Meningococcemia: Sanhi, sintomas, pag-gamot at kung paano makaiwas sa sakit na ito

Meningococcemia: Sanhi, sintomas, pag-gamot at kung paano makaiwas sa sakit na ito

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa sakit na meningococcemia.

Sintomas ng meningococcemia, kinumpirmang nakita at naging sanhi ng pagkamatay ng isang 4-anyos na batang lalaki sa Davao City. Mga health officials siniguro naman na walang dapat ipag-alala ang publiko sa kabila ng naiulat na kaso ng sakit.

sintomas ng meningococcemia

Image from Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Kaso ng meningococcemia

Kinumpirma ng mga health officials mula sa Davao na meningococcemia ang ikinamatay ng isang 4-anyos na batang lalaki kamakailan lang.

Ayon sa doktor na tumingin sa pasyente na si Dr. Jack Estuart, umaga ng August 30 ng itakbo sa kanilang ospital ang nasabing bata. Ito daw ay may mataas na lagnat at nagsusuka.  Ngunit, ilang oras matapos maisugod sa ospital ay hindi rin nagtagal ang bata. Binawian ito ng buhay bandang alas-3 ng hapon ng parehong araw.

Agad naman sumailalim sa monitoring at surveillance ang lahat ng huling nakasama ng bata para masigurong hindi sila nahawaan ng sakit.

Sa ngayon ay wala pang naiuulat sa kanila na nagpapakita ng sintomas ng meningococcemia.

Ano ang meningococcemia?

Ang meningococcemia ay isang uri ng rare bloodstream infection na dulot ng bacteriang Neisseria meningitides. Ito ang parehong bacteria na nagdudulot ng sakit na meningitis.

Kahit sino ay maaring magkaroon ng sakit na meningococcemia bagamat mas madalas itong tumatama sa mga batang apat na taong gulang pababa.

Ang meningococcemia ay nakakahawa. Ito ay maaring maipasa sa pamamagitan ng pag-atsing at pag-ubo. Pati narin ang pagkakaroon ng direct contact o paggamit ng mga bagay na nahawakan o ginamit ng taong may taglay ng sakit.

Kung hindi agad maagapan ang meningococcemia ay nagdudulot ng seryosong banta sa buhay ng isang tao na maaring mauwi sa mga komplikasyon at pagkamatay.

Sintomas ng meningococcemia

Ang mga sintomas ng meningococcemia ay pagkakaroon ng lagnat, sakit ng ulo, rashes, stiff neck, nausea, pagsusuka, pag-uubo, irritability, fatigue, convulsions at anxiety. Ito ay maihahalintulad sa sakit na flu o trangkaso. Ang tanging kinaibahan lang nito ay ang mga purplish rashes na idinudulot nito sa balat na hindi pumuputi kahit nadidiinan.

Habang ito ay lumala ay lumalala rin ang mga sintomas na nararanasan ng sinumang may taglay ng sakit na meningococcemia. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng blood clots, bleeding patches sa balat, lethargy at shock.

Upang matukoy kung ang isang tao ay may meningococcemia ay kailangang dumaan nito sa mga test tulad ng blood test, blood culture o cerebrospinal fluid (CSF) culture. Ito ang pagkuha ng tubig o fluid mula sa spine.

Paano maiiwasan at malulunasan ang menigococcemia

Para naman malabanan ang impeksyon ay kailangang mabigyan ng intravenous antibiotics ang sinumang may taglay ng sakit.

Sa oras naman na ang meningococcemia ay nagdulot na ng bleeding disorders sa pasyante ay kailangan ng sumailalim nito ng platelet replacement therapy.

Para naman masigurong hindi mahahawaan ang mga tao sa paligid ng pasyenteng may meningococcemia ay maari silang resetahan ng prophylactic antibiotics ng doktor bilang kanilang proteksyon mula sa sakit.

Ang meningococcemia ay maiiwasan. At magagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng proper at healthy hygiene.

Isa sa paraan para maiwasan ito ay ang madalas na paghuhugas ng kamay at pagtatakip ng mukha o bibig sa tuwing may umuubo o umaatsing.

Makakatulong rin ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain, pag-eexercise, pagkaroon ng maayos na tulog at pahinga at pagtigil sa pag-inom ng alak at paninigarilyo para magkaroon ng sapat na resistensya laban sa sakit.

Ang meningococcemia ay isang seryosong sakit na kayang kumitil ng buhay ng isang tao sa loob ng ilang oras.

Kaya naman sa oras na nakaramdam ng sintomas ng meningococcemia ay agad na magpunta sa iyong doktor para matingnan at mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon laban sa sakit.

Source: Philippine News Agency, Healthline, Medicine Net

Basahin: One mother urges other moms to be wary of meningococcemia

 

 

.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner