X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

5 rason kung bakit nagkakaroon ng spotting ang buntis

8 min read
5 rason kung bakit nagkakaroon ng spotting ang buntis5 rason kung bakit nagkakaroon ng spotting ang buntis

Marami ang nababahala na nanay kapag nakaranas sila ng spotting sa pagbubuntis. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari at dapat bang ikabahala? | Lead image from iStock

Spotting sa pagbubuntis, narinig niyo na ba ito, moms? Karamihan sa atin na kinakabahan agad kapag nakakakita ng dugo na lumalabas sa ating katawan. Ngunit paano pa kaya kapag buntis si mommy at bigla itong dinugo? Doble ang kaba at pag-alala sa kanila!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang spotting sa pagbubuntis?
  • Bleeding o spotting?
  • Mga pagkain na nagdudulot ng pagkalaglag ng sanggol o miscarriage
  • Anong dapat gawin kapag may spotting?

Ano ang spotting sa pagbubuntis?

Ang spotting sa pagbubuntis ay normal at kadalasang nararanasan ng ating mga preggy moms. Ngunit hindi ibig sabihin ay kailangan na itong ipagsawalang bahala dahil hindi lahat ay ganito ang sitwasyon. May iba na senyales na pala ito ng seryosong komplikasyon at kung hindi maagapan, maaaring maging banta sa kaligtasan ni baby sa tiyan.

Bleeding o spotting?

Ano nga ba ang pagkakaiba ng bleeding o spotting? Parehong pwedeng mangyari ang dalawa anumang oras sa loob ng iyong pagbubuntis.

Ang spotting ay inilalarawan ng magaan o mild bleeding. Ito ay kung kaunting patak lang ng dugo ang makikita sa iyong underwear. Kaunti lang ang pagdurugo at hindi nito mapupuno ang isang panty liner.

Samantala, ang bleeding ay inilalarawan ng matinding pagdurugo. Maaring mapuno ng dugo ang panty liner o napkin at parang tuluy-tuloy ang pagdurugo.

spotting sa pagbubuntis

Ano ang spotting sa pagbubuntis? | Image from Unsplash

Mga rason kung bakit nagkakaroon ng spotting sa pagbubuntis

Narito ang mga rason kung bakit dinudugo ang babae habang siya ay buntis.

1. Implantation bleeding

Hindi lahat ng babae ay nakakaranas ng implantation bleeding. Ngunit kung ikaw ay dinugo, maaaring isa itong senyales ng pagbubuntis sa unang mga buwan. Nangyayari ang implantation bleeding kapag ang embryo ay pumupunta sa pader ng iyong uterus. Normal ito sa mga nagbubuntis at hindi dapat ikabahala.

Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, iba ang kulay at mas kaunti ang pagdurugo na sanhi ng implantation bleeding kaysa sa mga spotting na delikado para sa isang buntis.

“Usually kasi ‘yong implantation bleeding is paler and lesser in amount compared to the other forms of bleeding that we consider should cause an alarm.”aniya.

Kadalasang light pink o dark brown ang dugong lumalabas sa ‘yo rito. Hindi mo na kailangang gumamit ng sanitary pad dahil hindi naman ito malakas at kusa na lamang nawawala.

Paalala rin ni Dr. Lapitan, dapat kumonsulta ang buntis sa kaniyang doktor upang masiguro na ang spotting na kaniyang nararanasan ay implantation bleeding.

“It would be best to inform your OB-GYN, because she will examine you and get your history if it’s really implantation bleeding and not anything else.” aniya.

2. Ectopic pregnancy

Isa sa sintomas ng ectopic pregnancy ay mahina hanggang sa malakas na pagdurugo. Ito ay nangyayari kapag ang fertilized egg ay nasa labas ng uterus. Maaaring maranasan rin ang ibang sintomas katulad ng:

  • Panghihina
  • Pagkahilo
  • Pananakit ng balakang
  • rectal pressure

Kung sakaling nakakaranas ka ng pagduruga at mga sintomas na nabanggit habang nagbubuntis, ipagbigay-alam agad sa iyong doktor.

3. Pregnancy loss o miscarriage

Ito na yata ang pinakakinatatakutang trahedya ng mga nanay sa kanilang pagbubuntis. Walang magulang ang nais mawala ang kanilang pinakamamahal na anak.

Ang pagdurugo ay isang karaniwang sintomas ng pregnancy loss na sinasamahan ng pananakit ng balakang. Narito pa ang ilang sintomas ng miscarriage na kailangan mong bantayan:

  • Pananakit ng likod
  • Paglabas ng tissue sa iyong ari
  • Pagbaba ng timbang
  • Paglabas ng puting mucus
  • Contractions

Kinakailangang magpatingin agad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sintomas na ito para magkaroon ng agarang lunas ito at hindi tuluyang maging delikado.

spotting sa pagbubuntis

Ano ang spotting sa pagbubuntis? | Image from Unsplash

4. Placenta previa

Malaki ang ginagampanang papel ng placenta sa baby dahil ito ang nagsisilbing buhay ng fetus sa loob ng ating sinapupunan. Ang placenta ang kumukonekta sa blood vessels ng sanggol at nanay. Sa blood vessels dumadaan ang lahat ng nutrisyon na kinakain ng nanay at diretso itong dumadaloy sa placenta patungo sa baby.

Nangyayari ang placenta previa kapag ang placenta ay nakaharang o bumabara sa cervix, na siyang opening ng uterus, kung saan dumadaan palabas si baby. Delikado ang kondisyong ito habang labor at maaring magdulot ng komplikasyon sa iyong panganganak.

Kinakailangang tutukan ang mga nanay na may placenta previa. Bukod sa spotting, maari kang makaranas ng contractions o paninigas at paninikip ng tiyan dahil sa kondisyong ito. Mayroon ring nakakaranas ng sakit na umaabot hanggang likod.

Kung naging matindi ang pagdurugo, pwedeng maging maputla, hinihingal at may mababang pressure ang buntis na may placenta previa. Sa unang senyales pa lang ng pagdurugo na may kasamang contractions, kumonsulta na agad sa iyong doktor.

5. Pagbabago ng cervix

Habang lumalaki si baby sa iyong tiyan, lumalaki rin ang iyong lining ng cervix at ito ay nagiging sensitibo. Kaya naman asahan ang pagdudugo lalo na pagkatapos magtalik. Mas mabuting itanong ng personal sa iyong doktor ang mga rason ng iyong spotting sa pagbubuntis.

BASAHIN:

#AskDok: Totoo po ba na nagbabawas ng dugo kapag buntis kaya may spotting?

#AskDok: Ano ang mga dahilan ng miscarriage at may paraan ba kung paano ito maiiwasan?

Paggalaw ni baby sa tiyan bawat trimester: Lahat ng kailangan mong malaman

Mga pagkain na nagdudulot ng pagkalaglag ng sanggol o miscarriage

Narito ang mga pagkaing maaaring magdulot ng pagkakunan:

Partner Stories
Uniqlo Officially Launches its Online Store in the Philippines
Uniqlo Officially Launches its Online Store in the Philippines
10 million households get access to educational shows...
10 million households get access to educational shows...
TELUS International’s A Taste of Diversity cookbook celebrates winning Indian, Chinese, and Filipino recipes from the homes of 60 passionate team members
TELUS International’s A Taste of Diversity cookbook celebrates winning Indian, Chinese, and Filipino recipes from the homes of 60 passionate team members
Is your child really growing well?
Is your child really growing well?

1. Kape at iba pang caffeinated drinks

May ibang doktor na nagsasabing okay lang na uminom ng black coffee, tea at soft drink ang isang buntis. Ngunit tandaan, ito ay hindi pwede sa lahat. Kung ang iyong pagbubuntis ay sensitive, mas makakabuti kung iwasan mo muna ang mga caffeinated drinks.

Kung ang iyong doktor naman ay binigyan ang approval na uminom ng kape o tea sa isang araw, laging isaisip lamang na ang caffeine ay diuretic. Ibig sabihin ay madaling makapagpalabas ng fluid sa iyong katawan. Kaya mas mabuting uminom ng maraming tubig para na rin mapunan nito ang mga fluid na nilababas dahil sa caffeine.

2. Madumi at hindi hugas na pagkain

Ugaliing hugasan ang mga pagkaing ihahain. O kaya naman lutuin ito ng mabuti. Hindi ito namamalayan ng lahat ngunit may masamang epekto din sa pagbubuntis ng isang babae ang hindi hugas o hundi lutong pagkain.

3. Hilaw na pagkain

Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain rin ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby.

Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.

spotting sa pagbubuntis

Ano ang spotting sa pagbubuntis? | Image from Unsplash

4. Raw egg

Maraming pagkain ang kalahok ay hilaw na itlog. Ngunit alam mo ba na ito ay maaaring sanhi ng salmonella? Ang mga sintomas nito ay pananakit ng tiyan at pagtatae. Kapag nakaramdam ka na parang may iba sa tiyan mo, hindi maaalis sa isang buntis ang makaramdam ng stress o pagkabahala.

Iwasan na ang hilaw na itlog na maaaring makapagdulot ng salmonella.

5. Isda na may mataas na mercury content

May benefits sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.

Ayon sa Mayo Clinic, ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackarel o tile fish.

Mga dapat tandaan kapag may spotting

Gaya ng nabanggit, kumonsulta agad sa iyong doktor kapag nakaranas ng pagdurugo habang nagbubuntis. Narito pa ang ibang bagay na dapat tandaan:

  • Alamin kung gaano katindi ang pagdurugo. Spotting lang ba ito o bleeding na? Ilang panty liners o napkin ang napupuno sa loob ng isang araw?
  • Pansini rin ang kulay ng dugo. Maaring mahalaga ang impormasyon na ito sa iyong doktor para malaman niya kung anong sanhi nito.
  • Iwasang gumamit ng mga vaginal douche, tampons at makipagtalik kapag nakaranas ng pagdurugo habang nagbubuntis.

Tawagan ang iyong doktor at dumiretso na agad sa ospital kapag nagbubuntis at nakaranas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Matinding pagdurugo
  • Pagdurugo na may sakit sa puson at tiyan
  • Pagkahilo kasama ng pagdurugo

Paalala ni Dr. Lapitan, kapag mayroon kang agam-agam o katanungan tungkol sa iyong pagbubuntis, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa iyong doktor.

“When in doubt – in everything that you feel and see in your baby, it’s best to see an OB-GYN. Don’t leave it to yourself. It’s best that they can see you so that you really have a doctor’s advice when in doubt, especially the first time moms.”

Source:

Kidspot, Healthline, March of Dimes

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • 5 rason kung bakit nagkakaroon ng spotting ang buntis
Share:
  • Ano ang spotting at ano ang kaibahan nito sa buwanang dalaw o regla?

    Ano ang spotting at ano ang kaibahan nito sa buwanang dalaw o regla?

  • 7 rason sa spotting bago mag mens

    7 rason sa spotting bago mag mens

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • Ano ang spotting at ano ang kaibahan nito sa buwanang dalaw o regla?

    Ano ang spotting at ano ang kaibahan nito sa buwanang dalaw o regla?

  • 7 rason sa spotting bago mag mens

    7 rason sa spotting bago mag mens

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.