Sexercise: Sex bilang ehersisyo? Mga tips para makabawas lalo ng calories

Wala ka bang time magpunta sa gym? Narito ang ang ilang tips kung paano maka-burn lalo ng calories sa tulong ng sex bilang ehersisyo.

Para sa mga busy na mommy at daddy, kulang ang oras sa isang araw para maisingit ang pagpunta sa gym para makapag-ehersisyo. Maraming nagtatanong kung maituturing ba ang sex bilang ehersisyo.

Hindi maikakaila na ang pagtatalik na ata ang pinakamasayang paraan para magpa-pawis. Kung ginagawa ito ilang beses sa isang linggo, para ka na rin ngang nagpunta sa gym dahil napapataas nito ang heart rate at nakaka-burn ito ng calories. Bukod pa ito sa mas malapit na pagsasama ninyong mag-asawa.

Ayon sa HealthyWomen.org, maraming benepisyo ang pagtatalik katulad ng pagtulong sa katawan na malabanan ang mga sakit, pampataas ng enerhiya, at pampaganda ng mood. Sumasarap din ang ating pagtulog matapos ang sex dahil tumataas ang seratonin sa ating katawan—ang kemikal na responsable sa pagpapasaya sa atin.

Tunay na nakaka-burn ng calories ang pagtatalik pero ayon sa mga eksperto hindi puwedeng gawin ang sex bilang ehersisyo lamang.

Sa isang pag-aaral ng University of Montreal, ikinumpara nila ang calories na nabu-burn sa sex at sa pagtakbo. Higit na mas malaki ang nababawas sa pagtakbo kaysa sa pagtatalik. Sa bawat 30 minuto ng pagtakbo, nabawasan ng 230 calories ang mga babae; habang ang mga lalaki naman ay 276 calories. Sa 25-minutong sex, naka-burn ang mga babae ng 69 calories; habang ang mga lalaki naman ay 101 calories.

Ipinaliwanag ng pag-aaral na dahil mas mabigat ang mga lalaki kaysa sa mga babae kaya mas maraming eherniya ang kailangan nila na gawin ang parehong ehersisyo na ginagawa ng mga babae. Bukod pa ito na mas gumagalaw ang lalaki sa kama kaysa sa babae.

Ang karaniwan din daw na sex ay tumatagal sa pagitan ng 10 hanggang 57 minuto. Mas mahaba daw ang oras na pagtatalik, mas nakakabawas ng calories.

Kung ibabase sa pag-aaral na ito, kailangan ng babae na makipag-sex ng tatlong beses upang maka-burn ng parehong calories kung tumakbo siya. Kaya kung nais na magbawas ng timbang, hindi puwedeng iasa lamang sa sex ang pagpapapayat. Pero kung nais na mai-galaw-galaw ang kasukasuan sa masayang paraan, bakit hindi mag-sex kasama ang asawa para sa masayang boding experience!

Tandaan: nagkakaiba ang calories na nabu-burn sa bawat pagtatalik dahil hindi naman pare-pareho ang mga ginagawa, ang bilis, o ang tagal. Kapag mas pawis at mas nahahapo, malamang na mas maraming calories ang nabawas.

Narito ang ilang tips upang maka-burn ng extra calories sa inyong sexercise:

  • Kapag umuungol at humihinga ng malalim, nakakabawas ito ng calories.
  • Magpalit ng posisyon parati, mas lalo na ang mga babae. Kung ang babae ang nasa taas, gumiling habang nagse-sex para ma-exercise ang bewang.
  • Mag-eksperimento sa mga posisyon katulad ng pag-squat sa taas ni mister at mag-bounce pataas at pababa. Naeehersisyo ang binti at puwet dito.
  • Kung sino ang nasa taas, siya ang mas gumagamit ng mas maraming enerhiya.
  • Masahiin ang asawa para tumaas ang heart rate. Para na rin mas tumagal ang foreplay.

SOURCE: HealthyWomen.org