5 sex positions na perfect para sa mga new parents

lead image

Kahit parehas kayong pagod ni mister sa pag-aalaga ng inyong sanggol, siguradong magagawa ninyo ang mga sex positions for new parents na ito.

Para sa mga new parents, madalas ay sex ang huli nilang iniisip. Siyempre, tutok sila sa kanilang anak, at madalas ay pagod sila sa pag-aalaga, at pagpupuyat. Pero alam niyo ba na mayroong mga sex positions for new parents?

Sa mga positions na ito, hindi kayo gaanong mapapagod, at siguradong hindi mawawala ang intimacy sa inyong pagsasama. Heto ang mga positions na ito.

5 sex positions for new parents

1. Woman Down

Sa position na ito, nakahiga ka sa kama, habang si mister naman ay naka-perpendicular sa position mo. Ang position ninyo dapat ay parang T shape.

Sa ganitong position papasok si mister, at hindi ninyo kinakailangan na masyadong gumalaw o maghanap ng komportableng posisyon dahil parehas kayong nakahiga.

2. Duck and Cover

Ang position naman na ito ay variation sa spooning na sex position kung saan nakatagilid kayo ni mister, at papasok siya sa likod.

Kaya ito tinawag na duck and cover, ay puwede ninyo itong gawin ng nakakumot para mas komportable kayong dalawa.

3. All Hands on Deck

Sa position na ito, magkatabi kayong dalawa ni mister, at sabay kayong mag-masturbate. Mainam ang position na ito kapag gusto ninyong mag-sex, pero masyado kayong pagod para sa iba pang mga positions.

4. Doggy Style Spoon

Ang doggy style spoon position ay isang variation sa doggy style position. Sa ganitong position, ay sa halip na nakaangat ang iyong katawan, ay nakadapa ka lamang sa kama, at nakapatong sa likod mo si mister.

Ang kinaganda ng position na ito ay hindi ito nakakapagod, at parehas kayong marerelax ni mister habang nagse-sex.

5. Missionary

Bagama't tipikal na posisyon ang missionary, isa ito sa pinakakomportableng sex positions. Ito ay dahil nakapatong lang sayo si mister, at hindi ninyo kailangan na gumawa ng kung anu-ano pang mga acrobatics.

Kaya pagdating sa mga sex positions for new parents, ang regular na missionary position ay talagang epektibo.

 

Source: Women's Health

BASAHIN: 7 sex positions na siguradong magpapainit ng inyong gabi 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!