Anu-ano ang mga signs na you have a bad yaya?

Paano nga ba malalaman kung ang yaya na nag-aalaga sa baby ninyo ay isang "bad yaya"?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa maraming mga ina, ang pagkakaroon ng yaya ay napakahalaga, lalo na at ang ibang mga ina ay mga “working moms” at kailangan nila ng tulong upang alagaan ng kanilang mga anak.

Pero, paano ka nakasisigurado na mahusay ang yaya na nag-aalaga sa iyong anak at hindi isang “bad yaya”?

1. Takot ang iyong anak sa kaniyang yaya

Madalas, kapag napapansin mong hindi komportable, o kaya’y takot ang iyong anak kapag inaalagaan siya ng kaniyang yaya, ay posibleng hindi maganda ang ginagawang pag-aalaga sa anak mo.

Dahil kung maayos ang pag-aalaga ng yaya sa bata, dapat komportable ang anak mo, at mararamdaman niya na may malasakit sa kanya ang kaniyang yaya.

2. Hindi niya sinusunod ang iyong mga utos

Hindi maiiwasan minsan na makalimot o kaya’y magkamali ng intindi ang mga yaya sa iyong mga utos. Pero kung napapansin niyong sinasadya na nila o kaya naman ay palagi silang sumusuway sa utos niyo, baka mas mabuting humanap na lang kayo ng ibang yaya sa halip na pilitin niyo pang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Pinapangunahan ka sa pag-aalaga ng iyong anak

Bilang magulang, ikaw ang nakakaalam ng pinakamabuti para sa iyong anak. At syempre, importante din na makinig ka sa yaya mo kapag mayroon siyang suggestion o tips sa pag-aalaga.

Pero kapag napapansin mong masyado ka nang pinangungunahan, o di kaya’y gusto ng yaya mo na siya palagi ang masusunod, hindi na yun maganda. Ang pag-aalaga sa iyong anak ay dapat maging team effort, kung ayaw makisama ng yaya, mas mabuting humanap na lang kayo ng ibang kapalit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Kapag napaparami ang mga bukol at sugat ng iyong anak

Ito ay isang obvious sign na hindi marunong mag-alaga, o di kaya’y walang pakialam ang yaya ng iyong anak. Normal lang naman sa isang bata ang magkaroon ng mga bukol at sugat, lalo na sa mga malilikot na chikiting.

Pero kapag masyadong madalas, at nasasaktan lang sila kapag si yaya ang nag-alaga, hindi na yun tama, at mas mabuting magpalit na kayo ng yaya, bago pa may mangyaring mas malala sa inyong pinakamamahal na anak.

5. Palaging gutom ang iyong anak

Kapag laging inaantok, pagod, o parang gutom ang iyong anak, isa pa itong obvious sign na hindi talaga inaalagaan ni yaya ang iyong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibig sabihin din nito na hindi ginagawa ng yaya ni baby ang kaniyang trabaho, at baka lalo pang mapasama ang inyong anak kapag siya pa din ang yaya ni baby. Sa mga ganitong pangyayari, mas mabuti kung maghanap na lang kayo ng mas masipag, at mas maalagang yaya.

Sources: itsbaby.combabycenter.com

READ: 5 things that can prevent your maid from being productive

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Written by

Jan Alwyn Batara