X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mainit si baby? Narito ang 5 home remedies sa sinat na pwedeng subukan

7 min read
Mainit si baby? Narito ang 5 home remedies sa sinat na pwedeng subukan

Pakiramdam mo ba na parang nilalagnat ka pero mababa naman ang temperature mo? Alamin kung ano ang puwedeng gawin kapag may sinat ka.

Nakakapag-alala talaga kapag mainit ang temperatura ng ating anak. Pero huwag magpanic, mommy. Narito ang dapat mong tandaan tungkol sa sinat ng bata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mainit ang iyong anak – lagnat ba o sinat lang?
  • Mga posibleng sanhi ng sinat sa mga bata
  • Home remedies para sa sinat

Mahirap magkasakit sa panahon ngayon. Kaya naman kapag may napapansin tayong kakaiba sa ating anak, mabilis tayo nag-aalala at humahanap ng lunas para hindi na lumala ang kaniyang pakiramdam.

Isa sa mga karaniwang sintomas na binabantayan natin kapag parang matamlay o may sakit ang ating anak ay ang lagnat o kapag tumataas ang temperatura nila.

Kadalasan papakiramdaman natin kung mainit ang kanilang leeg at saka natin kukunin ang thermometer para malaman ang kanilang temperatura. Pero paano kung ayon sa kaniyang temperature, wala naman siyang lagnat?

Maaaring ilarawan na feverish ang bata, o mas kilala sa tawag na sinat.

Bago natin talakayin ang tungkol rito, alamin muna natin kung paano malalaman kung ang iyong anak ay lagnat o sinat lang.

Mainit ang bata –  lagnat ba, o sinat lang?

sinat

Larawan mula sa iStock

Nakasanayan na nating mga magulang na ilagay ang ating palad sa leeg o noo ng bata para malaman kung mainit siya. Pero ayon kay Dr. Nicole Perreras, isang pediatrician at eksperto sa infectious diseases mula sa Makati Medical Center, hindi maaasahan ang ganitong paraan para matukoy kung may lagnat ang isang tao.

“‘Yong tactile kasi, it’s not reliable because it depends on the skin of the person touching the child.” aniya.

Subalit pwede itong magsilbing babala na maaring mayroong lagnat ang iyong anak. “Kung feeling mo mainit siya, that’s the time to really check it with a thermometer.” dagdag niya.

Ayon pa sa doktora, kung ang gagamiting paraan ng pagkuha ng lagnat ay ang axillary method (o iyong iniipit sa kilikili ang thermometer), na siyang pinakakaraniwan at kinasanayan natin.

Masasabing may lagnat ang bata kapag umabot sa 37.8 o higit pa ang kaniyang temperature. Kung mababa rito ang kaniyang temperature, masasabing sinat lamang ito.

Subalit paalala ni Dr. Perreras, tingnang maigi kung ayos o gumagana ba ang thermometer na ginagamit sa pagkuha ng temperature ng bata.

Payo niya, para makasiguro kung mayroong lagnat ang iyong anak, dalawang beses kunin ang kaniyang temperature mula sa magkaibang bahagi ng katawan.

“If in doubt, you can check the temperature in two different areas.” 

Kapag walang lagnat ang bata subalit mainit pa rin ang kaniyang balat at tila matamlay, maaari mo na ring simulang i-monitor ang kaniyang temperature (i-check sa pagitan ng 4 na oras) para makumpirma kung mayroon nga siyang sakit.

Pero kung gumagana naman nang maayos ang inyong thermometer, pero ganoon pa rin ang sinasabi, maaaring may ibang dahilan ng sinat ng bata.

Mga posibleng dahilan ng sinat sa mga bata

Kung mainit ang pakiramdam kapag hinahawakan mo ang iyong anak subalit wala naman siyang lagnat, maaaring may mga bagay o pangyayari na nakakapagdulot nito:

  • Init ng panahon
  • Trangkaso (hindi lahat ng oras, ang sakit na ito ay may kasamang lagnat)
  • Pananamit
  • Nagngingipin
  • Pisikal na gawain
  • Anxiety

Bagama’t hindi ka naman dapat mag-alala kung may sinat ang iyong anak, maaaring senyales na rin ito na dapat mo siyang bantayan at obserbahan.

sinat

Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

#AskDok: Bakit nagkakaroon ng sinat ang bata?

13 Halamang gamot sa sipon na maaari mong subukan

#AskDok: Paano malalaman kung may lagnat ang bata?

Kailan dapat dalhin sa doktor kapag may sinat ang bata

Maaaring wala nga siyang lagnat, pero kung may sinat ang iyong anak na sinasamahan ng mga sumusunod na sintomas, dapat pa ring kumonsulta agad sa kaniyang pediatrician:

  • Matamlay ang bata
  • Siya ay parang nababalisa at hindi mapakali
  • Mayroong senyales ng dehydration (tuyo ang bibig, hindi masyadong umiihi, walang luha kapag umiiyak)
  • Nagsusuka o nagtatae
  • Mayroong viral infection (gaya ng ubo o sipon) ang bata na tumatagal na ng mahigit 7 araw

Home remedies para sa sinat

sinat

Larawan mula sa iStock

Bagama’t hindi ka dapat mag-alala kung may sinat (at walang mga sintomas na nabanggit sa itaas) ang bata, mas makabubuting bantayan siya para makasiguro.

Habang mino-monitor sa bahay, maaari ring subukan ang ilang paraan na pwedeng makatulong para maibsan ang kaniyang nararamdaman o maagapan ang nagbabadyang sakit:

Partner Stories
There’s something better for your skin than regular bar soap—and it’s probably already in your baby’s skincare arsenal!
There’s something better for your skin than regular bar soap—and it’s probably already in your baby’s skincare arsenal!
Mama’s Choice, Southeast Asia’s Fast-growing Mother & Child Brand from Singapore, Names Celebrity and Influencer Andi Manzano-Reyes as Chief Mama Officer in the Philippines
Mama’s Choice, Southeast Asia’s Fast-growing Mother & Child Brand from Singapore, Names Celebrity and Influencer Andi Manzano-Reyes as Chief Mama Officer in the Philippines
Mothers in Tech: On the parallels between taking the lead at home and at work
Mothers in Tech: On the parallels between taking the lead at home and at work
REP’s The Great Christmas Cookie Bake Off! celebrates the season with the magic of Christmas, cookies, and musical theater
REP’s The Great Christmas Cookie Bake Off! celebrates the season with the magic of Christmas, cookies, and musical theater

Echinacea

Ang echinacea ay isang halamang gamot na matagal nang ginagamit mula pa sa mga katutubong Amerikano. Ngayon, makikita ito sa ilang mga tsaa na mabibili sa mga tindahan.

Pinaniniwalaang nakakatulong ito sa katawan na labanan ang impeksiyon kaya madali ring nawawala ang sinat. Ayon sa mga pag-aaral, napapalakas nito ang immune system kaya magandang inumin sa simula pa lamang ng pagtaas ng temperatura ng katawan.

Babala: mag-ingat sa pagbibigay ng halamang gamot sa mga batang edad 12 pababa. Kumonsulta muna sa iyong doktor para makasigurong ligtas ito para sa iyong anak.

Luya

Ang anti-bacterial na katangian ng luya ay ang dahilan kung bakit ito magandang panlaban sa sinat. Epektibo rin ito sa ilan pang mga sintomas tulad ng ubo at sipon. Tulad ng echinacea, maaari itong pakuluan at gawing tsaa.

Chicken soup

Bukod sa puno ng sustansya ang mga sahog nito, makakatulong ang paghigop ng mainit na sabaw para mapanatiling hydrated ang iyong katawan. Anuman ang sanhi ng iyong sakit, makakatulong ang chicken soup diyan.

Kung ang sinat ay sanhi ng respiratory infection gaya ng sipon, ubo o pananakit ng lalamunan, makakatulong ang masabaw na pagkain para mabawasan ang pamamaga ng lalamunan at lumuwag ang iyong paghinga.

Kung stomach flu naman ang dahilan, makakatulong ang chicken soup para mapalitan ang nawalang tubig sa katawan sanhi ng diarrhea.

Uminom ng maraming tubig

Kapag nade-dehydrate ang isang tao, mas tumataas ang kaniyang temperatura. Ang tubig at iba pang inumin ay nakakapag regulate sa init ng katawan. Natutulak din nito palabas ng katawan ang mga germs na nagdudulot ng impeksiyon na nilalabanan ng katawan.

“Kailangang i-hydrate ang bata, whether that be through increased breastfeeding or latching or increased fluids. Makakatulong rin ‘yon kasi makaka-cause ‘yon ng comfort para sa mga anak natin,” payo ni Dr. Perreras.

Sapat na tulog at pahinga

sinat

Larawan mula sa iStock

Ang sinat ay isang paraan ng katawan para sabihin sa iyo na may nilalabanan ito para hindi ka lalong magkasakit.

Hayaang magkaroon ng sapat na tulog at pahinga ang iyong anak. Ito ang pinakamabisang natural na remedyo sa pagkakaroon ng sinat. Tulungan mo ang iyong katawan na labanan ang impeksyon.

Ang normal na init ng katawan ay nasa 37 degrees Celsius. Ang pagtaas ng 1 hanggang 5 degrees ay hindi kailangang alalahanin. Subalit, para sa mga sanggol na wala pang 3 buwang gulang, ang pagkakaroon ng sinat ay delikado sa kalusugan. Dalhin agad siya sa ospital kung ang kanyang temperatura ay umabot ng 38 degrees Celsius.

Huling paalala ni Dr. Perreras,

“Assess talaga if may fever ang bata. Check using a thermometer. Don’t use your hand, don’t use your cheek. Best talaga is to measure it properly.”

Sana panahon ngayon, mas mabuti nang maging maingat. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa sinat o kung may napapansing kakaiba sa ikinikilos ng iyong anak, huwag mahiyang kumonsulta sa inyong doktor.

Source:

Healthline, WebMD, Medical News Today

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mainit si baby? Narito ang 5 home remedies sa sinat na pwedeng subukan
Share:
  • #AskDok: Bakit nagkakaroon ng sinat ang bata?

    #AskDok: Bakit nagkakaroon ng sinat ang bata?

  • #AskDok: Bakit nagkakaroon ng pabalik-balik na sinat ang baby?

    #AskDok: Bakit nagkakaroon ng pabalik-balik na sinat ang baby?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • #AskDok: Bakit nagkakaroon ng sinat ang bata?

    #AskDok: Bakit nagkakaroon ng sinat ang bata?

  • #AskDok: Bakit nagkakaroon ng pabalik-balik na sinat ang baby?

    #AskDok: Bakit nagkakaroon ng pabalik-balik na sinat ang baby?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.