Week 16: Gabay Sa Pagbubuntis

Week 16: Gabay Sa Pagbubuntis

Your baby now has defined eyebrows and eyelashes--can you believe it? As for you, mum, you'll be happy to know that you're most likely experiencing the much coveted "pregnancy glow".

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 16 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang avocado. Siya ay may habang 11.6cm at timbang na 100g.

week by week pregnancy: week 16

Ang Development Ng Iyong Anak

Narito ang mga development ng 16 weeks na buntis.

  • Nagsisimula nang tumigas ang mga kalamnan ng iyong anak lalo na sa kaniyang likod at mukha.
  • Kaya na ng iyong anak na sumimangot.
  • Nakaramdam na din ng liwanag ang talukap ng kaniyang mga mata.
  • Mayroon na din siyang kilay at pilikmata.
  • Nagsisimula na din madevelop ang kaniyang pandinig.
Mga sintomas ng buntis ng 16 weeks
  • Nararamdaman mo na ang paggalaw ng iyong anak.
  • May mga pagkakataon na kinakapos ka sa hininga.
  • May mga pagkakataon din na ikaw ay constipated dahil sa ang iyong uterus ay nakadagan sa iyong mga bituka.
  • Mabilis tumubo ang iyong buhok at mga kuko. Mas maganda din ang bagsak ng iyong buhok at nagsisimula nang mapansin ang iyong "pregnancy glow".
Pangangalaga sa buntis
  • Magsimulang mag-ehersisyo para tumibay ang iyong likod at pelvic muscles.
  • Patuloy na kumain ng masusustansiyang pagkain.
  • Gumamit ng moisturizer kung ang iyong balat ay nagsisimula na maging dry.
Checklist
  • Kausapin ninyong mag-asawa ang iyong anak.
  • Sumali sa mga prenatal classes.
  • May mga pagkakataon na ikaw ay nagiging makakalimutin. Gumawa ng listahan upang walang makalimutan.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 17 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 15 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

feiocampo

app info
get app banner