Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Mahalagang factor na kailangang tandaan ang sleeping position ng isang buntis dahil makakatulong ito upang maiwasan ang stillbirth. Alamin kung bakit!
Ano ba ang pinakamainam na sleeping position ng buntis? Alamin ang kasagutan dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit importante ang tamang sleeping position ng buntis?
- Pag-aaral na nagsasabing nakakaapekto ang posisyon ng pagtulog sa posibilidad ng stillbirth
- Mga dapat tandaan ng buntis tungkol sa tamang pagtulog
Napakaimportante ng pagtulog sa ating buhay. Pero bagama’t natural lang ito, may mga nahihirapan pa ring kumuha ng puwesto para sa mahimbing na pagtulog – isa na rito ang mga buntis.
Maraming nangyayaring pagbabago sa katawan ng babae kapag nagbubuntis. Ito ay dahil may isang buhay na unti-unting nabubuo sa tiyan ng isang ina. Kaya naman kung dati ay maaari silang matulog kung paano nila gusto. Ngayon, mayroon pang posisyon na nirerekomenda ang mga doktor para maging ligtas ang mag-ina.
Marahil ay narinig mo na ang payo na makabubuti sa mga buntis ang matulog ng nakatagilid.
Pero sa kabila ng mga narinig nating kagandahan ng sleeping posisyon na ito. Hindi pa rin ito madaling sundin, lalo na sa mga babae na nasanay na sa ibang posisyon ng pagtulog bago sila mabuntis.
Ang tanong, bakit nga ba mas maganda ang matulog ng patagilid ang buntis? Paano ito nakakaapekto sa ating baby? Masama bang maipit ang tiyan ng buntis kapag natutulog?
Maaaring makaranas ng stillbirth kapag mali ang posisyon ng pagtulog ni mommy
Ano nga ba ang Stillbirth
Ang stillbirth ay isang uri ng panganganak sa baby na patay na sa ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ang pagkawala ng baby bago ang ika-20 na linggo ay tinatawag na miscarriage o pagkalaglag ng bata sa sinapupunan ng isang ina.
Nangyayari ang stillbirth sa 1 sa 200 na pagbubuntis. Dahil nga ito’y tila normal na nangyayari sa mga pagbubuntis ay maaari talaga itong magdala ng lungkot sa mga babaeng buntis at sa kanilang asawa.
Subalit sa nasa 90% ang pagkakaroon ng successful pregnancy pagkatapos makaranas ng stillbirth.
Sanhi ng stillbirth
Kalahati sa mga kaso ng stillbirth ay hindi alam ang dahilan kung bakit ito nangyayari. Mga kadalasang sanhi ng stillbirth ay ang sumusunod:
- Birth defects, mayroon o walang chromosomal abnormality.
- Problema sa umbilical cord na prolapsed umbilical cord. Kung saan ang cord ay lumalabas na sa vagina bago ang baby, na nagiging dahilan ng pag-block ng oxygen supply bago pa makahinga ang baby ng kanilang sarili. O kaya naman ang cord ay naka-knot o naka-wrap ng mahigpit sa limb o sa leeg ng baby bago pa ang panganganak sa kaniya ng kaniyang ina.
- Pagkakaroon ng problema sa placenta, na nagbibigay sustansiya sa baby. Ito ay tinatawag na placental abruption. Kung saan ang placenta ay nakahiwalay ng maaga sa uterine wall ng isang babaeng nagdadalang tao.
- Kundisyon ng isang ina katulad ng pagkakaroon ng diabetes o kaya naman high blood pressure. Paritular na ang pagkakaroon ng pregnancy-incuded ang high blood pressure o kaya naman preeclampsia.
- Intrauterine growth restriction o IUGR, na naglalagay sa fetus sa kapahamakan at kamatay dahil sa kulang sa nutrition.
- Pagkakaroon ng kulang na nutrition ng baby sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina.
- Mga impeksyon sa pagbubuntis.
- Exposure sa mga environmental agents katulad ng pesticides or carbon monixide.
- Pagkakaroon ng history sa pamilya ng blood clotting na kundisyon katulad ng thrombosis, thrombosis, thrombophlebitis, o pulmonary embolism
Sino ang may mataas na tiyansa na makaranas ng stillbirth?
Mataas ang tiyansa na makaranas ng stillbirth ang isang babaeng nagdadalang tao kung siya ay:
- Nakaranas na ng stillbirth noon
- May alcohol o drug abuse
- Paninigarilyo
- Pagkakaroon ng obesesity
- Pagbubuntis sa edad ng 15 years old pababa at pagbubuntis ng 35 na taon pataas.
Sintomas ng stillbirth na dapat mong malaman
Wala talagang partikular na sintomas o warning signs bago mangyari ang stillbirth. Pero narito ang mga sintomas na maaaring mag-signal sa mga problema sa iyong pagbubuntis at maaaring magdulot ng stillbirth.
- Vaginal bleeding. Ang pagdurugo ay isa sa mga signs nito, lalo kung nangyari ito sa second half ng pagbubuntis ng isang babaeng nagdadalang tao. Ibig sabihin nito may problema si baby sa loob ng iyong sinapupunan. Kung makaranas ka ng pagdurugo agad tumawag sa iyong OB. Pero tandaan din naman na ang pagdurugo sa habang buntis ay kadalasan din naman hindi masyadong harmfull. Basta kumonsulta agad sa iyong doktor kapag nangyari ito sa ‘yo.
- Wala masyadong pagggalaw si baby sa loob ng iyong sinapupunan. O kaya naman pagbabago sa kaniyang activity level habang nasa sinapupunan pa siya.
Kaya naman mahalaga rin na bilangan ang kicks ng iyong baby upang maiwasan din ang pagkakaroon ng complication at maiwasan ang stillbirth.
Maaaring i-download ang theAsianparent app at i-click ang kick counter feature upang ma-monitor ang kaniyang paggalaw.
Tandaan na tawagan ang inyong doktor kapag nakaranas ng mga ganitong pangyayari.
Sleep on side: sleeping position ng buntis
Bakit mahalaga ang pagtulog ng nakatigilid para sa mga buntis. Alamin din ang maaaring masamang mangyari kay baby kapag mali ang sleeping position ng buntis.
SOS – Sleep On Side: Save our souls
Ang pagtulog ng nakatagilid ay tinatawag ding sleep on side o SOS. Sikat din itong acronym para sa salitang Save Our Souls.
Ang sleep on side ay maaaring paraan upang maligtas ang iyong baby at mabawasan ang posibilidad ng pagkalaglag. Dahil may mga ebidensiya na nag-uugnay sa pagtulog ng patihaya at stillbirth.
Ayon sa pinakamalawak na pag-aaral na isinagawa tungkol sa maternal sleep position at risk of stillbirth na inilathala sa BJOG: An International Journal of Obstetrics and Gynaecology, napag-alaman na ang mga babaeng nakaranas ng stillbirth pagkatapos ng ika-28 linggo ng pagbubuntis ay 2.3 times more likely na natutulog nang pahiga kesa patagilid.
Itinala na 291 pagbubuntis ay nauwi sa stillbirth habang 735 na kababaihan naman ay nabuhay. Nakumpirma nito ang mga dating pag-aaral na nagsasabing ang mga buntis na natutulog ng nakatihaya sa kanilang ika-28 linggo at pataas. Mas malaki ang posibilidad na makaranas ng stillbirth.
Sinundan pa ito ng isang pag-aaral na nagsasabing ang pagtulog ng nakatihaya ng mga buntis ay 3.7 times na mas mataas ang posibilidad ng stillbirth.
Sa kabila ng hindi malinaw na dahilan kung ano ang kinalaman ng paghiga sa posibilidad ng stillbirth, mayroon ilang teorya ang mga eksperto patungkol rito.
Ang fetus sa sinapupunan ng ina
Sa paglaki ng fetus sa sinapupunan, ang mga pregnant mom na natutulog ng nakatihaya sa kanilang third trimester ay may pinagsamang bigat ng sanggol at ng uterus.
Kaya naman ito ay naitutulak pababa at nagkakaroon ng pressure sa main blood vessels na nagsu-supply sa uterus. Ito ang nagdudulot para hindi magkaroon ng sapat na blood flow at oxygen ang sanggol.
Maaari ring dahilan ang pagkakaroon ng sleep apnea. Ito ay isang kondisyon kung saan bahagyan tumitigil ang paghinga sa gabi. Pwede ring asthma kung saan maaaring mahirapan kang huminga.
Kung mayroon ka ng mga kondisyong ito, at nababawasan pa ang supply ng dugo at oxygen dahil sa puwesto ng iyong pagtulog, maaari talaga itong maging delikado para sa iyong sanggol.
Kaya naman magandang paalala sa mga buntis na sanayin ang sleep-on-side sa kanilang ikatlong trimester sa tuwing matutulog sila. Kasama na rito:
- Kapag matutulog ks na sa gabi, ugaliin ang sleeping position ng buntis na sleep on side
- Kung nagising mula sa pagkatulog, siguruhing babalik sa nakatagilid na posisyon
- Kapag umiidlip o nagpapahinga sa umaga
Sleeping position ng buntis na SOS, makakaiwas sa mga fetus na maging low birth-weight
Napag-alaman din sa ilang pag-aaral na ang sleeping position ng buntis na sleep on side ay nakakapagpababa ng tiyansang maging low birth weight ang bata sa loob ng ikatlong trimester.
Kadalasan, kung anong posisyon mo nang makatulog ka ay iyon nang magiging posisyon mo buong gabi. Ayon sa pag-aaral, ang pagtulog nang nakatihaya ay maaaring magdudulot nang pagbagal ng daloy ng dugo sa katawan at magpapababa ng supply ng oxygen at nutrients na makakatulong sa pagpapalaki ng fetus o lumalaking baby sa loob ng sinapupunan ng isang ina.
Kaya naman malaki ang nagiging epekto nito sa lumalaking fetus sa loob ng sinapupunan ng isang ina. Nagreresulta ito sa low birth-weight ng mga bata. Pwede rin itong magdulot ng mga sakit at komplikasyon bago at pagkatapos silang ipanganak.
Ayon sa may akda ng pag-aaral na si Dr. Ngaire Anderson,
“This reduction in birth weight with back sleeping could partly explain the relationship we have seen between back sleeping and elevated risk of stillbirth.”
Sleeping position ng buntis na sleep on side, kailangan ba talaga itong gawin?
Kung pagsasama-samahin ang mga pag-aaral, ang isa sa pinakamagandang gawin ng isang buntis ay ang matulog patagilid. Lalo na kung nakakaranas ng pananakit ng balakang.
Ang sleep on side o SOS ay makakatulong din upang maging maganda ang daloy ng dugo at nutrients sa placenta patungo sa iyong baby.
Nirerekomenda rin ng mga doktor ang pagtulog ng nakatagilid. Ayon kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center, makakatulong ang pagtulog ng patagilid lalo na sa ikatlong trimester para hindi maapektuhan ang pagdaloy ng dugo sa katawan ng buntis.
“Actually ‘di ba kapag 3rd trimester, palaki na ng palaki ang tiyan mo. Meron tayong mga big vessels dito sa gitna ng ating nga abdominal cavities, the biggest vessels that we have in the body ay ‘yung aorta and the inferior vena cava.
So imaginine mo ‘yung ilang kilo ng baby na iyon idadagan mo doon sa iyong nga blood vessels. Siyempre, medyo ma-o-occlude ‘yung mga vessels, so ma-impair ‘yung return ng blood. Usually, nahirapan huminga si Mommy kapag ganun.
And that’s the cue that she has to turn on her left side to decompress her inferior vena cava and the aorta para hindi siya magkaroon ng inferior vena cava compression.”
Isa pang benepisyo ng posisyong ito ay nababawasan ang matinding pressure sa iyong kidney at liver. Ito ay makapagdudulot sa kanila na mag function ng maayos.
Makakaiwas din ito sa pamamaga ng iyong kamay, bukon-bukong at paa.
Para mas masanay na matulog ng nakatagilid, gumamit ng maraming unan sa paligid. Maaari ka ring bumili ng mga pregnancy pillow na pwede mong yakapin at dantayan kung magiging mas kumportable ka.
Maaaring maging mahirap lalo na kung magiging madalas ang paghilab ng tiyan at pagbangon para umihi, pero mahalaga na magkaroon ng sapat na pahinga at tulog habang nagbubuntis. Para naman ikaw mommy ay healthy rin at ganoon din ang iyong baby na nasa loob pa ng iyong sinapupunan.
Ayon kay Dr. Grace Pien, assistant professor of medicine ng Johns Hopkins University School of Medicine, “Research suggests that pregnant women who are not getting enough sleep — less than 5 or 6 hours of sleep a night — probably are at increased risk for things like gestational diabetes, and potentially for things like preeclampsia.”
Dagdag pa niya,
“I don’t think there’s clear evidence that sleeping on your right is worse than sleeping on your left. If there’s a reason somebody is sleeping on their right because they’re more uncomfortable sleeping on their left. I don’t think there’s a reason not to do it.”
Para sa lahat ng buntis, happy side-snoozing! Batid namin ang komportable at payapang pagtulog mo sa gabi. Kaya mo ‘yan mommy! Hangad namin ang isang healthy pregnancy sa ‘yo at safe delivery para sa iyong baby.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.