaibigan at sa mga sitwasyon.
  • Malawak ang paggamit ng common sense.
  • Komplikado ang pag-iisip at pagtingin sa mga bagay bagay.
  • Perceptually open siya sa kaniyang kapaligiran.

gifted child 4 20 Signs na ang iyong anak ay “Gifted”

Ang maraming aspeto ng isang gifted child

Ayon sa Austega, may mga paraan para malaman kung ang isang bata ay “gifted” o hindi. Makikita ang listahan ng giftedness characteristics sa ibang kategorya sa kanilang online assessment.

Kasama dito ang specific academic aptitude, creative thinking at production, leadership, psychomotor ability, at visual at performing arts.

Gifted man ang anak o hindi, huwag kalimutan na lahat ng bata ay kailangan ng pagmamahal, pag-aaruga, atensiyon at pagkatuto, hindi ba?

 

Ang article na ito ay unang isinulat ni Paul.