Pagiging mataba nakakaapekto sa sperm quality ni mister

I-take note ito daddy! | Lead Image from Freepik

Sintomas ng low sperm count, ano nga ba ang dapat tandaan at mga maaaring dahilan nito?

Healthy sperm vs unhealthy sperm

“Trying to conceive” Ito ang challenging na parte ng pagsasama ng mag-asawa. Ang paniniwala ng karamihan, ang pagkakaroon ng healthy o strong sperm ng isang lalaki ay nakakapagpataas ng tyansa na mabuntis agad ang babae. Ngunit minsan, ang topic na ito ay mahirap i-open sa iyong asawa dahil ito ay maaaring sensitive na topic para sa kanila. 

Pero paano mo nga ba masasabi na healthy ang sperm ni mister sa isang tinginan lamang? Narito ang mga tips kung paano masasabing malusog ang sperm ng iyong asawa.

Nakita mo na ang kulay? Narito ang ibig sabihin nila:

Sintomas ng low sperm count | Low sperm count signs | Image from Freepik

1. Cloudy white o gray

Ang karaniwang kulay ng semen ng lalaki ay cloudy white o gray na parang may hawig sa jelly. Kung ito ang kulay ng sperm ng iyong asawa, ibig sabihin nito ay healthy siya. Panatilihin lang ang healthy lifestyle para maalagaan ito at mapataas ang sperm count.

2. Pink, red, brown or orange

Ang kulay na ito ay maaaring dahil sa Hematopsermia o dugo sa semen. Nangyayari ito dahil sa sunod sunod na pagtatalik o masturbation. Ngunit babalik rin ito sa original na kulay ng mga ilang araw. Sa ibang worst scenario, ito ay dahil sa blood pressure o STD katulad ng herpes, chlamydia at gonorrhea o infection dahil sa prostate.

Kung si mister ay nakakaramdam ng sakit sa ari, agad na magpatingin sa iyong doctor.

3. Black

Ang black na semen ay dahil sa old blood. Ngunit minsan ito ay dahil sa injury ng iyong spinal cord. ‘Wag mahihiyang magpa konsulta sa iyong doctor kung ikaw ay nakakaranas nito.

4. Yellow or green

Ang semen na kulay yellow o green ay kadalasan dahil sa tirang ihi na humalo dito. Ngunit sa ibang kaso, ito ay isang senyales ng medical problem. Katulad ng UTI, prostate infection o kaya naman STD.

Kung ang iyong asawa ay nakakaranas ng sakit pagkatapos ng ejaculation, kailangan niyo ng magpatingin sa doctor.

Sintomas ng low sperm count

Sa bagong pag-aaral na isinigawa tungkol sa sperm ng mga lalaki, napag-alaman na nakakaapekto ang labis na timbang ni mister sa kaniyang sperm count. Ito ang nagiging dahilan ng sintomas ng low sperm count. 

Kaya naman nirerekomenda ng mga eksperto na panatilihin ang healthy weight para maging maayos ang quality ng sperm ng isang lalaki.

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa ibang bansa, ang mga obese o overweight na lalaki ay malaki ang tyansa na magkaroon ng mababang kalidad ng sperm.

Sintomas ng low sperm count

Pati na rin ang pagiging underweight ay maaaring magdulot sa isang lalaki ng low percentage ng normal sperm. Para sa mga eksperto, ang pag-inom ng supplements katulad ng zincm, selenium, omega-3 o coenzyme Q10 ay isang paraan para ma-boost ang sperm ng isang lalaki.

Paano i-maintain ang healthy sperm?

Ang healthy sperm ay hindi lagi tungkol sa fertility at virility ng iyong asawa. Oo, kabilang na rin ang edad ng tao para masabi kung healthy ba ang sperm nito. Ngunit alam mo bang kayang makapag produce ng sperm ang isang lalaki hanggang 80 years old sila?

Narito ang ilang mga practices na kailangang gawin para mapanatili ang healthy sperm:

Kumain ng healthy

Ang healthy at well balanced diet ng isang lalaki ay nakakatulong hindi lang sa energy kundi sa pagkakaroon rin ng malusog na sperm. Ang mga pagkain na may folate katulad ng gulay at patatas ay nakapagpataas ng sperm count. Habang ang vitamin D na makukuha sa cereal at isda ay nakakapagpanatili ng shape ng sperm at mobility.

Low sperm count signs | Image from Freepik

Magbawas ng taba sa belly at maging aktibo

Hindi lang dapat ugaliin ang pagkain ng tama kundi dalhin rin ang iyong asawa sa gym. Ayon sa pag-aaral, ang mga lalaki na physically active ay mayroong mataas na testosterone dahilan para magkaroon ng healthy sperm. Makakatulong rin ang exercise sa libido.

‘Wag manigarilyo

Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang paninigarilyo ay nakakapagpababa ng sperm count, spem mobility at pagkakaroon ng pangit na sperm shape. May kaugnayan rin ito sa pagkakaroon ng miscarriage ni misis. Kung naninigarilyo ang iyong asawa ngayon, mabuting itigil na ito agad agad. Makikita mo ang improvement nito pagkatapos ng tatlong buwan.

 

Source:

The Star

BASAHIN:

10 Pagkain na makakatulong para dumami ang sperm count ni mister

Written by

Mach Marciano