Mister: "Natu-turn on ako kapag nakikipag-sex ang asawa ko... sa ibang lalaki."

lead image

Sex confession ng isang mister: gusto niyang pinapanood ang misis niya na makipag-sex sa ibang lalaki. Alamin kung bakit may mga mister na pantasya ito.

Ako si Erica. Sampung taon na kaming kasal ng mister kong si Stan. Simula pa lang ng relasyon namin bilang mag-asawa, mayroon nang sex confession si Stan—gusto niya akong makita na nakikipagtalik sa ibang lalaki.

Akala ko nung una, pantasya niya lamang ito sa sex. Ngunit nang lumaon, na-realize ko na hindi siya nagbibiro! Gusto talaga niyang makita ako na nakikipag-sex sa ibang lalaki. Isang araw, finally, pumayag ako.

Gumawa si Stan ng account sa Tinder para sa akin at nakipagkasundo sa isang lalaki na makipag-sex sa akin. Game naman ang lalaki, si Dave, na panoorin kami ni Stan habang nagtatalik. Hindi ako kumportable sa pisikal na mangyayari, ngunit handa ang loob ko na gawin ito dahil alam ko kung gaano kagusto ito ni Stan.

Nag-book kami ng hotel kung saan kami magkikita ni Dave at nangyari na ang nangyari. Hindi sumali si Stan sa amin ni Dave. Nanood lamang ito at nag-masturbate.

Para sa akin, kakaiba ang pangyayari ngunit nakaka-excite din siya na experience. Na-turn on ako. Aaminin ko na ilang beses akong nag-orgasm ng gabing iyon.

Mula noon, limang beses pang naulit ang pakikipag-sex ko sa ibang lalaki habang nanonood si Stan.

Wala rin kaming problema ni Stan pagdating sa sex. Tingin ko ay nakatulong pa nga ang pagsasabuhay ng pantasya ng mister ko.

 

Kung binabasa mo ito at pakiramdam mo na hindi kapanipaniwala na may lalaking gustong may kahati sa misis niya, nagkakamali ka. May mga lalaki talagang may sex confession na gano'n. Ang iba hanggang pantasya lang, ang iba naman isinasakatuparan talaga ang pantasya.

Ang ideya na hahayaan mong makipagtalik ang asawa mo sa iba ay taliwas sa konsepto natin ng kasal at pag-aasawa. Ngunit bakit nga ba nangyayari ito?

6 na rason kung bakit

Ayon sa psychologist na si David J. Ley, mayroong anim na posibleng dahilan.

1. Voyeurism o pamboboso

Karamihan, kundi lahat, ng mga lalaki ay mulat sa pornograpiya. Kung paulit-ulit ang panonood nito, nagiging normal at naisasaloob na ang mga nakikita rito.

Ayon kay Dr. Ley, kung normal sa kanila ang panonood ng ibang tao habang nagtatalik ang mga ito, may posibilidad na gustuhin din nila ito sa kanilang buhay—minsan sa kanilang buhay may asawa.

May mga iba na nais makita ang kanilang misis na nakikipagtalik sa iba para maiwasan nang manood ng porn.

Sabi ng ilang pasyente ni Dr. Ley: "Sa tingin ko ang misis ko ang pinakamaganda sa buong mundo, mas gugustuhin ko siyang panoorin kaysa porn actress."

2. Nakakabuti sa pisikal ni mister

Ayon sa eksperto, kapag nakikita ni mister na nakikipag-sex sa iba, may nangyayari rin sa kaniyang katawan.

"Matapos na mapanood ni mister si misis, mas tumatagal si mister sa sex, mas mabilis na tinitigasan matapos labasan, mas maraming semilya ang nailalabas, at mas may pwersa ang paglabas ng kaniyang semilya."

3. Pagsuporta sa mga kababaihan

Karamihan ng nakausap ni Dr. Ley na mga mister ay ikinagagalak na nagkakaroon ang misis nila ng "independence, confidence, at assertiveness dahil malaya ang mga ito na nakikipagtalik sa ibang lalaki."

Ang pagkakaroon ng open mind sa sex ng misis ay isang paraan upang labanan ang patriyarkal na lipunan. Isa rin itong pagrerebelde sa konsepto ng monogamy o isang partner lamang pang habangbuhay.

4. May problema sa kalusugan

May mga espesyal na kaso rin kung saan hindi kayang gampanan ni mister ang kaniyang tungkulin sa kama, ayon kay Dr. Ley. Puwede itong sanhi ng karamdaman o problema sa kalusugan katulad ng erectile dysfunction o hirap na tumigas ang penis.

Mayroon ding wala nang lakas para makipagtalik at pakiramdam nila ay kailangan ng misis nila na maligayahan sa sekswal na aspeto ng pagsasama.

Sa tingin nila, ang pagpayag nila na makipagtalik ang asawa nila sa iba ang solusyon sa kasong ito.

5. Para makaramdam ng kapangyarihan

Maraming lalaki ang na-e-excite kapag naiisip nila na sa sobrang sexy ng misis nila ay gusto ito ng ibang lalaki. May kakaibang nararamdaman ang mga lalaking ito na kahit maraming may gusto kay misis, sa kaniya pa rin umuuwi. Tila nararamdaman ng mga mister na mas may kapangyarihan siya kaysa sa iba.

6. Pag gamit ng takot bilang pampalibog

Karaniwan daw itong nangyayari sa mga lalaki na nahuling nagtakwil si misis ngunit imbis na magalit ay nalibugan pa ito. Ito ang itinatawag na "eroticsation of fear."

Sa sobrang takot daw ni mister na mangaliwa si misis, nababaliktad niya ang kaniyang takot at anxiety at nagagawa niya itong dahilan upang malibugan. Sa ganitong paraan sila nakaka-cope sa kanilang mga nararamdaman. Ang kinatatakutan dati, sexual fetish na ngayon.

 

Source: Psychology Today

Isinalin sa wikang Filipino ni Candice Venturanza
https://sg.theasianparent.com/watch-my-wife-with-another-man/

May mga pantasya ka rin ba pagdating sa sex? Basahin ang mga karaniwang pantasya ng mga misis.