5 sex positions para sabay kayong mag-orgasm ni mister

lead image

Ang pagkakaroon ng simultaneous orgasm o sabay na orgasm ay isa sa mga pinaka-intimate na pangyayari kapag nagse-sex kayo ng iyong asawa.

Para sa mga mag-asawa, ang pagkakaroon ng simultaneous orgasm, o sabay na orgasm ay isa sa mga "holy grail" pagdating sa sex. Ito ay dahil madalas mahirap pagtambalin ang pagkakaroon ng orgasm ng mga mag-asawa.

Una sa lahat, magkaiba ang katawan ng mga tao, kaya't iba-iba rin ang mga bagay na nakakatulong para magkaroon sila ng orgasm. Bukod dito, madalas ay inaabot ng mga 7-8 minutes bago mag-orgasm ang mga lalake, at ang mga babae naman ay hanggang 20 minutes! Kaya sadyang bihira ang pagkakaroon ng sabay na orgasm sa mga mag-asawa.

Kaya't upang mapadali ang pagkakaroon ng simultaneous orgasm, heto ang 5 sex positions na dapat ninyong subukan.

Sex positions para magkaroon ng simultaneous orgasm

1. Mission Not-So-Impossible

Ang position na ito ay halos katulad ng Missionary position, ngunit may isang malaking pinagkaiba. Dapat ay magkadikit ang mga legs ni mister, at sa ganitong position ay makakadagdag ito sa stimulation ng clitoris.

Ito ay dahil mas dumidikit si mister sa iyong vagina, kaya't nadaragdagan ang stimulation habang siya ay pumapasok.

2. The Guided Tour

Sa position na ito, nakatayo si mister, at si misis naman ay nakaupo sa countertop o kaya sa taas ng lamesa. Malaking tulong dito ang paggamit ng sex toy upang madagdagan ang stimulation para kay misis habang pumapasok si mister.

3. The Buzzbuild

Sa ganitong position, ay nakahiga kayong dalawa sa kama, at sabay kayong nagma-masturbate. Mainam kung gumamit ka ng vibrator o iba pang sex toy para makadagdag sa stimulation. Ang maganda sa position na ito ay puwede kayong magsabay ng orgasm dahil kaniya-kaniya ang ginagawa ninyong stimulation sa pagma-masturbate.

4. The Wander-ful Time

Ang position na ito ay katulad ng Doggy-style position, pero ang pinagkaiba ay gagamit ka ng vibrating wand, o kaya vibrator habang pumapasok si mister. Nakakatulong ito para makadagdag sa stimulation, at para mas tumaas ang posibilidad na sabay kayo mag-orgasm.

5. The Tortoise and the Stare

Ang position na ito ay mas nasa foreplay kaysa sa actual sex. Kailangan nakahiga ka sa kama, at naka-spread ang iyong binti. Dahan-dahan mong simulan na mag-masturbate upang mastimulate ka lalo, habang nanonood si mister.

Mainam ang posisyon na ito upang magkaroon ka ng head-start sa orgasm kapag nagse-sex na kayo.

 

Source: Cosmopolitan

Basahin: 10 tips upang mabigyan si misis ng multiple orgasms

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!