Sex Secrets para sa mag-asawa

May sikreto daw para sa mas maigting na samahan ng mag-asawa—para hindi manawa o tabangan sa isa’t isa. Alamin ang mga sex secrets na ito dito!

Ang pag-aasawa ay hindi isang fairy tale. Hindi ito nagtatapos sa “happily ever after” pagkatapos nang isang magarbong kasalan. Maraming kailangang gawin at katangiang taglayin ang mag-asawa para maging matagumpay o masaya ang kanilang samahan sa araw araw, at sana ay sa habambuhay. Importante ang tiwala sa isa’t isa, pagiging matapat, at para sa karamihan, relihiyon at pamilya ang una sa lahat. Pero ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkawala ng “sigla” sa buhay mag-asawa ay ang panlulumo sa kuwarto at kama.

Kapag kasi nawala na ang igting ng intimacy at ng sex, ito ang nagiging simula ng maraming problema—una na diyan ang paghahanap ng iba, na ugat ng pag-aaway at pagkawala ng tiwala. Pero paano nga ba gagawing exciting pa rin ang pagsasama, lalo na sa kama?

Ang love at sex ay parang mga ugat na nagtataguyod sa isang samahan. Kailangan ay palaging may bago at kapanapanabik na gagawin para sa isa’t isa, para palaging excited na magkita at magsama. Lalo pa kung matagal na kayong mag-asawa, o dekada na ang binibilang, iba na ang pagtingin at pagtanggap ng bawat isa sa pagtatalik. Dapat ay nag-iisip na ng mga “tricks” nang tinatawag, para nga hindi magkasawaan.

Huwag na huwag mawawalan ng pag-asa, kung nakakaramdam na ng panlulumo sa asawa at sa pagtatalik. Ang bawat mag-asawa ay may tinatawag na “sexual repertoire” o sexual habits at attitudes, o ugali sa kuwarto at kama. Narito ang ilang sikreto na pwedeng subukan ng mag-asawa.

Mga sex secrets para sa mag-asawa

Mag-quicky, kahit paminsan-minsan.

Una ito sa nakaka-excite na pwedeng subukan. Lalo na kung palaging busy at pagod dahil sa dami ng trabaho o gawain sa bahay, at wala kayong oras para sa isang buong gabi ng romantikong date. Bigyan ng oral sex si mister bago siya pumasok sa trabahom, o pumuslit ng “isa pa” habang naliligo. Bakit hindi mag-foreplay, ilang oras bago umuwi, para kapag nagkita kayong muli sa bahay ay mainit na at excited nang gawin ang mga pinag-usapan sa text o phone call? Gumamit ng vibrator o dildo, o mag-“quickie” bago pumunta sa grocery, o manuod ng sine.

Subukan ang role-play.

May mga mag-asawa na sa haba ng panahon ng pagsasama, gusto naman ng ibang makakatalik. Pero hindi ibang tao ang gusto, kundi ang asawa pa rin nila—kaya’t parang mga artista na nagpapanggap o nagkukunwaring ibang tao. Tumatakas kunwari, at nagtatalik sa kusina, sa garahe, o kaya naman ay sa kuwarto, pero hindi bilang sarili nila, kundi ibang tao o karakter.  Minsan kunwari ay nurse si misis, at pasyente si mister, o kaya ay stripper at customer, artista at fan—nakakatuwa, nakakatawa, pero hindi na kailangang mahiya sa isa’t isa dahil kayong dalawa lang naman ang nakakaalam.

Magbalik-alaala.

Gawing inspirasyon ang nakaraan, ika nga. Para ito sa mga mag-asawang sobrang tagal nang nagsasama. Isipin kung ano nga ba ang nagustuhan ninyo sa isa’t isa noong una, lalo na pagdating sa sex. Ang iba ay nagkukunwaring first date nila ulit, at ginagawa ang mga nangyari sa kanila nuong una silang nagkita, at ang unang beses na nagsama sa kama.

Sex pagkatapos ng away.

Marami nang nabuong bata dahil sa tinatawag na “make-up sex”. Ito yung pagtatalik pagkatapos ng isang pag-aaway o pagtatalo. Pagkatapos daw ng mainit na away, mainit na pagniniig naman ang kasunod. Para ito sa mga overly passionate na mag-asawa, na na-eexcite pagkatapos makapaglabas ng galit at sama ng loob. Huwag nang maghintayan. Kapag naramdaman mong kalmado na ang kabiyak, iwagayway na ang puting bandila at makipagbati na. Sabi ng mga mister na matagal nang kasal, ang mga lalaki ang dapat na unang lumalapit pagkatapos ng away. Si misis daw lagi ang tama—para matapos na ang alitan. Wala namang mawawala sa kung sino man ang unang lalapit, hindi ba? Matamis na pagbabati pa rin ang katapusan. Tapos ay diretso sa pagtatalik.

Weekend Sex.

Kung pareho kayo ng day off, lalo na at Sabado at Linggo ito, pagkatapos ng isang nakakapagod at nakaka-stress na linggo sa trabaho—weekend sex lang ang katapat. Iwan muna ang lahat ng negatibong naramdaman at magpakalango sa piling ni mister o ni misis. Mag-breakfast in bed, at maglambingan hanggang tanghali, o hapon pa kung pwede. Kung may magbabantay naman sa mga bata o malalaki na sila, paminsan-minsan ay mag-labing labing muna ng wala ang mga bata, at saka na lang makipag-bonding sa kanila sa hapon o gabi.

Magbalik-romantiko.

Ito naman ang todong romantikong date at pagtatalik, kung saan may candlelight dinner, bulaklak, at todong pagbibihis din ng mag-asawa, na maaaring taliwas sa karaniwang gayak sa araw araw. May mga nagchecheck in sa magarang hotel, para lang maiba ang ambience. Karaniwang ginagawa ito kapag anibersaryo, Valentine’s Day, iba pang okasyon, o kahit walang okasyon pero ramdam ng mag-asawa na kailangan ng konting “spice” sa buhay nila.

Tandaan na ang bawat tao ay nangangailangan makaramdam na siya ay espesyal, kaakit-akit, at minamahal. Kailangang malaman ng isang kabiyak kung ano ba ang romantiko para sa asawa—bulaklak, panonood ng sine, paglalakad sa gabi, cake o chokolate, at kung anu ano pa. Muli, balikan kung paano nga ba nagligawan dati, at paano napakilig ang isa’t isa, at buhayin muli ‘yon.

Mag-usap, at pag-usapan ang gusto at hindi gusto, at ang “hinahanangad” o desires.

Ang susi sa mabuting pagsasamahan, kahit ano pang uri ng relasyon, pero lalo sa mag-asawa, ay ang komunikasyon. Mag-usap kayo, para malaman kung ano talaga ang nasa isip at kung ano ang gusto ng isa’t isa. Mahirap naman kung sa hinaba-haba ng panahon nang pagsasama ay naghuhulaan pa rin o nagkakahiyaan. Kung hindi mag-uusap ang mag-asawa, ay walang mangyayari sa inyong pagsasama. At kung paano kayo mag-usap tungkol sa problema o tungkol sa mga bata, ganon din dapat katapat pagdating sa usaping sex.

Kasama na dito ang tahasang pagsasabi kay mister o kay misis kung ano ang nakakapag-pakiliti sa iyo sa kama. Ituro o sabihin alin ang msarap, alin ang nakakailang o ayaw mong gawin—maging matapat dahil walang makapagsasabi nito kundi ikaw.

Maging creative.

Maraming bagay na makakapagpa-igting ng sensations ng isang lalaki at isang babae. Di ba nga, sabi ng iba, sino ba ang may gusto ng adobo sa araw araw? Kailangan maiba din ang putahe. At ang paghahanap ng ibang ulam sa ibang restawran ay hindi dapat, kaya’t mag-isip ng bagong iluluto para sa kabiyak. Maraming libro at babasahing erotiko ang pwedeng subukan—nariyan ang mga sex toys, mga props, at iba pang mga bagay na magpapainit sa sitwasyon. Subukan ang ibang posisyon sa Kama Sutra, mag-couples massage, o magpunta sa isang strip club sa gabi nang magkasama, o kasama rin ng ibang kaibigang mag-asawa.

Mag-relax, at mag-exercise.

Ang pinakaimportanteng sikreto ay wala sa pagtatalik mismo, kundi sa pagwawaksi ng stressors sa isip, at pagpapanatiling malusog at maaayos ang pisikal na aspeto ng isang tao. Ang pangunahing pamatay ng libido at interes sa sex (at sa kabiyak) ay stress at pagod, at dahil na rin hindi ka “fit” o mahina ang resistensya para sa makabuluhang pagtatalik. Pisikal at psychological ang pinag-uugatan ng kahandaan sa sex, kaya’t kung sa una pa lang ay talo na sa dalawang aspetong ito, hindi talaga makakapagsabayan sa sex. Magpamasahe, uminom ng wine at makinig sa nakaka-relax na tugtog, mag-shower o magbabad sa bath tub, at mag-ehersisyo, tumakbo o mag-gym nang magkasama.

 

SOURCES:

“Couple Skills: Making Your Relationship Work” nina Matthew McKay PhD at Patrick Fanning

Tina Tessina, Ph.D., licensed psychotherapist

Linda Banner, health psychologist and licensed sex therapist.

 

READ: What are the recommended sex positions for conceiving a baby girl?