X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Singil sa kuryente bababa sa Hunyo ayon sa Meralco

3 min read
Singil sa kuryente bababa sa Hunyo ayon sa MeralcoSingil sa kuryente bababa sa Hunyo ayon sa Meralco

Ayon sa Meralco, singil sa kuryente bababa na ngayong Hunyo.

Matatandaan na noong Marso ay nag-anunsyo ang Meralco ng pagtaas sa singil ng kuryente. Ngunit ngayong Hunyo, nakatakda naman silang magbaba muli ng singil sa kuryente.

Singil sa kuryente bababa

Isa rin ba kayo sa nabahala dahil sa biglang pagtaas ng singil sa kuryente noong Marso hanggang Mayo? Bukod kasi sa nagpatong ang bill dahil sa Enhanced Community Quarantine — nagkaroon ng P0.0278/kwh na increase noong Marso dahil sa generation at transmission charge.

Ang ibig sabihin nito ay nagkaroon ng dagdag na 5.60 pesos para sa mga kumukunsumo ng 200 kwh. Para naman sa 300 kwh ay 8.40 pesos. Habang 11.20 pesos naman sa 300 kwh at 14 pesos sa 400 kwh.

JUST IN! Singil sa kuryente ng Meralco, bahagyang tataas ng P0.0278/kwh sa paparating na March bill. Nasa P0.18/kwh ang itinaas sa generation at transmission charge pero dahil sa utos ng ERC na refund, natapyasan ito kaya naging P0.0278/kwh na lang. pic.twitter.com/iCEoOOWKSJ

— alvin elchico (@alvinelchico) March 6, 2020

Ngunit kaugnay naman ng panibagong report mula Meralco, bababa na muli ito ngayong Hunyo.

Meralco bill

singil sa kuryente bababa

Image from Freepik

Bukod sa mga tinanggal na charges ng Meralco, nagmura rin umano ang supply ng kuryente kaya naman asahan na bababa talaga ang singil sa kuryente ngayong Hunyo.

Nasa P0.02 kada kilowatt hour (kWh) ang bawas sa singil ng kuryente para sa June bill. Katumbas umano ito ng 4 pesos na bawas sa mga kabahayang may 200 kWh na konsumo, 6 pesos sa 300 kWh, 8 pesos sa 400 kWh at 12 pesos sa 500 kWh.

Pahayag ni Meralco head of utility economics Larry Fernandez, “Binalik na ‘yong P4.95 na feed-in-tariff allowance this June pero pinahinto naman ng ERC (Energy Regulatory Commission) ang pagkolekta ng environmental charge.”

Tips para makakatipid sa kuryente

1. Siguraduhing palaging malinis ang mga aircon at electric fan

singil sa kuryente bababa

Image from Freepik

Kapag naiipon ang dumi at alikabok sa mga aircon o electric fan sa bahay, mas madaming kuryente ang nakokonsumo ng mga appliances na ito dahil bumabara ang dumi at alikabok at ito ay nagpapahina sa hangin na lumalabas dito.

Kaya naman siguraduhin niyo na malinis ang mga electric fan at mga aircon ninyo, para mas efficient at mas tipid sa kuryente!

2. Buksan ang mga bintana

Kung sobrang init sa bahay ninyo, baka naman laging nakasara ang mga bintana? Maganda din kung hinahayaan natin na pumasok ang preskong hangin para hindi puro hangin ng electric fan at aircon ang nasasagap natin.

3. Wag masyadong lakasan ang aircon

Minsan, hindi naman natin kailangan na naka-todo ang aircon. Kahit yung “low” setting, sakto na para hindi mainit sa bahay. Mahalaga rin naka-timer ito para hindi ma-overuse.

4. Tanggalin sa saksakan ang appliances kung hindi ginagamit

Bukod sa ito ay isang fire hazard, mahalagang tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit upang hindi na ito dumagdag sa konsumo ng kuryente.

5. Palitan ng LED lights ang inyong mga ilaw sa bahay

singil sa kuryente bababa

Image from Freepik

Mas maliit kasi ang konsumo sa kuryente ng LED lights kumpara sa mga normal na bumbilya.

 

Source:

ABS CBN News

Basahin:

ALAMIN: Meralco bill computation pagkatapos ng community quarantine


Partner Stories
Nike Fort unveils the new sporting hub in Manila
Nike Fort unveils the new sporting hub in Manila
Experiencing pamamanhid or pangangalay when doing simple, everyday tasks? 
Experiencing pamamanhid or pangangalay when doing simple, everyday tasks? 
Marvin Agustin Shares How He Only Trusts Maxicare SME Healthcare Plans
Marvin Agustin Shares How He Only Trusts Maxicare SME Healthcare Plans
Hasbro Strikes Partnership with  World Taekwondo Federation for “Get Active with PJ Masks”
Hasbro Strikes Partnership with World Taekwondo Federation for “Get Active with PJ Masks”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Singil sa kuryente bababa sa Hunyo ayon sa Meralco
Share:
  • Meralco, ipinaliwanag kung bakit mataas ang bill ngayong Hunyo; maglalabas ng "personalized letter"

    Meralco, ipinaliwanag kung bakit mataas ang bill ngayong Hunyo; maglalabas ng "personalized letter"

  • Electricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesos

    Electricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesos

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • Meralco, ipinaliwanag kung bakit mataas ang bill ngayong Hunyo; maglalabas ng "personalized letter"

    Meralco, ipinaliwanag kung bakit mataas ang bill ngayong Hunyo; maglalabas ng "personalized letter"

  • Electricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesos

    Electricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesos

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.