5 sex positions na puwedeng gawin kahit busog

lead image

Hindi madali ang makipag-sex kapag ikaw ay busog. Pero sa pamamagitan ng mga sex positions na ito, magiging mas komportable kayo ng iyong asawa.

Normal na sa mga mag-asawa ang pagkakaroon ng mga romantic na date night. Syempre, mahalaga ito para manumbalik ang init ng pagsasamahan. Ngunit paano kung parehas kayong busog ng iyong asawa, at ginusto ninyong mag-sex? Siguradong mayroon mga sex positions hindi komportable kapag busog na busog kayong dalawa.

Ang mga positions tulad ng doggy style, oral sex, at woman on top ay mahirap gawin kapag parehas kayong busog. Ito ay dahil posibleng sumakit ang inyong mga tiyan, o kaya sumama ang inyong pakiramdam kapag sinubukan ang mga ganung klaseng position.

Kaya't heto ang 5 positions na makakatulong upang hindi kayo mahirapang mag-sex ng iyong asawa. Ang mga positions na ito ay madaling gawin, at hindi sasama ang pakiramdam ninyo kahit busog na busog pa kayo.

5 sex positions na puwedeng gawin kahit busog

1. Subukan ang mutual masturbation

Syempre, mahirap gawin ang missionary position kapag parehas kayong busog. Ito ay dahil baka maipit ang inyong mga tiyan, at baka ilabas pa ninyo ang inyong kinain!

Kaya't isang magandang solusyon dito ang mutual masturbation. Maganda ito upang parehas kayong nasasarapan ng iyong asawa, ngunit hindi kayo mahihirapang gumalaw.

2. Spooning

Mainam rin ang spooning para sa mga couples na nahihirapang gumalaw dahil sa kanilang kinain. Mainam ito dahil hindi ninyo kailangang masyadong gumalaw. Maganda rin ang position na ito kapag parehas kayong pagod, at nahihirapan sa ibang mga mas 'acrobatic' na position.

3. Gawin ito sa mesa

Kung kakatapos niyo lang kumain, at gusto niyo agad na magsex, bakit hindi ito subukang gawin sa mesa? Maganda ang position na ito dahil hindi masyadong kailangang gumalaw ng lalake, at hindi rin kinakailangang humiga. Minsan kasi hindi komportable ang humiga lalo na kung busog.

4. Gawin ito ng nakatagilid

Bukod sa spooning, may isa pang sex position na puwedeng gawin habang nakatagilid. Kung sa spooning ay nakatalikod ang babae sa lalake, puwede namang parehas kayong nakaharap sa isa't-isa. Parang missionary position rin, ngunit sa halip na nakahiga ang babae, ay parehas kayong nakahiga at nakatagilid sa kama. Mainam ito dahil nakakadagdag ang position na ito sa intimacy ninyong dalawa.

5. Gumamit ng sex toys

Isa naman itong variation sa mutual masturbation. Kung mayroon kayong sex toys ng iyong asawa, puwede ninyo itong gamitin upang magbigay ng pleasure sa isa't-isa. Mainam ito dahil hindi ninyo kinakailangang masyadong gumalaw, at kamay lang at sex toy ang kailangan para maging mainit ang inyong gabi.

 

Source: Cosmopolitan

Basahin: Paano gagawing mas enjoyable ang oral sex?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner