Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?

lead image

Ating alamin kung ano ang ibig sabihin ng iba't-ibang mga sex dreams, at kung paano ito nakakaapekto sa relasyon ninyong mag-asawa.

Sinasabi nila na ang mga panaginip raw ay may itinatagong mga bagay tungkol sa atin. Ngunit paano kung nagkaroon ka ng sex dreams? Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Kapag nanaginip ka ba na nangangaliwa ang iyong asawa, ibig sabihin na unfaithful siya sayo? Paano naman kung ikaw ang nangangaliwa sa panaginip mo? Ating alamin kung anu-ano ang mga ibig sabihin ng mga panaginip na ito, at kung ano ang epekto nito sa pakikisama mo sa iyong asawa.

Ano ang ibig sabihin ng mga sex dreams?

1. Pag napanaginipan mong nangangaliwa ang iyong asawa

Kung napanaginipan mo na nangangaliwa ang iyong asawa, hindi nito ibig sabihin na may tinatago siya sa'yo. Ang posibleng paliwanag dito ay nakakaramdan ka ng insecurity sa inyong relasyon.

Sa mga ganitong sitwasyon, mahalagang unawain mo kung may problema ba kayo ng iyong asawa. Baka wala ka masyadong tiwala sa kaniya, o kaya masyado kang selosa. Mahalagang harapin ninyo ang mga problemang ganito kaysa pabayaan lang at lumala pa.

2. Pag napanaginipan mong nakikipagtalik ka sa iyong ex

Kapag napanaginipan mo ang iyong ex, hindi naman nito ibig sabihin na gusto mong makipagbalikan. Ang ibig sabihin nito ay baka may mga nararamdaman kang takot sa relasyon mo ng iyong asawa, na naranasan mo sa ex mo. Posible rin na mayroon ka pang mga feelings na hindi naaayos tungkol sa isang nakaraang relasyon.

Sa mga ganitong pagkakataon, mabuting hayaan mo na lang at subukang kalimutan ang mga feelings na ito. Normal lang makaranas ng ganito, at hindi mo ito dapat gaanong ipag-alala.

3. Kapag nakikipagtalik ka sa kaparehas mo ng kasarian

Nakakapagtaka rin kapag nanaginip ka na nakikipagtalik ka sa parehas na kasarian, kahit alam mo na straight ka. Ang posibleng paliwanag dito ay mayroon silang katangian na nais mong meron ka din. Kumbaga, isa itong simbolo ng mga gusto mong baguhin sa iyong sarili, o kaya ang mga bagay na gusto mong maging iyo.

4. Nanaginip ka na nakikipagsex sa mga kaibigan

Medyo 'weird' mapanaginipan na ikaw ay nakikipagsex sa isang kaibigan. Ngunit sa katotohanan ay hindi nito ibig sabihin na may pagnanasa ka sa iyong mga kaibigan. Ang ibig sabihin lang nito ay malapit sila sa iyo, at gustong-gusto mo silang nakakasama. 

Sadyang may mga pagkakataon na weird lang ang mga panaginip ng tao, at isa na ito sa mga pagkakataon na 'yun.

 

Source: Women's Health

Basahin: What do your strange pregnancy dreams really mean?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner