Week 24: Gabay Sa Pagbubuntis

Week 24: Gabay Sa Pagbubuntis

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang mais. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 24 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 24 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Laki ng sanggol sa loob ng sinapupunan pagsapit ng 24 weeks
  • Mga maaaring maranasan ng isang ina kapag sumapit na ang 24 weeks na kaniyang pagbubuntis
  • Checklist para sa mga nanay pagsapit ng 24 weeks

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay maaari ng kasing laki na ng isang mais. Mayroon na siyang habang 30 cm at timbang na 598.7 g.

week by week pregnancy guide: week 24

Ang development ng iyong anak

Narito ang mga development ng 24 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.

  • Ang iyong anak 11 1/2 inches na ang haba at tumitimbang na 1 pound. Bumibigat pa siya ng 6 ounces per week. Ang kaniyang bigat ay dahil sa paglaki o pag-develop ng kaniyang mga organs, buto, muscles at accumulating baby fats.
  • Ang mukha ng iyong anak ay buo na ngayon. Mayroon na rin siyang mga tenga at mas nakakarinig na. Kaya naman naririnig ka na ng iyong baby at ang mga tugtugin na iyong pinaparinig sa kaniya.
  • Sa pagkakataong din ito maaari mo nang makita ang itsura ng iyong anak dahil formed na ito pagsapit ng 24 weeks.
  • Bumibigat na rin ang timbang ng iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan.
  • Ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan ay mayroon na rin mga mata at pilikmata.
  • Magsisimula na rin ang kaniyang REM (rapid eye movement) sa linggong ito.
  • Ang kaniyang utak ay mabilis din na lumalaki.
  • Na-develop na ang kaniyang mga tastebuds.
  • Sa ngayon, ang kaniyang baga ay nagkakaroon na ng mga sanga-sanga.
  • Ang mga sanggol na ipinapanganak sa ika-24 na linggo ay may 50-50 na tiyansa na mabuhay.

BASAHIN:

Safe ba ang COVID-19 vaccine sa buntis?

Epekto ng amoy ng pintura sa buntis: Pwede bang magpintura ng bahay habang buntis?

#AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

Mga sintomas ng buntis ng 24 weeks

  • Kapansin-pansin na ang iyong tiyan.
  • Maaaring ang iyong pusod ay nakausbong din dahil ito ay naitutulak ng iyong matris.
  • Sa ngayon, maaaring nadagdagan ng pito hanggang walong kilo and iyong timbang.
  • Mapapansin mo na may mga stretch mark ang iyong tiyan at dibdib.
  • Mayroon din na maitim na guhit na tinatawag na linea negra sa ilalim ng iyong pusod.
  • Mababa ang iyong libido sa ngayon dahil ikaw ay laging nakakaramdam ng pagod.
  • Maaaring magkaroon ng vaginal discharge simula ngayon.
  • Posible ka pa ring makaranas ng constipation dahil ito sa iyong lumalaking uterus na itinutulak ang iyong ibang organs.
  • Maaari ka ring makaranas ng pananakit sa iyong lower abdomen.
  • Posible rin ang panlalabo ng iyong mata, sanhi ito ng iyong pregnancy hormones na nagpapababa ng tear production na nagdudulot ng eye irritation at nagpapataas ng fluid buildup sa iyong mata. Subalit temporarily lang ito. Maawawala rin ito matapos mong manganak.
sintomas ng buntis ng 24 weeks

Larawan mula sa iStock

  • Maaari ka ring makakaranas ng migraines. Magpa-check up sa doktor upang malaman ang nakakapagpa-trigger sa iyong migraine upang maiwasan ito.
  • Maaari ka ring makaranas ng leg cramps. Upang mawala ito subukan na unti-unting ideretso ang iyong binti pataas at i-flex ang iyong ankle upang huminto ang spasm o ang iyong leg cramps.
  • Sa pagkakataon ding ito, maaari kang makaranas ng pamamaga ng iyong paa at ankles.  Kaya naman maaaring lumaki na ang sukat ng iyong paa at hindi na magkakasiya sa iyo ang mga sapot o tsinelas. Upang maiwasan ito, i-elevate lagi ang iyong binti o legs kapag umuupo.

Pangangalaga sa buntis

  • Uminom ng gatas o kumain ng mga keso at soya upang mabawasan ang stretch marks.
  • Kumain ng mga pagkain na mayayaman sa Vitamin C pati na din mga gulay.
  • Kung makati ang iyong mga palad, iwasan ang mga bagay na mas lalong nakakapagpainit ng iyong kamay.
  • Makakatulong ang prenatal massage sa iyo, maaari itong gawin ng iyong asawa para sa ‘yo.
sintomas ng buntis ng 24 weeks

Larawan mula sa iStock

Checklist

  • Sumailalim sa glucose test upang malaman kung ikaw ay may gestational diabetes. Ang kondisyon na ito ay nangyayari kapag hindi sapat ang insulin sa katawan upang ma-regulate ang sugar levels.
  • Uminom ng madaming tubig.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 25 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 23 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Jasmine Yeo

Article Stories
app info
get app banner