10 Signs na mahal ka ng asawa mo

undefined

Hey, wives! Wanna know if your husband just can't stop thinking about you? Learn how here!

Ang sikreto ng mga pagsasamang tumatatagal ay pagmamahal. Kaya ano ang mga signs na mahal ka ng asawa mo?

Ang pinaka-obvious na sign ay manggagaling sa kanyang bibig. Subalit, kahit hindi lahat ng lalaki ay madalas gumamit ng salita, may mga pasimpleng signs na mahal ka ng asawa mo.

Kung nag-aalala na wala nang pagtingin sayo ang iyong asawa, huwag mag-alala. Hindi magaling magpakita ng emosyon ang mga lalaki. Ngunit, hindi nito ibig sabihing hindi ka niya mahal. Ito ang ilang signs na mahal ka ng asawa mo na baka hindi mo napapansin.

10 signs na mahal ka ng asawa mo

1. Mabilis siyang magreply sa mga text mo

If your husband responds to your texts immediately, this is one of the biggest signs your husband loves you deeply

Image source: iStock

Lahat tayo ay hirap bitawan ang mga smart phones. Kaya, malaking bagay ang mabilis niyang pag-reply imbes na ang hayaan kang nag-aantay.

Maraming nakakapag-distract sa atin. Kaya kapag sumagot siya agad sa text mo matapos mong ipadala, ibig sabihin ay prayoridad ka niya.

Isa pa, pansinin na pinapahaba niya ang pag-uusap hangga’t maaari. Ito ay magandang sign dahil mahalaga ang komyunikasyon sa isang pagsasama.

2. Madalas ka niyang sorpresahin

Your husband is romantic when he brings you your favourite coffee!

Image source: Shutterstock

Maaari kang biglang bisitahin ng asawa mo sa trabaho para dalhan ng paborito mong pagkain. Maaari ka rin niyang uwian ng bulaklak na may maliit na mensahe. Malaki o maliit na gesture man, pinapakita nito na iniisip ka talaga niya!

Maaaring tanggapin ito bilang sign na mahal ka talaga niya. Kahit pa bilhan ka niya ng regalo na hindi mo kinababaliwan, gusto niyang maging masmabuting tao ta makilala ka lalo.

3. Wala siyang pinapalampas na pag-uusap niyo

Maganda kung madalas kayong mag-usap. Ngunit, madaling makalimutan ang mga napapagusapan kapag madalas ang pag-uusap.

Sa kabilang banda, alam mong nakatuon talaga siya sa inyong pag-uusap kapag maalala niya ang napag-usapan, gaano man ito kababaw.

Kapag tahimik siya at nakikinig sa bawat salitang binibigkas mo, ito ay isang senyales ng kanyang pagmamahal sayo.

Halimbawa, sinabi mo sa kanyang hindi maganda ang araw mo nung simula ng linggo. Ipapaalala niya ito at itatanong kung kamusta ka na pagdating sa nakasira ng mood mo. Ibig sabihin ay lagi ka niyang iniisip at gusto niya ang pinakamabuti para sa iyo.

4. Ginagawa niya kung paano mo gusto

Maaaring maging matigas ang ulo ng mga lalaki. Kaya kapag pinapili ka niya sa pupuntahan niyo sa inyong date, malaki ang ibig sabihin nito.

Siguradong may mga gusto rin siya. Ngunit imbes na unahin ang sarili, ang gusto mo ang mas pinipili niya.

Ito ay isang malaking sign ng pagmamahal at magandang pag-unawa sa give-and-take na bahagi ng mga relasyon.

5. Hindi niya nalilimutan ang mahahalagang petsa

Woman receiving gift from partner

Image source: iStock

Minsan ay mahirap na laging maalala ang mga mahahalagang petsa sa isang taon. Ngunit kung hindi nalilimutan ng asawa mo ang inyong anniversary, ito ay senyales ng buong pusong pagmamahal.

Talagang nakakatuwa kung hindi mo siya kailangang paalalahanan! Nang hindi gumagamit ng salita, napapakita ng asawa mo ang totoong pagmamahal niya sa iyo.

6. Binibigyan ka niya ng atensyon

“Wow, bagay na bagay sa iyo ang gupit mo!”

Maaaring hindi napapansin ng mga lalaki ang ating mga fashion choice. Ngunit, kung inaaalala niya ito at nagbibigay ng papuri sa itsura mo, ibig sabihin ay napapansin niya kung may pagbabago.

Ngunit, isang totoong sign na mahal ka niya ay kung mahal ka parin niya ano man ang itsura mo.

7. Tumitingin siya sa mga mata mo

Looking for signs your husband loves you deeply? Notice how often he keeps eye contact!

Image source: Shutterstock

Ang body language ng iyong asawa ay sign kung gaano ka niya kamahal.

Imbes na tumingin sa kanyang phone, siya ay nakatingin sa iyo at pinagmamasdan ka. Sa totoo, sinasabi ng mga research na ang mga mag-asawa ng tumitingin sa mata ng isa’t isa sa 75% ng oras na magkasama siya ay talagang nagmamahalan.

Ibig sabihin, talagang mahal ka niya at natutuwang kasama ka.

8. Madali siyang humingi ng tawad

signs your husband loves you deeply

Image source: Shutterstock

Sa lahat ng mag-asawa mayroong pag-aaway. Subalit kapag ang iyong asawa ang gumagawa ng unang hakbang para humingi ng tawad, ibig sabihin ay masmahalaga ka sa kanya imbes na sa pagiging tama.

Madaling lumayas matapos magsigawan at hindi kausapin ang isa’t isa nang matagal. Kung madali siyang humingi ng tawad, pinapahalagahan niya ang komyunikasyon niyo at hindi kayang makita ka pang galit sa kanya.

9. Ginagamit ang “kami” imbes na “ako”

Kapag may pinupuntahan kayong social event, nagsasalita ba siya tungkol sa inyo bilang dalawang tao, o bilang “kami”?

Isa itong simple ngunit mahalagang sign ng pagmamahal. Pinipili niyang gamitin ang “kami” dahil gusto niyang malaman ng mga tao na mahal ka niya at mabuhay nang matagal kasama ka.

10. Pinapanatili niya ang physical intimacy

signs your husband loves you deeply

Image source: Shutterstock

Malamang ay malaki ang papel ng physical attraction sa inyong relasyon nung simula. Ngunit kapag siya ang nagsisimula ng yakap o pasimpleng pag-himas sa iyo kapag may pagkakatain, hindi siya nagsasawa sa iyo.

Ang pagpapanatili ng physical intimacy ay siguradong senyales na siya parin ay baliw na baliw sa iyo.

Bisitahin ang theAsianparent Community para sa maraming insightful na istorya, tanong, at mga sagot mula sa mga magulang at eksperto. Kung may mga insights, tanong o komento tungkol sa topic, ibahagi sa amin sa Comment box sa ibaba.

Basahin: Mister sinubukang mag-alaga ng baby nang mag-isa at ito raw ang natutunan niya

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!