Ika-36 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

undefined

Wala na ang lanugo o malambot na buhok na bumabalot kay baby pati ang wax covering na pumoprotekta sa kaniya sa iyong sinapupunan. Alamin ang iba pang developments sa nalalapit niyang paglabas at ang mga bagay na dapat mo ng paghandaan.

Sintomas ng buntis ng 36 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.

Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-34 na linggo?

sintomas ng buntis ng 36 weeks

Mga developments ni baby sa kaniyang ika-34 na linggo

Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:

  • Nagsisimula ng maalis ang lanugo o malambot na buhok na bumabalot kay baby. Pati narin ang wax coating na pumoprotekta sa kaniya sa loob ng iyong sinapupunan. Ang mga ito ay hahalo sa amniotic fluid at malululon ni baby na ligtas naman para sa kaniya.
  • Nagsisimula na siyang gumalaw patungo sa iyong pelvis.
  • Sa ngayon ay nagsisimula naring umikot si baby at ipwesto ang kaniyang ulo pababa sa iyong pwerta.
  • Fully developed narin ang kaniyang dugo at immune system.
  • Hindi parin fully matured ang kaniyang digestive system.

Sintomas ng buntis ng 36 weeks

  • Dahil pinupunan na ni baby ang lagpas kalahati ng iyong tiyan ay mahihirapan ka ng maubos ang isang regular-sized meal.
  • Ang backache o pananakit ng likod na iyong nararanasan ay mas lalala pa.
  • Makakaranas ka rin ng bloating at constipation.
  • Ang iyong vaginal discharge ay tila kakapal na maari ring magkaroon ng hibla ng dugo.
  • Dahil sa pumupwesto na pababa si baby sa iyong pwerta ay magkakaroon ng extra weight sa ibaba ng iyong tiyan. Ito ay magdududot ng hirap sayo sa paglalakad at maaring magdulot rin ng pelvic pain.
  • Gayunman ang downward movement ni baby ay magdudulot naman ng luwag sa iyong paghinga. Ito ay tinatawag na lightening. Ang pressure na dulot ng downward movement ni baby ay mas magpapadalas pa ng iyong pag-ihi.
  • Ang pangangati ng tiyan ay karaniwan sa lahat ng pagbubuntis.
  • Mas mapapadalas rin ang Braxton Hicks contractions, o ang mild contractions na nararanasan bilang paghahanda sa paglelabour.

Pag-aalaga sa sarili

  • Huwag ng bumayahe sa eroplano ngayong buwan hanggang sa makapanganak.
  • Para maibsan ang pelvic pain ay maligo sa maligamgam na tubig at magsagawa ng mga pelvic exercises.

Ang iyong checklist

  • Ito na ang oras para sa mga birth announcements.
  • Siguraduhing fully set up na ang iyong nursery para hindi mo na kailanganing alalahanin ito kapag dumating na si baby.
  • I-install na ang baby’s car seat, lalo pa’t hindi mo maiuuwi si baby gamit ang iyong sasakyan kung wala ito.

Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 37 weeks

Ang iyong nakaraang linggo: 35 weeks pregnant

Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento! 

Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!