Ika-37 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

undefined

Natututo ng huminga ng mag-isa ang iyong baby sa loob ng iyong tiyan. Ikaw sa ngayon ay dapat naring maghanda dahil maari ka ng manganak anumang oras.

Sintomas ng buntis ng 37 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.

Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-37 na linggo?

sintomas ng buntis ng 37 weeks

Mga developments ni baby sa kaniyang ika-37 na linggo

Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:

  • Sa ika-37 week, ang iyong pagbubuntis ay nasa full term na.
  • Ang ulo ng iyong baby sa ngayon ay napapaligiran at pinoprotektahan ng iyong pelvic bones; ang kaniyang ulo ay nahihiga sa iyong pelvic cavity.
  • Wala narin ang lanugo na nakabalot sa kaniya at tinubuan na siya ng buhok sa ulo na may haba na sa ngayon na 3.5 cm.
  • Ang baby mo sa ngayon ay nag-istretch at gumagalaw ng mas madalas sa loob ng iyong tiyan. Mahilig din siyang sipsipin ang kaniyang dalari. Hilig din siyang umikot sa magkabilang gilid at ikurap ang kaniyang mga mata ngayong linggo.
  • Natututo narin siyang huminga sa loob ng iyong tiyan sa pamamagitan sa pag-inhale at exhale ng amniotic fluid.

Sintomas ng buntis ng 37 weeks

  • Maliban sa bigat sa iyong tiyan, mahihirapan ka naring matulog sa gabi. Ito ay maaring dahil sa excitement o anxiety na dulot ng nalalapit mong panganganak at pagiging magulang.
  • Normal din sa linggong ito na lalakas ang iyong vaginal discharge. Maging alerto kung sakaling makakita ng hibla ng dugo sa iyong discharge dahil ito ay maaring palatandaan na maglelabour ka na.  Kung sakaling lumakas ang iyong discharge ay tawagan o pumunta na agad sa iyong doktor.

Pag-aalaga sa iyong sarili

  • Dapat ikaw ay manatiling hydrated. Kahit feeling mo ikaw ay busog o bloated na, alalahanin mong mahalagang makainom ka ng hindi bababa sa walong basong tubig sa isang araw.
  • Bigyan mo rin ang iyong sarili ng perineal massage bilang preparasyon sa nalalapit mong panganganak. Ito ay para ma-stretch na ang iyong perineum o ang parte ng balat sa pagitan ng iyong vagina at rectum at para maiwasan din ang episiotomy o ang paghiwa sa parte na ito sa iyong panganganak.  Ito ang paraan kung paano bigyan ng perineal massage ang iyong sarili: Gamit ang malilinis mong kamay at maiikling kuko, i-lubricate ang iyong hinlalaki at ipasok sa loob ng iyong vagina. Itulak ito pababa sa iyong rectum at i-slide sa gitna at gilid ng iyong perinuem. Gawin ito ng dahan-dahan habang nasa loob ng iyong vagina ang iyong daliri. Sa tulong nito ay mai-stretch ang iyong perineum tulad ng mangyayari kapag lalabas na ang iyong baby.

Ang iyong checklist

  • Magpre-register na sa iyong ospital para hindi na mahirapang magcheck-in kapag ikaw ay manganganak na.

Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 38 Weeks

Ang iyong nakaraang linggo: 36 weeks

Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento! 

Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!