Week 20: Gabay Sa Pagbubuntis

lead image

Congratulations, mum! You're halfway through your pregnancy. Find out what your baby may be able to do with his eyes and what fun activity you should definitely be doing now.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 20 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang saging. Siya ay may habang 16.5cm at timbang na 299.9g.

week by week pregnancy guide: week 20

Ang Development Ng Iyong Anak

Narito ang mga development ng 20 weeks na buntis.

  • Ang balat ng iyong anak ay kumakapal at nagkakaroon ng mga layer.
  • Maaaring nakakamulat na ang mata ng iyong anak sa panahong ito.
  • Nakakalunok na din siya ng mga amniotic fluid na makakabuti sa kaniyang digestive system.
  • Mayroong maitim at malagkit na substance sa kaniyang tae na tinatawag na meconium. Mawawala din ito kapag naipanganak na siya.
  • Gumagana na din ang kaniyang mga taste buds. Kung makita mo sa anomaly scan na sinusupsop niya ang kaniyang daliri, malamang ay nagustuhan niya ang huli mong kinain.
  • Kung babae ang iyong anak, buo na ang kaniyang matris at ang kaniyang vaginal canal ay nagsisimula na ding madevelop. Kung lalaki naman ang iyong anak, ang kaniyang testicles ay nagsisimula nang lumabas subalit wala pa siyang scrotum.

Mga sintomas ng buntis ng 20 weeks

  • Nagsisimula ka nang bumigat ng kalahating kilo kada linggo.
  • Ang iyong tulog ay maaaring maging putol-putol dahil sa mahirap na posisyon nang pagtulog.
  • Ang morning sickness mula sa first trimester ay unti-unti nang nawawala ngayon.
  • Nagsisimula na din bumalik ang iyong libido.
  • Maaari kang magkaroon ng vaginal discharge at magpapatuloy ito hanggang katapusan ng iyong pagbubuntis.

Pangangalaga sa buntis

  • Bantayan ang iyong timbang upang maiwasan ang pagiging underweight o overweight.
  • Mag-ehersisyo upang maiwasan ang mga pananakit ng katawan.

Checklist

  • Kumonsulta sa doctor kung kailangan mo ng anomaly scan.
  • Kumain ng masusustansiyang pagkain.
  • Inumin ang iyong mga prenatal vitamins.
  • Humingi ng pahintulot sa doctor kung may plano kang magbakasyon sa ibang lugar.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 21 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 19 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

feiocampo