Narinig niyo na ba ang prostate cancer? May ideya ba kayo kung ano-ano ang prostate cancer symptoms, kung wala pa narito ang mga kailangan malaman tungkol sa sintomas ng prostate cancer at paano ito magagamot at maiiwasan.
Prostate Cancer: Sintomas, Gamot at Paano ito maiiwasan?
Ano nga ba ang prostate cancer? Isa itong uri ng cancer na ang tinatamaan lamang ang kalalakihan. Kundisyon ito kung saan hindi napipigilan ang pagrami ng mga abnormal na selula sa loob ng prostate gland. Ito ang responsable sa paggawa ng semilya ng mga kalalakihan.
Direktang naapektuhan ang paglaki at paggana ng prostate at hormone ng isang lalaki sa paggawa ng mga semilya. Karaniwang matatanda at nakakaedad na ang natatamaan ng prostate cancer.
Wala pang tiyak na dahilan na maibigay ang mga siyentipiko kung ano ang sanhi nito.
Sino ang mga may malaking tiyansang magkaroon nito?
Ayon sa mga eksperto malaki ang tiyansang magkaroon ng prostate cancer ilan sa mga sumusunod:
- Mga lalaking may edad 50 pataas
- Posibleng nasa lahi ang pagkakaroon ng prostate cancer at namana
- Mga naninigarilyo
- Kalalakihang may history ng STD (Sexually Transmitted Disease)
Sa isa ring pag-aaral ang mga lalaking mataas ang tiyansang magkaroon at mamatay sa prostate cancer ay iyong mga obese. Ang lalaki raw na may 40inch na bewang o 103cm pataas ay mayroon 35% risk na mamatay sa prostate cancer. Kaysa sa mga lalaking nasa 35inches lang ang bewang. Ang lokasyon taba sa bewang ang dahilan kung bakit mas prone sila sa prostate cancer.
Sintomas ng Prostate Cancer
Ang mga sintomas ng prostate cancer sa kalalakihan, at kailan nila malalaman na prostate cancer symptoms ang kanilang nararanasan.
Ang mga nakakaranas lamang ng sintomas ng prostate cancer ay kadalasang nasa malalang stage na. Narito ang mga sintomas ng prostate cancer na nasa malalang estado na:
- Nagkakaproblema tuwing iihi. Pagbagal o paghina ng urinary stream
- Madalas na pag-ihi lalo na kapag gabi
- May dugo sa ihi o semilya
- Pananakit ng bewan, likod, at dibdib at iba pang bahagi ng katawan kung saan kumalat na ang kanser sa buto.
- Nahihirapan magkaroon ng erection.
- Panghihina ng mga binti at paa.
Importanteng magpakonsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng mga ganitong sintomas upang mabigyang agad ng gamot at solusyon ang inyong kundisyon.
Prostate Cancer Symptoms: Sintomas, Gamot At Paano Maiiwasan? | Image from shutterstock
Pamamaraan sa paggamot
Kailangang kumonsulta sa inyong doktor para malaman kung anong klaseng panggagamot ang gagawin sa’yo. Ang pagpili ng mga pamamaraan sa paggamot ng prostate cancer ay maraming salik. Nariyan kung ano ba ang edad, stage ng cancer, sintomas ng prostate cancer mo, at siyempre ang iyong opinyon. Nariyan ang chemotherapy, surgery, symptomatology, Androgen Deprivation Therapy, at radiation therapy.
Mahalaga na makapili ng angkop na paraan kung paano magagamot ang prostate cancer. Upang mawawala ang mga prostate cancer symptoms na iyong nararanasan at ika’y maginhawaan.
Opsyon para maiwasan ang Prostate Cancer
Kagaya ng iba pang mga karamdaman ang pinakamainam na pamamaraan ay mamuhay ng healthy. Dapat magkaroon ng healthy lifestyle upang hindi dapuan ng mga sakit.
Ilan lamang ito sa mga opsyon upang maiwasan ang prostate cancer. Kumain ng mga masusustansyang pagkain, ugaliing mag-ehersiyo. Iwasan ang mga pagkaing may mga preservatives. Pagpapanatili sa normal na timbang na aplikable sa inyong tangkad.
Prostate Cancer Symptoms: Sintomas, Gamot At Paano Maiiwasan? | Image from shutterstock
Ugaling magpakonsulta sa doktor kahit na wala pang nararamdamang kahit anong sintomas ng prostate cancer upang maagapan agad ito kung made-detect ito ng maaga. Huwag matakot marami ang pamamaraan upang gumaling sa sakit na ito lalo na kung maagapan agad.
Source:
Cancer.org
Related links:
Andropause: when men go through menopause
Male breast cancer is real, and here are some surprising signs in men
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!