REAL STORIES: "Nag-cheat ako sa hubby ko—hindi ko tuloy alam kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko"
Hindi alam ng isang nanay kung ano ang gagawin niya dahil hindi niya alam kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya—ang hubby ba niya o ang ex niya.
Isang nagbubuntis na ina ang humingi ng tulong sa theAsianparent Community. Ayon sa kanyang kwento, siya ngayon ay 31 lingong buntis ngunit hindi alam kung sino ang ama ng ipinagbubuntis. Ito ay dahil sa siya ay nagloko sa kanyang asawa sa kanyang katrabaho. Alamin ang kanyang kwento at ang payo ng iba pang mommies.
Nagloko sa asawa
Hindi sigurado ng nagbigay ng tanong kung ang kanyang dinadalang sanggol ay sa kanyang asawa o sa boardmate niya. Bukod pa dito, siya ay humihingi ng payo kung aaminin niya ba ang totoo sa kanyang asawa.
Mga sagot
Iba-iba ang naging sagot ng mga miyembro ng theAsianparent Community.
Aminin ang kasalanan
Ayon sa ilang sumagot, dapat ay aminin niya ito sa kanyang asawa. Malaking kasalanan ang kanyang nagawa at makakabuti na sa kanya ito manggaling. Magiging mas masakit at masmalala ang epekto ng kanyang tinatagong sikreto kung sa iba pa malalaman ang balita.
Ganunpaman, kanilang pinapaalala sa nanghihingi ng payo na kailangan siyang maging handa sa magiging reaksyon ng kanyang asawa. Dapat ay maging handa siya dahil may posibilidad na iwan siya nito at hindi tanggapin ang bata. Maaari rin na tanggapin ang anak ngunit sustentuhan na lamang at hindi na mabuo ang kanilang pamilya.
May ilan rin namang nagsabi na maaari parin siyang tanggapin. Kakailanganin lang talaga ng oras at malawak na pang-unawa mula sa kanyang asawa.
Itago ang sikreto
Marami rin naman ang nagsabi na huwag nang aminin sa asawa ang nagawa. Ito ay dahil sa consequence na siya ay hindi na mapatawad nito. Sa kanyang asawa man o hindi ang anak, mapapalaki niya sa broken family ang bata dahil sa kanyang pagkakamali. Ayon sa kanila, malaking gulo ito kapag inamin ang nangyari.
Subalit, kanila ring ipinaalala na tibayan ang sarili at huwag na muling bumigay pa sa tukso. Kung piliin niyang itago ito mula sa kanyang asawa, dapat niya ring siguraduhin na hindi na mauulit ang kanyang pagkakamali. Dahil kapag sa kanyang pag-ulit ay mahuli siya, siguradong wala na siyang maaasahan na pagpapatawad.
Kilalanin muna kung sino ang ama
Ayon naman sa iba, makakabuti kung hindi niya muna aminin. Antayin niya muna ang paglabas ng ipinagbubuntis para malaman kung sino ang ama ng bata. Sa ngayon ay kanilang pinapayo na magrelax muna ang ina dahil hindi maganda sa kanyang pinagbubuntis ang kanyang pag-aalala.
Pinapayuhan ang ina na tignan kung sino ang kamukha ng bata para malaman kung sino ang ama. Subalit, upang masmakasigurado, magpa-paternity test sa pagkalabas ng bata. Ganunpaman, mayroon ding prenatal paternity test na maaaring gawin.
Prenatal paternity test
Maaari na ngayon magpa-paternity test kahit hindi pa naipapanganak ang dinadalang sanggol. Kadalasan itong isinasagawa sa ika-9 at ika-25 na lingo ng pagbubuntis. Maaaring pumili kung ang isasagawa ay invasive o non-invasive.
Para sa mga katanungan, maaaring magpunta sa DNA Test Philippines o tumawag sa (02) 7546 2904.
- Dahil sa paghihinalang hindi siya ang ama, mister sinapak ang newborn
- Soap Pregnancy Test: What Is It & Does It Really Work?
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang