Ito ay larawan ng dalawa kong anakβ anim na taon at isang buwan mahigit. Napaka bibo ng panganay ko at maalagain sa bunsong kapatid niya.
Anak ko sa pagkadalaga ang panganay at ipinalaki ko siyang malambing. Mula isang buwan, hindi ko na naalagaan ang panganay hanggang sa 6 na buwan dahil nagkasakit ako ng mastitis sa kaliwang suso ko.
Hindi iyon hadlang kaya nagsumikap akong gumaling nang mas madali. Pagsapit ng pitong (7) buwan ng anak ko, bumalik ako sa trabaho at nag ipon para sa pangangailangan niya, dahil hiwalay kami ng kaniyang butihing ama.
Oo, ni sentimong sustento wala kaming natatanggap pero ‘di ‘yun reason para mawalan ng gana. Kundi ito ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob at naging inspirasyon.
Ang larawang ito ay kuha nung katatapos ko pa lang maglaba sa bahay. Pagod na pagod ako sa dami ng labahin, katatapos ko lang din magsampay. Nahagip ng aking mga mata ang nakagigiliw na pwesto nilang dalawa.
Nakakapagbigay ng lakas at nakakawala ng pagod na makita mong ganito mag bonding ang mga anak natin. Pareho pa sila ng pwesto oh!Β
Pinabantayan ko sa panganay ang bunso at nilalaro niya lang ang kapatid niya. Hanggang sa pareho siguro silang napagod at nakatulog. Nakakaantig ng damdamin ang ganitong mga scenario. Palaging ganito ang ending nilang dalawaβtulog.
Bilang isang ina, mahal na mahal natin ang ating anak at mahalin pa natin sila anuman ang mga pagsubok. Hindi man natin maibigay lahat, at least totoo tayo sa kanila. Sa ating mga magulang nagmumula ang unang hakbang na maayos kaugalian ng mga bata.
Ang pagtuturo sa kanila ang siyang magbigay gabay. Kaya turuan natin sila na maging marespeto at may takot sa Diyos.Β
Darating ang panahon na tayo ay tatanda at sila naman ang magtuturo sa kanilang mga anak ng mabuting asal. Kung gayunpaman, masaya tayong masilayan ang mga kaganapan sa ating pamilya na nagbibigay saya at bumubuo ng masayang ala-ala.
Sa ngayon, binubuo ko pa lamang ang istorya ng buhay ng aming pamilya. Hindi man purong ligaya ngunit may masayang pagsasama. Hindi rin mabubuo ang isang pangyayari kung walang lungkot at saya. Sangkap nito ay magbibigay kahulugan sa bawat pangyayari sa ating buhay.
Aking uulitin, nagmumula sa pamilya ang maayos na pagbuo sa mabuting pagsasama.