Week 17: Gabay Sa Pagbubuntis

lead image

Ooh, now your baby is beefing up. He is trading his rubbery cartilages for hardening bones. His umbilical cord is now stronger and thicker. As for you, mum, find out whether high-heeled shoes are advisable for you in this stage of your pregnancy.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 16 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang sibuyas. Siya ay may habang 13cm at timbang na 140g.

week by week pregnancy guide: week 17

Ang Development Ng Iyong Anak

Narito ang mga development ng 16 weeks na buntis.

  • Ang air passage ng iyong anak ay handa nang tumanggap ng oxygen sa halip na amniotic fluid.
  • Ang kaniyang mga buto ay nagsisimula na din na tumigas, na tinatawag na ossification. Ang kaniyang mga binti at loob ng tenga ang unang mag-ossify.
  • Ang kaniyang mga nerves ay magisisimula nang magkaroon ng myelin, isang layer ng protein at fatty substance na nag-iinsulate ng mga nerves upang magkaroon ng mabilis na transmission ng mga electrical impulses na napakahalaga para gumana ng maayos ang kaniyang nervous system pagkapanganak.
  • Ang kaniyang umbilical cord ay mas matibay at makapal.

 

Mga sintomas ng buntis ng 17 weeks

  • Habang lumalaki ang iyong anak, mataas ang tsansa na bumigat din ang iyong timbang.
  • Nagsisimula nang lumabas ang mga stretch marks.
  • Maaaring magkaroon ng vaginal discharge, pagpapawis at mucus dahil sa increase ng blood flow sa iyong katawan.

 

Pangangalaga sa buntis

  • Tanungin ang iyong doctor kung sapat ba ang lahat ng iyong prenatal vitamins para sa pangangailangan ng iyong anak.
  • Magsimulang gumamit ng mga flat na footwear sa halip na high heels.

 

Checklist

  • Pag-usapan ninyong mag-asawa kung gusto niyo ba malaman ang kasarian ng inyong anak.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 18 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 16 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

feiocampo