Gabay sa pagbubuntis: 9 weeks

lead image

Alam mo ba ang mga sintomas ng buntis ng 9 weeks? Ating alamin mula sa article na ito pati na din ang iba pang mahahalagang impormasyon.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 9 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ngayon ng isang longan. Siya ay may habang 2.3cm at timbang na 1.9g.

week by week pregnancy guide

Ang Development Ng Iyong Anak

Alamin mula sa gabay na ito ang development ng 9 weeks na buntis.

  • Ang iyong anak ay hindi na embryo kundi isang fetus na lumalaki sa iyong sinapupunan.
  • Ang kaniyang mga facial features ay mabilis na nabubuo. Hindi na siya mukhang butete o tadpole. Makikita na ang kaniyang ulo at leeg.
  • Ang kaniyang heartbeat ay madidinig mo na sa pamamagitan ng ultrasound. May apat na chambers na din ang kaniyang puso at ang mga valves ay nagsisimula ng mabuo.
  • Ang ibang organs tulad ng liver at spleen ay nagsisimula na din mabuo.
  • Nabubuo na din ang kaniyang nipples at hair follicles.
  • Wala na ang kaniyang embryonic tail sa dulo ng spinal cord.
  • Makikita din sa ultrasound ang kaniyang paggalaw pero hindi mo pa ito mararamdaman.

Mga sintomas ng buntis ng 9 weeks

  • Magsisimula na ang morning sickness na maaaring tumagal ng buong araw. Huwag mag-alala dahil may mga paraan upang maiwasan o mabawasan ito. Samantala, may ibang mga buntis na hindi nakakaranas nito.
  • Maaring makakaranas ka din ng fatigue, pananakit ng likod, kakulangan ng focus, walang gana kumain o pagbaba ng timbang habang ang iyong katawan ay nag-aadjust pa sa iyong pagbubuntis.
  • Normal din ang mood swings sa mga panahon na ito.

Pangangalaga sa buntis

  • Inumin ang mga prental vitamins na inireseta sa iyo ng gynecologist tulad ng folate at multivitamins para sa karagdagang nutrisyon.
  • Makakabuti ang small frequent meals kaysa sa tatlong large meals upang hindi mabigla ang iyong tiyan.
  • Uminom ng madaming tubig lalo na kung madalas ang iyong pagsusuka. Maaari din uminom ng juice o kaya ay mga healthy soups kung nasusuka ka sa tubig upang mapalitan ang nawalang electrolytes sa iyong katawan. Kung sobra ang pagsusuka, sabihin ito sa gynecologist. Maaari ding bigyan ng IV drip ang mga buntis kung ito ay dehydrated na.

Checklist

  • Magsuot ng maluluwag na damit upang hindi maipit ang iyong tiyan.
  • Magsimulang aralin ang maternity leave policy ng iyong kumpanya.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 10 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 8 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!