Mga sintomas ng pagbubuntis sa unang buwan

Mga sintomas ng pagbubuntis sa unang buwan

Ito ang mga pagbabago sa iyong katawan na maari mong maranasan sa unang buwan ng pagbubuntis.

Narito ang sintomas ng buntis 1 month o sa unang buwan ng pagdadalang-tao.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sintomas ng buntis kapag sumapit ang isang buwan ng pagdadalang-tao.
  • Payo sa mga buntis na nakakaranas ng iba't ibang sintomas

Sintomas ng buntis 1 month o sa unang buwan ng pagdadalang-tao

Para sa ating mga babae, isa sa ginagamit nating batayan kung tayo ay nagdadalang-tao ay ang ating buwang dalaw o regla. Sa oras na nagmintis o na-delay kahit isang araw ang ating regla ay napapaisip na tayo kung tayo ba ay buntis. Lalo na kung sasabayan pa ito ng iba pang sintomas ng pagbubuntis na madalas na nararanasan sa unang mga linggo o buwan ng pagdadalang-tao.

Ang ilan sa mga sintomas ng buntis 1 month o sa unang buwan ng pagdadalang-tao ay ang sumusunod:

Missed period o hindi pagdating ng buwanang dalaw.

sintomas ng buntis, 1 month

Photo by RODNAE Productions from Pexels

Ito ang pangunahing sintomas ng pagbubuntis na mararanasan madalas sa unang mga linggo ng pagdadalang-tao. Ito rin ang signal na dapat ng mag-pregnancy test ang isang babae para malaman kung siya nga ay buntis.

Paliwanag ng siyensya, sa oras na makumpleto na ang implantation o nabuo na ang embryo sa uterine wall ng isang babae ay magsisimula na siyang mag-produce ng human chorionic gonadotropin o hCG. Ito ang hormones na pumipigil sa ovaries na mag-release ng eggs sa kada buwan. Kaya naman natitigil ang regla sa tuwing buntis ang isang babae.

Ang hormones din na ito ang nade-detect ng mga home pregnancy test sa ating ihi. Sa oras na lumabas na positibo sa hCG o pregnancy test ay mainam na magpunta na sa doktor upang magpakonsulta at makumpirma kung ikaw nga'y nagdadalang-tao.

Cramping at spotting.

Isa pa sa sintomas na mararanasan ng babae sa unang buwan ng pagdadalang-tao ay ang cramping at spotting.Epekto ito nang pagsisimula ng pagbuo ng blastocyst o ang group of cells na magiging organs at body parts ng sanggol.

Kapag nagsimula ng mabuo ang blastocyst sa lining ng uterus, magdudulot na ito ng implantation bleeding. Madalas itong  mapagkakamalang mahinang regla o light period. Maaaring kulay pink, red o brown ito na mapapansin sa tuwing magpupunas ng ari ang isang babae. Mararanasan ito hanggang sa 3 araw na maaaring sabayan ng pananakit ng puson.

Mas mainit na temperatura ng katawan.

Kapag nagbubuntis ang isang babae ay nadagdagan o mas bumibilis ang daloy ng kaniyang dugo upang matutustusan ang pangangailangan nang nagde-develop na sanggol sa kaniyang sinapupunan. Ito ang dahilan kung bakit mas nagiging mainit ang kaniyang katawan. Mas nagiging mainit pa nga ito sa tuwing siya ay nag-iehersisyo o nasa mainit na lugar. Kaya naman pinapayuhan ang isang babaeng buntis na magdahan-dahan sa pag-iehersisyo at uminom ng maraming tubig.

Fatigue o labis na pagkapagod.

sintomas ng buntis, 1 month

Photo by Ryanniel Masucol from Pexels

Ang pakiramdam ng sobrang pagkapagod ay isa rin sa pangunahing sintomas ng pagbubuntis. Tumataas kasi ang level ng hormone na progesterone sa katawan ng babae, dahilan kung bakit siya rin ay nagiging antukin. Sa stage na ito ng pagbubuntis, ipinapayong matulog ng sapat na oras ang isang babaeng buntis. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng sapat na tulog para sa development ng kaniyang sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan.

BASAHIN:

5 epekto kay baby at mommy kapag naninigarilyo si daddy

STUDY: Ilang dahilan kung bakit hindi pa handang maging tatay ang ilang lalaki

6 parenting mistakes kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata

Mas mabilis na tibok ng puso.

Sanhi pa rin ng hormones na ipino-produce habang nagbubuntis, kaya naman mas bumibilis ang tibok ng puso ng isang babae. Mas bibilis pa ito pagsapit ng ika-8 linggo o 10 linggo ng pagdadalang-tao.

Mga pagbabago sa suso.

Sa unang buwan ng pagbubuntis, makakaramdam nang pagbabago sa kaniyang suso ang isang babae. Maaaring ito'y paninigas, pananakit o biglaang paglobo o paglaki nito.  Dulot pa rin ng hormonal changes sa kaniyang katawan.

Isa pa sa makikitang pagbabago sa suso ng isang babae tuwing nagdadalang-tao ay ang mas umiitim o lumaking areola. Ito ang pabilog na parte sa suso ng babae na pumapalibot sa kaniyang utong.

Para maibsan ang pananakit sa suso sa tuwing nagdadalang-tao, ipinapayong magsuot ng komportableng maternity bra. O kaya naman ay gumamit ng mga breast pads na mababawasan ang friction sa nipple at ang pananakit na maidudulot nito.

Pagiging moody.

Ang sintomas na ito ng pagbubuntis ay dulot pa rin ng hormonal changes sa kaniyang katawan. Mas magiging reactive o emotional ang isang babae dahil rito. Mas mabilis din siyang makaramdam ng irritability, depression, anxiety at ganoon din ang labis na kasiyahan.

Maya't mayang pag-ihi.

Ang maya't mayang pag-ihi ay isa sa epekto ng mabilis na daloy ng dugo sa katawan ng isang buntis. Sapagkat sa mabilis na daloy na dugo ay nagpro-process ng mas maraming fluid ang kaniyang kidney. Kaya naman mas mabilis na mapuno ang kaniyang bladder at maya't maya siyang naiihi. Dahil rito, ipinapayong uminom ng mas maraming tubig ang buntis upang maiwasan siyang ma-dehydrate.

Bloating at constipation.

Maari ring makaramdam ng bloating o constipation ang isang babaeng nagdadalang-tao. Dulot pa rin ito ng pagbabago sa kaniyang hormones sa kaniyang katawan na nagpapabagal sa paggalaw ng kaniyang digestive system.

Morning sickness, nausea, at pagduduwal.

Ang morning sickness ang isa rin sa unang palatandaan ng pagdadalang-tao. Nagde-develop ito sa ika-4 hanggang 6 na linggo ng pagbubuntis at maaaring maranasan kahit anumang oras. Isa sa sinasabing dahilan kung bakit nararanasan ng isang buntis ang morning sickness, nausea at pagduduwal ay dahil pa rin sa hormonal changes sa kaniyang katawan.

Isang tip ng mga health expert upang maiwasan na makaranas ng morning sickness ang isang buntis ay ang pagtatabi ng crackers o biscuit na maaari niyang kainin sa mismong kaniyang paggising. Dapat manatili rin siyang hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng mas maraming tubig.

High blood at pagkahilo.

sintomas ng buntis, 1 month

Medical photo created by valuavitaly - www.freepik.com 

Mataas din ang tiyansa na makaranas ng high blood o pagkahilo ang isang babaeng nagdadalang-tao. Sinasabing maaaring mag-develop ito bago pa man ang pagbubuntis o kaya nama'y sa oras na magdalang-tao na ang isang babae. Ang itinuturong dahilan kung bakit ito nagde-develop sa pagbubuntis ay dahil sa dagdag na timbang ng babaeng nagdadalang-tao o ang kakulangan niya sa physical activity.

Kaya naman ipinapayo na magsagawa ang mga buntis ng mga pregnancy-friendly exercises. Dapat ding i-monitor o i-track ang kanilang blood pressure.

Para maiwasan ang pagkahilo, dapat uminom din sila ng sapat na dami ng tubig araw-araw. Ang pagbabaon ng snacks ay paraan din upang maiwasan na sila ay magutuman at mahilo dahil rito. Dapat din dahan-dahanin ang pagtayo upang maiwasan ang pagkahilo.

Sensitivity sa pang-amoy at pagiging mapili sa pagkain.

Ang pagiging sensitive sa pang-amoy ay isa sa madalas na nararanasan ng babaeng nagdadalang-tao sa unang trimester ng pagbubuntis. Ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit nakakaranas ng nausea o pagduduwal ang isang babae. Kaya nagiging mapili siya sa mga pagkaing gusto niyang kainin.

Weight gain o pagtaba.

Sa unang linggo ng pagbubuntis, normal na tataba ang isang babaeng buntis. Tinatayang maaaring magkaroon ng dagdag na 1-4 pounds ang kaniyang timbang.

Heartburn.

Sanhi pa rin ng hormonal changes na nagaganap sa kanilang katawan, ang valve sa pagitan ng tiyan at esophagus ng buntis ay nagrerelaks. Ang epekto nito, nagkakaroon ng leakage sa acid sa tiyan na nagdudulot ng heartburn.

Para maiwasan ang heartburn sa pagbubuntis, ipinapayong kumain ng marami at maliliit na meals sa araw-araw ang isang buntis. Sa tuwing kakain dapat umupo rin siya ng tuwid ng hindi bababa sa isang oras para mapabilis na mapababa ang kaniyang kinain at ito ay ma-digest.

Hindi ipinapayong basta uminom ng antacids ang isang buntis ng walang preskripsyon ng isang doktor.

Pregnancy glow o acne breakouts.

Pati ang balat ng buntis ay apektado rin ng dagdag na daloy ng dugo sa kaniyang katawan at pagbabago sa kaniyang hormones. Maaaring siya ay makaranas ng pregnancy glow o pagiging blooming. O kaya naman ay makaranas ng acne breakouts. Anuman ang maging pagbabago sa katawan ng isang babae dahil sa pagdadalang-tao, mahigpit na ipinapayo na panalitihin niya ang malusog at malinis na pangangatawan. Mainam din na lagi siyang makipag-usap sa kaniyang doktor lalo na kung may mga katanungan  siyang gumugulo sa kaniyang isipan.

Source:

Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner