House panel inaprubahan ang bill para sa dagdag benefits ng solo parents
GOOD NEWS diyan para sa mga solo parents! Inaprubahan na ng House panel ang bill para sa dagdag benefits ng mga solo parents.
Good news para sa mga solo parents! Inaprubahan na ng House panel ang bill para sa dagdag benefits ng mga solo parents.
Expanded Solo Parents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164
Matatandaang taong 2018, nais ibahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batas sa Solo Parent upang madagdagan ang karapatan at benepisyo ng mga magulang na mag-isang itinataguyod ang anak na wala pa sa legal na edad.
Dagdag nila na pwedeng mag-apply ng Solo Parent ID kabilang na ang mga: namatayan ng asawa; inabandona ng asawa; hiwalay sa asawa; nakulong ang asawa dahil sa krimen; naging biktima ng pang-aabuso; annulled man o hindi. Ngunit magkaiba pa rin ang benipisyo ng working at non-working solo parent.
Noong nakaraang January 20, taong kasalukuyan, naglabas ng update ang Senado tungkol sa Expanded Solo Parents’ Welfare Act or Senate Bill No. 164. Inutos din ni Akbayan Senator Risa Hontiveros sa mga pribadong kompanya na mayroong 100 employee na magtayo at gumawa ng Daycare Facilities.
Ayon kay Hontiveros, and bill na ito ay sumasalamin sa paghihirap at mga balakid ng isang solo parent. “Raising a child is daunting, but raising a child alone constitutes a specific set of challenges and difficulties,” dagdag nito.
Republic Act (RA) No. 8972 or the Solo Parents’ Welfare Act of 2000
Noong February 26, inapbrubahan na nga ng House Committee on Revision of Laws ang bill kung saan humihingi ng dagdag na benepisyo ang mga solo parents. Ito ay sa pamumuno ni Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla.
Ayon sa kanya,
“This positive development is good news for all our solo parents who are demanding additional benefits as they cope with the rising prices of goods and services,”
Ang layunin ng bill na ito ay para madagdagan ang mga benepisyo ng mga solo parent. Ito ay maaaring makatulong sa kanilang pagpapalaki ng kanyang anak nang mag-isa.
Nakapaloob sa substitute na ito ang pagkakaroon ng 10% discount ng mga solo parent sa lahat ng basic needs ng bata. Kasama na ang children’s clothing materials, pagkain, vitamins at gamot na para sa mga batang 5 years old below.
Magkakaroon din ng 7 days parental leave with pay kada taon ang mga solo parent. Siruraduhin lang na dapat ay nasa 6 months ka nang nagtatrabaho sa kumpanya.
Kung sino man ang hindi sumunod sa utos na ito may karampatang parusa na matataggap.
“We pushed for inclusion of the provision on penalties because we need to ensure that companies, for instance, will comply with the much needed discounts that the measure intends to grant to solo parents,”
Umaabot sa Php 10,000 hanggang Pho 50,000 ang penalty ng kumpanyang hindi tutupad dito. Ang masama, maaari ka din na makulong. Ngunit kung pagkatapos nito ay agad na hindi tumupad sa batas ang iyong kumpanya, ang penalty dito ay nasa Php 100, 000 hanggang Php 200,000. O kaya naman pwedeng makulong ng isa hanggang dalaang tao.
Para kay Deputy Speaker and Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr, mabuting pagbigyang pansin o update ang RA 8972. Para naman matulungan ang mga solo parents para sa kanilang pangangailangan at challenges na kanilang kinakaharap bilang solong parent.
Ito ang sinabi ni Villafuerte sa filing ng House Bill No. 6051.
“Two decades since the enactment of the Solo Parent’s Welfare Act, Filipino families, particularly those led by solo parents as breadwinners and primary caregivers, face new challenges and burdens,”
Ayon din sa House leader, tinatayang tumaas sa 15 milyon ang mga solo parents.
Dagdag din ni Villafuerte na gawing mas kapaki-pakinabang ang magiging update sa R.A. No. 8972na ito.
“In light of these, the amendment of R.A. No. 8972 is necessary in order to update the law’s provisions, make it more inclusive, and infuse new or expand existing benefits that reflect the changing times and challenges faced by the Filipino family, ”
- 8 na benipisyo mula sa Extended Solo Parents Welfare Act kapag naipasa na bilang batas
- Solo parent ID: Kwalipikasyon, application, at benepisyo
- Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"
- Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”