Alamin kung ano ang mga sintomas ng ulcer

Alamin kung ano ang mga sintomas ng ulcer

Ano nga ba ang sintomas ng ulcer, at anu-ano ang mga hakbang na puwede nating gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon?

Maraming dahilan para sumakit ang tiyan ng isang tao. Minsan, ito ay dahil sa indigestion, food poisoning, at sa mga babae, posible itong epekto ng menstrual cramps. Ngunit posible rin na ito ay dahil sa pagkakaroon ng ulcer, na isang kondisyon na hindi dapat balewalain.

 Ating alamin kung ano ang ulcer, kung ano ang sintomas ng ulcer, at ano ang magagawa upang ito ay magamot.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Ano ba ang ulcer?

Ang ulcer ay isang uri ng sugat na kadalasang natatagpuan sa loob ng tiyan. Karaniwang sinasabi ng mga tao na ang ulcer raw ay epekto ng hindi pagkain ng tama, o kaya sa wastong oras. Ngunit hindi ito totoo.

Ang pinakapangunahing sanhi ng ulcer ay ang bacterial infection na dahil sa Helicobacter pylori (H. pylori), o kaya paggamit ng ilang gamot tulad ng aspirin.

Ngunit posibleng lumala ang sintomas ng ulcer kapag hindi kumakain ng tama, pagkain ng maaanghang na pagkain, o kaya sobrang stress.

Kung mapabayaan posibleng magdulot ng mas matinding infection ang ulcer. Posible rin itong magdulot ng internal bleeding, at ng hirap sa pagdumi.

Anu-ano ang sintomas ng ulcer?

Heto ang mga sintomas na kailangan alamin pagdating sa ulcer:

  • Kumikirot na sakit ng tiyan
  • Pagkakaroon ng pakiramdam na busog,  o kaya bloated
  • Nahihirapang kumain ng matatabang pagkain
  • Pagkakaroon ng hyperacidity, o kaya heartburn
  • Pagsusuka

Minsan, posible ring magkaroon ng mg sumusunod na sintomas:

  • Pagsusuka ng dugo
  • Pagkakaroon ng dugo sa dumi
  • Nahihirapang huminga
  • Panghihina ng katawan
  • Pagbabago ng gana sa pagkain
  • Hindi maipaliwanag na pagpayat
Paano ito nagagamot?

Ang pinakamainam na gamot sa ulcer ay ang pagpapakonsulta sa doktor. Posibleng mawala nang kusa ang mga ulcer, ngunit may posibilidad na ito ay bumalik, at baka mas malala pa ang maging sintomas nito.

Kaya't mahalagang magpakonsulta sa doktor upang mabigyan ng gamot sa ulcer.

Maaari ring gawin ang mga sumusunod upang makaiwas sa pagkakaroon ng ulcer:

  • Hindi pa rin alam kung paano nakakahawa ang bacteria na sanhi ng ulcer, ngunit maiiwasan ang pagkalat nito sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay at sa pagpapanaliting malinis ng paligid.
  • Mag-ingat sa pag-inom ng mga painkiller. May ilang mga gamot na posibleng magdulot ng ulcer, kaya't mahalagang sundin ang reseta sa mga gamot na ito, at huwag basta-basta itong inumin, lalong-lalo na kung walang laman ang tiyan.
  •  

Source: Mayo Clinic

Basahin: Ano ang sakit na Krabbe Disease?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner