Week 19: Gabay Sa Pagbubuntis

Week 19: Gabay Sa Pagbubuntis

You may feel that there's so much going on. Between your little ninja's movements and increasing aches, don't forget to take a breather. Meditation is a preferable way to de-stress, especially if you don't want to get out of bed!

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 19 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang mangga. Siya ay may habang 15cm at timbang na 240.1g.

week by week pregnancy guide

Ang Development Ng Iyong Anak

Narito ang mga development ng 19 weeks na buntis.

  • Nagsisimula nang madevelop ang mga pigment sa balat ng iyong anak na siyang magsasabi kung ano ang kulay ng kaniyang balat. Mababalot din siya ng Vernix Caseosa, isang manipis na na parang wax na pumoprotekta sa kaniyang balat mula sa amniotic fluid.
  • Tumutubo na ang kaniyang buhok.
  • Nadedevelop na ang kaniyang mga senses tulad ng paningin, pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat.
  • Ayon sa mga pag-aaral, naririnig na niya ang iyong boses kaya iwasan magbitaw ng mga hindi magagandang salita. Magbasa, kumanta o kausapin ang iyong anak.
  • Ang kaniyang kidney ay nagsisimula nang gumawa ng ihi.
Mga sintomas ng buntis ng 19 weeks
  • Ang iyong tiyan ay lumalaki nang mabilis, kaya ang mga ligaments na sumusuporta sa iyong matris ay nagiging sanhi ng pananakit ng tiyan.
  • Masasanay ka na sa pagsipa ng iyong anak. Iwasan na mapabundol sa mga matitigas na bagay tulad ng mesa.
  • Maaari ka din makaramdam ng heartburn dahil sa paglaki ng iyong tiyan.
Pangangalaga sa buntis
  • Maglakad at sumubok ng mga simpleng ehersisyo upang mabawsan ang pananakit ng katawan.
  • Kung ikaw ay nahihilo, umupo at subukan ang iba ibang deep breathing exercise.
  • Matulog na may unan sa pagitan ng iyong mga tuhod lalo na kung ikaw ay nakakaramdam nang pananakit ng balakang.
Checklist
  • Tawagin ang iyong asawa kapag sumisipa ang iyong anak upang makita din niya ito.
  • Magsimula nang mamili ng pangalan para sa iyong anak.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 20 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 18 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

feiocampo

app info
get app banner