Alamin sa artikulong ito ang mga sintomas ng buntis kapag sumapit na ang 20 weeks na pagbubuntis at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Development ni baby sa ika-20 linggo niya sa loob ng iyong sinapupunan.
- Sintomas na mararanasan sa 20 weeks na pagbubuntis.
- Checklist para sa mga buntis na nasa ika-20 linggo na ng kanilang pagdadalang-tao.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan ay kasing laki na ng isang saging. Siya ay may habang 16.5cm at timbang na 299.9g.

Ang development ng iyong anak
Narito ang mga development ng 20 weeks na pagbubuntis.
- Ang balat ng iyong anak ay sa loob ng iyong sinapupunan ay kumakapal at nagkakaroon na ng mga layer.
- Maaaring nakakamulat na ang mata ng iyong anak sa panahong ito.
- Nakakalunok na rin siya ng mga amniotic fluid na makakabuti sa kaniyang digestive system.
- Mayroong maitim at malagkit na substance sa kaniyang tae na tinatawag na meconium. Mawawala rin ito kapag naipanganak mo na siya.
- Gumagana na rin ang kaniyang mga taste buds. Kung makita mo sa anomaly scan na sinusupsop niya ang kaniyang daliri, malamang ay nagustuhan niya ang huli mong kinain.
- Kapag babae ang iyong anak, buo na ang kaniyang matris at ang kaniyang vaginal canal ay nagsisimula na ring ma-develop. Kung lalaki naman ang iyong anak, ang kaniyang testicles ay nagsisimula nang lumabas subalit wala pa siyang scrotum.
- Sa panahong ito rin, maaari ka nang makaramdam nang paggalaw o pagsipa ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan.
BASAHIN:
STUDY: Stress sa buntis at conflict sa pagitan ng mag-asawa, may kaugnayan sa behavior ni baby paglaki
10 pagkaing mayaman sa folic acid na dapat kainin ng mga buntis
#AskDok: Bawal ba ang instant noodles o pancit canton sa buntis?
Mga sintomas ng buntis ng 20 weeks
- Nagsisimula ka nang bumigat ng kalahating kilo kada linggo.
- Ang iyong tulog ay maaaring maging putol-putol dahil sa mahirap na posisyon sa pagtulog.
- Ang morning sickness mula sa first trimester ay unti-unti nang nawawala ngayon.
- Nagsisimula na ring bumalik ang iyong libido.
- Maaari kang magkaroon ng vaginal discharge at magpapatuloy ito hanggang katapusan ng iyong pagbubuntis.
- Mapapansin mo rin na mas mabilis humaba ang iyong mga kuko at humaba ang iyong mga buhok. Sanhi ito ng marami mong hormones sa katawan dulot ng iyong pagbubuntis.
- Lalakas din ang iyong pagkain sa panahong ito. Siguruduhing healthy ang mga pagkaing iyong kinakain upang parehas kayong maging healthy ni baby.
Larawan mula sa iStock
- Maaari pa ring magpatuloy ang pagkakaroon ng heartburn at indigestion sa panahong ito. Dulot ito ng maaanghang na pagkain, maasim at mataaas ang acid levels. Iwasan ang mga pagkain ito.
- Makakaranas ka rin ng mga occasional headaches o paminsan-minsang pananakit ng ulo. Maaari sanhi ito ng init ng panahon kaya naman iwasan ang mga bagay na makakapagpa-trigger sa pananakit ng ulo.
- Magsisimula ka na ring makaranas ng leg cramps o pananakit ng binti. Dulot naman ito ng pagdagdag sa iyong timbang. Iwasan ito sa pamamagitan ng pagtaas ng iyong binti.
Pangangalaga sa buntis
- Bantayan ang iyong timbang upang maiwasan ang pagiging underweight o overweight.
- Mag-ehersisyo upang maiwasan ang mga pananakit ng katawan.
- Kumain ng mga masusustansiyang pagkain.
- Umiwas sa mga bagay na magpapa-stress sa iyo.
- Huwag din lumagi sa mga mauusok na lugar o sa mga taong naninigarilyo upang hindi ka makalanghap ng usok. Maaari kasi itong magdulot birth defects sa iyong baby.
- Tanungin ang iyong doktor patungkol sa iron, dahil lumalaki na ang iyong baby ay kinakailangan niya ng new red blood cells. Maaari ka kasing maging anemia o magkaroon ng low iron levels.
Larawan mula sa iStock
Checklist
- Kumonsulta sa doktor kung kailangan mo ng anomaly scan.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain.
- Inumin ang iyong mga prenatal vitamins.
- Humingi ng pahintulot sa doktor kung may plano kang magbakasyon sa ibang lugar.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo