SSS Maternity Benefits: Paano Ka Makakakuha Nito?
Hindi madaling magbuntis, at maraming responsibilidad ang dala nito sa mga nanay. Kahit anong mangyari, kailangan mo ng tulong, kaya ang pagkakaroon ng SSS maternity benefits ay kapaki-pakinabang sa mga nanay.
Sa araw na malaman mong buntis ko, ito na yata ang pinakamasaya at katakot-katakot na sandali ng buhay mo. Pero kasama nito ay ang kayraming responsibilidad bilang magulang. Kaya naman mabuting magkaroon ng support system na makatutulong sa iyong pagbubuntis, kagaya ng SSS maternity benefits.
Para sa mga nanay na unang beses pa lang magka-anak, mahirap magdala ng sanggol ng siyam na buwan habang naghahanap buhay. Kaya naman importanteng malaman ng mga ina ang SSS maternity benefits at iba pang suporta galing sa gobyerno na karapatan nila.
Ano ba ang SSS maternity benefits?
Kasama dito ang maternity leave na ibinibigay sa mga inang may trabaho, depende sa uri ng panganganak niya. Para sa normal na panganganak, pinahihintulutan ng SSS maternity benefits ang ina ng 60 araw sa kalendaryo na bakasyon. Samantala, ang panganganak sa pamamagitan ng Caesarean section ay pinapahaba ang bakasyon sa 78 araw sa kalendaryo.
Isa pa sa mga SSS maternity benefits ay ang araw-araw na cash allowance na ibinibigay sa mga kababaihan na hindi makapasok sa trabaho dahil sa panganganak o pagkalaglag ng bata. Ito’y ayon sa Philippine Social Security System.
Paano makakuha ng SSS maternity benefits
Kahit sinong nagdadalang tao ay kayang makakuha ng SSS maternity benefits kung sya ay isang miyembro ng SSS. Pwede rin silang kumuha ng SSS maternity benefits kapag nakabayad na sya ng hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng 12 buwan, bago ang semestre kung saan sya nanganak o nalaglagan ng bata.
Kailangan niya din mag-pasa ng abiso ng kanyang pagbubuntis sa kanyang tagapangasiwa o kumpanyang pinapasukan. Kung sya naman ay isang boluntaryo, malayang trabahador, o may ari ng isang negosyo, pwede syang mag-pasa ng abiso sa SSS mismo.
Pero may tamang panahon din ang pagpasa nito. Para maintindihan natin ito, tingnan natin ang sistema ng kalendaryo ng SSS.
Binibilang nila ito gamit ang semester at ang quarter. Ang isang semester ay binubuo ng anim na magkakasunod na buwan sa isang taon. Ito ay mula Enero hanggang Hunyo, at mula Hulyo hanggang Disyembre.
Ang isang quarter naman ay binubuo ng tatlong magkakasunod na buwan sa isang taon. Ito ay mula Enero hanggang Marso; mula Abril hanggang Hunyo; mula Hulyo hanggang Setyembre; at mula Oktubre hanggang Disyembre.
Kung ang isang ina ay nanganak (o nalaglagan ng anak) ng Nobyembre 10, ito ay sakop ng semestre mula Hulyo hanggang Disyembre.
Para makuha ng ina ang kanyang benefits, dapat ay nakapagbayad sya ng kontribusyon ng tatlong magkakasunod na buwan bago ang pangalawang semester ng isang taon.
Obtaining SSS maternity benefits
Para makuha mo ang SSS maternity benefits na ito ng walang palya, magpasa ka agad ng mga kinakailangang papales. Kompletuhin mo ang Maternity Notification Form o SSS FORM MAT-1 na may kalakip ng patunay ng iyong pagbubuntis (katulad ng transvaginal ultrasound report).
Para sa mga empleyadong miyembro, kumpletuhin ang SSS Form MAT-2 para sa maternity reimbursement. Ito ay para makapagbigay ng salary credit galing sa SSS ang tagapangasiwa ng iyong kumpanya. Ito ay dapat ibigay sa oras na (o bago) kayo magbakasyon para sa maternity leave.
Pwede mong ipasa ang mga papeles na ito sa iyong HR representative. Ang iyong HR representative naman ang magaabiso sa SSS para sa iyo.
Para sa mga nanay na boluntaryo, malayang trabahador, o may ari ng isang negosyo, ang kailangan mo lang ay ang SSS FORM MAT-1. Ito lang ang kailangan kasi ang cash allowance ay diretsong ibinibigay sa miyembro. Mas mainam na matapos mo ang mga papeles na ito para mabawasan na ang kailangan mong asikasuhin sa iyong pagbubuntis.
Para mas malinaw sa iyo ang SSS maternity benefits, ito ang infographics na pwedeng makatulong sa iyo.
Isinulat sa Ingles ni ANGELA VERA.
Isinalin sa Tagalog ni Paul Amiel Salonga.
Kung meron kang mga suhestiyon, tanong, o komento tungkol dito, ibahagi mo sa amin ito at i-type sa Comment box sa baba.
Pwede mo rin kaming i-Like sa Facebook para mabasa mo ang mga napapanahong paksa at usapan galing sa theAsianparent.com Philippines!
Pwede mo ring basahin: Mom-to-be’s guide: Know all the maternity benefits you’re entitled to by law
- SSS maternity benefits: Mga hakbang para makakuha ang mga unemployed
- Paano makuha ang SSS Maternity Reimbursement?
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."