5 sex positions na puwedeng gawing exercise

lead image

Kapag nasubukan ninyong mag-asawa ang mga sex positions na ito, siguradong hindi niyo na kakailanganin pang mag workout araw-araw!

Hindi maikakaila na ang sex ay para na ring workout. Syempre, nakakapawis ito, at maraming calories ang nagagamit ng katawan kapag nakikipag-sex. Ngunit alam niyo ba na mayroong ilang mga sex positions na mas epektibo pagdating sa pag-burn ng calories?

Siguradong kapag sinubukan niyo ang mga sex positions na ito, talagang mararamdaman ninyong mag-asawa na para kayong nag workout!

5 Sex positions na puwede ring gawing exercise

1. Bridge to Paradise position

Sa sex position na ito ay naka 'bridge' na yoga pose ang babae. Habang ginagawa niya ito, puwedeng gumamit ng vibrator o ibang sex toy ang kaniyang partner, upang gawing mas exciting ang exercise.

Maganda ito para ma-workout ang puwit, abs, at mga hita.

2. Mouth Organ

Ang mouth organ na sex position naman ay isang position kung saan nakahiga ang lalake, at nakadapa naman ang babae.

Kailangang nakapwest sa bibig ng lalake ang ari ng babae upang mabigyan siya ng oral sex. Mainam itong workout dahil kagaya nito ang sex position na 'cat' o 'cow' pose. Kayang ma-workout sa posisyon na ito ang abs at puwit.

3. Lunge Taker

Ang lunge taker naman ay katulad din ng woman on top na position. Ang pinagkaiba lang ay nakapwesto sa likod ang binti ng babae, at sinusuportahan siya ng kaniyang mga kamay.

Sa ganitong position, nawoworkout ang braso at balikat.

4. Doggy Style

Alam niyo ba na pati ang doggy style ay puwedeng gawing exercise?

Kailangan lang na ibaba ng babae ang kaniyang mga balikat, at sikipan ang kaniyang ab muscles. Sa ganitong paraan nae-exercise ang abs, at tumitibay ang core muscles habang nakikipagsex!

5. Hot Seat

Variation din ito ng woman on top na position. Ngunit sa halip na nakaupo, naka squat dapat ang babae.

Gagamitin ng babae ang squat upang mag-thrust sa kaniya ang lalake, at para magkaroon din siya ng control sa bilis at sa lalim ng pagpasok ng ari.

 

Source: Cosmopolitan

Basahin: 5 sex positions na puwedeng gawin kahit busog

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!